"B-Bakit po, 'ma? Bakit parang ikukulong nila si papa?" tanong ko kay mama.
"Matagal nang nakakulong ang ama mo. Nagda-drugs kasi yung sira-ulong 'yon. Hindi ka pa pinapanganak ay nakulong na siya," sagot ni mama. "Pinuntahan siguro siya ng tito mo kaya nalaman na magtatapos ka na."
"Bakit hindi niyo man lang sinabi sa'kin kung nasaan si papa?" mabilis kong sagot kay mama. Sobrang tagal ko na kasing hinahanap ang aking ama pero kahit pangalan niya'y hindi man lang nila nabanggit.
"Tumahimik ka na nga! May trabaho pa ako," nagmamadaling sagot ni mama. "Umayos ka rito sa bahay, ha? Madilim na sa labas, kailangan ko nang umalis."
Hindi man lang ako hinayaang magtanong ni mama. Napakarami ko pang katanungan sa isip ko. Tsaka ano ba yung "drugs"? Masama ba 'yon? Kailangan ko ng sagot.
"Titooo!" sigaw ko habang nakatapat sa bahay na katabi ng aming tinitirahan.
"Oh, ikaw pala 'yan? Pasok ka rito."
Pagpasok ko'y hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Tinanong ko na si tito ng lahat lahat ng gusto kong itanong. Napakaraming alam ni tito tungkol sa drugs. Alam niya ang epekto nito— pati na kung saan ito makukuha. Tila kabisado niya ang tungkol sa bagay na ito. Sobrang tagal naming nag-usap at inabot na kami ng madaling-araw kaya nagpaalam na ako sa kaniya na kailangan ko nang umuwi. Hindi pumayag si tito dahil delikado na raw lumabas. Maya-maya pa'y may ibinigay siya sa'kin na maliit na plastic.
"Gusto mo talagang malaman kung ano ang droga?" tanong nito sa akin. "Tikman mo ang laman niyan at mararamdaman mo kung bakit hindi kami tumitigil sa paggamit."
Ginawa ko nga ang sinabi ni tito. May tiwala naman ako sa kaniya. Gusto ko rin kasing malaman kung bakit ito nagugustuhan ng karamihan. Base sa kwento niya, mararamdaman ko raw na para akong lumulutang. Medyo mahihilo raw ako nang kaunti dahil unang beses ko pa lang. Magiging mas aktibo rin daw ako sa paggawa ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon.
Kinabukasan ay napagtanto ko na tama nga si tito. Naranasan ko ang bawat detalye sa mga ikinuwento niya sa'kin. Sinabi rin ni tito na sasakit daw ang ulo ko pagkagising. Pero may nangyari na hindi naman niya nasabi sa akin kagabi. Wala siyang nabanggit na magigising ako na wala nang damit.
![](https://img.wattpad.com/cover/202139933-288-k954932.jpg)
BINABASA MO ANG
PUTANG INA
Mystère / ThrillerWARNING: SPG | Explicit Content Inside | R-18 | Trigger Warning Sa estado ng buhay kung saa'y isang kahig at isang tuka ang araw-araw na tagpo, hanggang saan ang kayang gawin ng isang ina? Mananatili bang silang kakapit sa patalim na tanging sa kani...