Atleast BABAE naman ako!

71 1 0
                                    

Minsan kung sino pa yung taong hindi mo inaakalang magpapaligaya sa iyo, ay siya palang taong magpapasaya sayo at mamahalin ka ng lubusan.

Eto ang kwento ni Karylle na naghahanap ng taong magpapasaya sa kanya at kukumpleto ng buhay niya. Pero sino nga kaya ang kukumpleto nito?

Ating basahin ang istoryang magpapagulo ng inyong utak (Haha) at magpapainlove sa inyong mga puso. HopiaLikeit<3

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Karylle's POV

Ringgggggggggggggg!!!

5:00am

Kaagad kong pinatay ang alarm clock ko kasi naiinis ako kapag naririnig ko ang nakakairitang tunog nito sa umaga na laging nagpapaalala sa akin na kailangan kong pumasok sa paaralan araw araw. Araw-araw na lang may pasok! minsan naisip ko sana lagi na lang bumagyo ng apoy (charot! xD) ulan para wala na lang pasok e.

Ngunit nagbago ito lahat nung makilala ko ang first love ko. Classmate ko ang first love ko kaya naman ganado akong mag-aral araw araw.

4th yr. High School  palang ako pero alam ko na siya na talaga ang makakatuluyan ko na si Dingdong. Gwapo, maputi, matalino at gentleman pa! Yieehhh! kilig much talaga ako kapag dinidiscribe ko siya. Hahahaha. Oh Wait wait wait di pa pala ako nagpapakilala.. Ako nga pala si Anna Karylle Padilla Tatlonghari, 16 years of age, maganda (of course),matalino,mabait at minsan mataray  nga lang pero may respeto naman ako no.

Nag ayos na ako pagkatapos kong pagpantasyahan si Dingdong sa aking imahinasyon kanina.

Tapos na ako mag ayos at ready narin akong pumasok sa paaralan ng may biglang kumatok sa aking kwrato.

*Tok! Tok! Tok!*

"Pasok" tinatamad kong sagot.

"Anak papasok ka na ba? Malelate ka na kasi 6:00 na." pagpapaalala ng nanay ko.

"Ay Oo nga pala. Sige po nay paalis na po nyan ako" mahinahon kong sagot.

"Osge anak" ang sabi na lang ni nanay

General POV

Nagsimula ng magbiyahe si Karylle papunta sa kanyang school, medyo may kalayuan ang kanilang paaralan sa kanilang bahay kaya medyo natatakot na si Karylle kasi baka malate na siya sa kanyang klase.

Nakarating nang maayos at di late si Karylle sa kanilang school kaya medyo napanatag na ang kanyang loob.

Naglalakad si Karylle sa kanilang Hallway ng biglang napatingin siya sa ibang direksyon dahil napansin niya ang kumpulan ng mga estudyanteng nagtatawanan. Napangiti ito ng bahagya ng mapansin niya ang isang baklang nakatawa hindi ito pamilyar sa kanya. inisip niya baka sa ibang school ito nag aaral. Inilihis na lang niya ang kanyang tingin at nagpatuloy na ito sa paglalakad.

Natapos na rin ang kanilang klase at simula nung pumasok si Karylle ay hindi parin niya nakikikita si Dingdong.

Maghapon malungkot si Karylle at tulala habang naglalakad palabas ng school nang biglang may nabangga siyang tao. Nalaglag ang ipad na dala dala ng lalaking kanyang nakabungguan.

"Arrhh! What the f*ck! Are you blind?!" pataas na boses na pagsabi niya sa akin.

"Uso kasing tumingin sa dinadaanan e." Nakapameywang habang sinasabi niya ang mga ito.

This GAY's inlove with you MARE! (ViceRylle)Where stories live. Discover now