Tss! Feelingera!

51 2 0
                                    


Ang pagpapatuloy...

Habang bumaba ako ng hagdanan ay may pakiramdam akong hindi maiintindihan, para bang kumukulo ulit ang dugo ko sa di maipaliwanag na dahilan. Nakita ko ang lalaking bisita ni nanay at tila pamilyar sa akin ang pigurang iyon, parang nakita ko na siya. Nagulat ako nang makita ko ang bwisita ni nanay at...

"IKAW!"Sabay naming sabi habang nakaturo sa isa't isa. Tila pareho kaming gulat na gulat.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni nanay.

"At anong ginagawa mo dito baklita ka?" Taray kong tanong sa kanya.

"E ikaw, bakit ka andito? Siguro sinusundan mo .fyako no!" Nanliliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. May sayad yata to e. sinusundan ko raw siya!

"Hoy! Excuse me! Hindi ako stalker mo! at lalong lalong  hindi kita sinuan. Para sa iyong kaalaman, pamamahay ko ito at malamang andito ako!"

"Anak, Ano wag ka ngang ganyan sa bisita natin. Siya si Sr. Vic*-" pinutol ng baklitang yun ang pagsasalita ng nanay ko. Aba bastos talaga to!

"Hep! Hep! Hep! Correction Ma'am not Sr." Proud na proud siya habang sinasabi niya sa nanay ko yan.

"Ay. Oo nga no. pasensya ka na iho, di mo kasi bagay na tawaging ma'am e ang pogi mo kasing lalaki. Ah Karylle si Sr. ay Ma'am Vice pala. Ang anak ng Gov. natin dito. siya ang bisita natin ngayon."- Nanay Zsa Zsa. Inuto pa ni nanay si Baklita! Tsk! Gwapo! e bakla nga e!

"Nay, Sa dinami dami naman na pwede niyong maging bwisita e siya pa!" Napailing na lang ako at napasapo sa ulo. Habang yung isa ay pangiti ngiti pa! Grrrr!!.

"Anak naman, malaki ang utang na loob natin sa kanya. Kung di dahil sa kanya e napalayas na tayo dito sa bahay natin."- Nanay Zsa Zsa. mukhang ako pa ang masama ah.

"E nay, yang baklitang yan ay*-" Uso talaga bastusan e, pinutol ni nanay ang pagsasalita ko.

"Wala ng pero-pero. maghanda ka na lang ng makakain ng bisita  natin." inutusan pa akong magasikaso Bwisita namin.

Tiningnan ko ng nanlilisik ng mata si Baklita habang nakaturo ang dalawang daliri ko sa kanya papunta sa harap ng mata ko na para bang sinasabi na I'am watching you.

Binulungan ko si Baklita na... "Lalagyan ko ng lason ang pagkain mo!" - Karylle

"Tss! Subukan mo lang! Ang takot mo lang sigurong gawin un!" Sabay irap ng Baklitang ito sa akin. Inirapan ko rin naman siya bilang ganti.

General POV

Tinutulungan ni Karylle ang kanyang nanay na maghanda ng makakain kahit labang sa loob niyang ipaghanda ang baklang si Vice.

Habang nilalagay ni Karylle ang mga pagkain at pagkain sa lamesa ay ito namang si Nicole ay nakikipag chikahan kay Vice. "Bat di kaya tumulong tong si Nicole! masyadong ineentertain yang baklitang yan! Tsk!" Sabi ni Karylle habang nakatingin kela Nicole at Vice na nanlilisik ang kanyang mata.

Habang sila ay kumakain ay hindi tinanggal ni Karylle ang tingin niyang masama kay Vice, napansin naman ito ng kanyang nanay.

"Anak, Karylle bakit ang sama ng tingin mo kay Sr..ay Ma'am pala. May problema ka ba anak?" Tanong niyang nagtataka.

"Oo nay, may problema po ako. simula nung nakita ko yang pagmumukha ng baklitang yan."Inis nyang sabi habang nanliliit ang mga mata niyang nakatingin kay Vice.

"Anak naman, wag ka namang ganyan sa bisita natin."Sagot niya kay Karylle ng mahinahon.

Wala namang kibo si Vice at tuloy tuloy lang sa pagkain na parang nang aasar.

This GAY's inlove with you MARE! (ViceRylle)Where stories live. Discover now