Sa sobrang daming nangyayari sa bahay, 'di ko namalayan na malapit na pala ang moving-up ceremony ko. Sa wakas, magse-senior high na ako. Pero parang may kulang pa rin talaga kaya magalang kong kinausap si mama tungkol dito.
"Ma? Moving-up na po namin sa susunod na linggo," mahina kong sabi. "Makakapunta po ba si papa?"
"H'wag mo ngang mabanggit-banggit 'yang tatay mong walang k'wenta. Ni hindi nga siya nakatulong sa atin. Baka nga wala ka sa isip ng taong 'yon sa mga oras na 'to," iritadong sagot ni mama habang naghahanda ng kaniyang mga gamit. Mukhang pupunta nanaman si mama sa pinuntahan namin dati— doon sa madilim na lugar na dinadayo ng iba't ibang mga lalaki.
Isinawalang bahala ko na lang ang pangungulila ko kay papa. Napakaraming pumapasok sa isip ko tungkol sa kung ano na nga ba talaga ang kalagayan niya ngayon. May bago na kaya siyang pamilya? Maunlad na kaya ang buhay niya? Sana naman nasa maayos siyang sitwasyon.
Dumating ang araw na aking pinaka-hihintay. Magkahalong tuwa at kalungkutan ang aking nararamdaman habang kasabay kong naglalakad ang mga kaklase ko para sa aming moving-up. Kasama kasi nila ang mama't papa nila. Samantalang ako, hindi ko pa rin makasama si papa.
Ilang sandali pa ay may kotse na umagaw ng pansin ng lahat. Pumarada ito sa loob ng aming paaralan at bumaba ang apat na lalaki. Mukhang napaka-espesyal ng sakay nito dahil pinagbuksan pa nila ito ng pinto.
"Anak!?" sigaw ng lalaking kabababa lang sa sasakyan nang mapatingin siya sa akin.
Siya ba talaga ang tatay ko? Mukhang mayaman na siya. May pa kotse at mukhang may marami pang bodyguards. Sana nga'y siya na para hindi na bumalik si mama sa delikadong trabaho niya tuwing gabi. Tumakbo ito palapit sa akin at lumuhod sa aking harapan.
"Anak, dalagang dalaga ka na," naiiyak nitong sambit pagkatapos ay mahigpit niya akong niyakap. "Narito na ako, 'nak. Sasamahan kitang umakyat sa stage."
Tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay nakita ko na ang aking ama. Hindi naman umimik si mama kaya alam kong hindi ibang tao ang kasama namin ngayon. Nakakatuwa dahil tinanggap ko ang aking mga medalya nang may kumpletong magulang sa aking magkabilang gilid.
Ngunit pagbaba namin ng stage ay nilapitan agad si papa ng mga kasama niya sa kotse kanina.
"Tapos na ang oras ng pansamantala mong paglaya. Yakapin mo na ang pamilya mo at ibabalik ka na namin sa selda."
BINABASA MO ANG
PUTANG INA
Mystery / ThrillerWARNING: SPG | Explicit Content Inside | R-18 | Trigger Warning Sa estado ng buhay kung saa'y isang kahig at isang tuka ang araw-araw na tagpo, hanggang saan ang kayang gawin ng isang ina? Mananatili bang silang kakapit sa patalim na tanging sa kani...