Grrrr!

6 0 0
                                    

Ang pagpapatuloy...

General POV.

Samantala... Malungkot parin si Vice hanggang ngayon dahil tinaasan siya ng boses ni Terrence. Gusto niya sanang tawagan ang nobyo pero mas pinili niyang wag nalang dahil ayaw niyang siya ang hihingi ng tawad dito. Mataas kasi masyado ang pride neto.

Habang nagdadrive ng pauwi si Vice ay may naaninag itong babae sa gilid ng kalsada na umiiyak. Kaya hinintuan niya ito at nilapitan. Di niya alam kung bakit siya huminto at bakit niya gusto ito lapitan e samantalang di naman niya ito kilala. Lumapit na siya sa babae at kinausap ito.

"Hey girl, bakit ka umiiyak dito sa daan e pwede naman umiyak sa bar!?" tanong ni Vice sa babae.

"Wala kang pakelam! Huhu! E sa gusto ko dito umiyak e! Kung naiinggit ka edi gumaya ka. Huhu!" Nakuha pang mangasar ng babae kay Vice kahit umiiyak ito.

"Aba! Echosera ka rin babae ka no!" Pagtataray na sagot ni Vice sa babae.

Pinunasan naman ni Karylle (Oo si Karylle nga yun sino pa nga ba! ) ang kanyang luha ng marinig ang pamilyar na boses na kumakausap ngayon sa kanya.

"Ikaw na naman!" sabay na sabi nila.

"Sinusundan mo ba ako?!" Masungit na tanong Karylle kay Vice habang sinisinghot ang tumutulong sipon.

"Yuck!!! Kapal mo naman! Feeling! Tsk!" Sabi ni Vice habang umirap.

"O ano pang ginagawa mo dito! Bat di ka pa umalis?!" Karylle

"Wala.. Bakit sayo ba tong daan na to para palayasin ako?" pagtataray ni Vice.

Hindi na lang sumagot si Karylle kay Vice wala kasi itong ganang makipag away dito dahil iniisip niya parin ung pangyayari kanina.

"Hoy! Kulot! May pumutol ba ng dila mo kaya di ka makasagot sa akin! Tss!" Vice

"..." Wala paring kibo si Karylle

"Hoy! Kulot! Kinakausap kita!" sinigawan na ni Vice si Karylle.

Umiyak ulit si Karylle.

"Huhuhu! Bakit ganun, minahal ko naman siya ah tapos tinuring kong parang kapatid si Julio tapos pagtataksilan lang nila akong dalawa.. Huhuhu :'(" Umiiyak na tanong ni Karylle sa sarili.

"Nababaliw na siguro tong babaitang ito. Kinakausap na ang sarili." Bulong ni Vice.

Nagkaroon ng konting awa si Vice kay Karylle habang tinitignan niya itong umiiyak. kaya naisipan niyang tanungin si Karylle kung anong problema nito.

"Babaitang Kulot, Anong problema mo? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Vice.

"Huhuhu.. (tingin kay Vice) wala kang pakelam" walang ganang sagot ni Karylle kay Vice.

"Tss! Sungit mo girl! Dali na ano ngang problema mo? You can tell me.." pagaalo ni Vice kay Karylle.

Sandali nawala sa isipan ni Vice ang pagtatalo nila ni Karylle kanina sa restaurant at tila bumait ito sa dalaga.

"Hehe! Anong nakain mo at parang bumait ka ata?" napangiti ng konti si Karylle sa pagpapagaan ni Vice sa loob niya.

"Naloloka ka na talaga! Iiyak iyak ka tapos tatawa tawa ka! Tss." Pagbabalik ng ugali ni Vice na masungit.

"Sabihin mo na kasi babaita ung problema mo. Nacucurious ako e!" Dagdag ni Vice.

"Wag mo ng alamin.. *wipe her tears* baka matawa ka lang at baka pagtawanan mo lang ako." Mahinahon na sagot ni Karylle.

"Bahala ka nga! Makaalis na nga dito! " nakabusangot ang mukha niya habang papunta sa kotse.

Lumakad na si Vice at sumakay na sa kotse. Iistart na niya sana ang kotse pero napatingin siya uli kay Karylle na patuloy parin sa pagiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This GAY's inlove with you MARE! (ViceRylle)Where stories live. Discover now