Isang taon na ang lumipas noong ipinaubaya ako ni mama kanila tito tuwing gabi. Doon niya ako pinapatulog dahil umaalis siya papunta sa trabaho bago magdilim—araw-araw!
"Mama," pagbati ko sa kaniya.
"Anak, kumusta na?" tanong niya habang pumapasok sa aming bahay. Mukhang inumaga na si mama sa trabaho niya.
"A-Ah, okay lang po," sagot ko.
"Ano na'ng ginagawa niyo kanila tito mo?" nakangiti niyang tanong.
"Gano'n pa rin po, ma," sagot ko naman. "Naglalaro pa rin po kami nung paborito niyang laro."
"Ah, mukhang masaya ka sa nilalaro niyo," natutuwang tugon ni mama. "Anong laro ba 'yon?"
Napahinto ako upang isipin kung ano ba ang pangalan ng nilalaro namin ni tito. Halos palagi pa nga naming nilalaro 'yon e. Minsan ay kasama pa ang mga kaibigan niya para mas masaya raw kami. Pero ni minsan ay hindi sinabi ni tito ang tawag sa larong iyon.
"E-Eh, hindi ko po alam yung tawag sa laro namin ni tito," mabagal kong sagot kay mama.
"Ano ba ang ginagawa niyo habang naglalaro?" dagdag niya.
"Parang nageexercise lang po kami ni tito. Minsan pa nga po may kasama kaming mga kaibigan niya e," buong pagmamalaki kong sagot kay mama.
"Ang galing naman! Nakakapag-ehersisyo ka rin pala," sabi ni mama. "Dapat nagdadala ka ng extrang damit para may pamalit ka sa t'wing pagpapawisan ka."
"Hindi na po kailangan, ma. Nakahubad naman po ako pati na yung mga kaibigan ni tito kapag naglalaro po kami e. Hindi po napapawisan yung damit kaya p'wede pa pong suotin."
BINABASA MO ANG
PUTANG INA
Misterio / SuspensoWARNING: SPG | Explicit Content Inside | R-18 | Trigger Warning Sa estado ng buhay kung saa'y isang kahig at isang tuka ang araw-araw na tagpo, hanggang saan ang kayang gawin ng isang ina? Mananatili bang silang kakapit sa patalim na tanging sa kani...