DALAW

36 0 0
                                    


Ang pagpapatuloy...

General POV

Ilang buwan na rin ang nakakaraan ng unang pagkikita nila Vice at Karylle.

Isang buwan na lang rin ay makaka graduate na si Karylle sa High school.

Nagprapraktis na rin sila para sa graduation day at wala na rin silang gaanong ginagawa sa school kaya naman si Karylle ay nagkakaroon na rin ng oras para sa mga kaibigan niya.

Karylle's POV

Simula nung araw na nakabangga ko si Baklitang Vice ay hindi ko na siya nakita, Yun na ang una at huli naming pagkikita sinisigurado ko yun. Dahil ayoko ng sakit sa ulo atsaka unang una sa lahat di ko naman talaga siya kilala aksidente lang na nagkabanggaan kami. Ano ba yan! Ayoko na pagusapan un.

Pagkapasok ko sa school namin ay kaagad kong hinanap ang mga kaibigan ko na ngayon ko na lang ulit makakasama dahil masyado akong busy nung mga nakaraang araw. Like the other High school students, when the teacher is not around I also standby in the corridor or in the canteen to chat with my friends or to eat. (nakakarelate kayo no?) Kahit naman na masipag ako sa pagaaral e di ibig sabihin nun di ako gumagawa ng kalokohan. Haha!

Nakita ko ang mga kaibigan ko na sila Mira, Cathy, Jena, Maggie at Julio  nakaupo sa may side ng stage namin. Ang aga aga ang iingay nila. Nagpapaluan, nagkukurutan pa ang iba at nagsasabunutan pa sila! Ang weird ng mga kaibigan ko no. Hahaha

"Oy! K!!!!! Long time no see.." Sabi ni Mira na muntikan ng madapa dahil sa pagsalubong niya sa akin.

"O? Ok ka lang Mira? Hahaha! Masyado mo naman yata akong na miss at handa ka pa talagang magpapatid!" Sabi ko sa kanya habang nakayakap siya sa akin. Nagtawanan naman ang ibang mga kaibigan ko sa sinabi ko kay Mira.

"Hahaha! Oo naman no! Na miss lang talaga kita ngayon ka lang kasi ulit nakatambay."- Mira. Sabi niya sa akin habang kumalag na sa pagkakayakap.

"Masyado ka kasing matalino at masipag K. Kaya di ka na nakakatambay kasama namin." Sabat ni Jena.

"Kayo naman! Ang dali niyong magtampo! Syempre pagaaral muna ung priority ko ngayon." sabi ko sa kanila at umupo sa tabi ni Cathy

"Sus! Pagaaral nga ba o si Dingdong?" Kantyaw ni Cathy sa akin. Nagsi 'Ayieh' naman silang lahat.

Sandali akong natahimik nung naalala ko si Dingdong. Matagal tagal ko na rin siyang di nakikita. Ang huling kita ko sa kanya e nung last last week pa kaya medyo nakalimutan ko siya.

" *Snap his finger infront of Karylle's face* Heler! K. Are you ok? Natulala si Ateng neng sinabi ung pangalan ni PAPA Doorbell! AHAHAHA! Ayiiihhhh<3" Kantyaw naman ni Baklang Julio sa gabi Julia! Tsk! Kaagad namang bumalik ako sa ulirat ng mag 'Ayieh' nanaman sila.

"Che! Anong Dingdong kayo dyan! E hindi ko nga siya nakikita e." pabusangot kong sagot sa kanila.

"Ikaw kasi friend sobrang busy mo! Yan tuloy pati lovelife nganga!" Sabi ni Maggie

"Oo nga! Korek" dagdag pa ni Julio

"Kahit naman di ako busy e di naman ako pinapansin ni Dingdong. Kaya ok lang kung nganga parin ako pagdating sa lovelife. Atsaka hindi pa ako pwede magboyfriend ngayon kasi High school pa lang tayo."Pangangatwiran kong sagot sa kanila. Aminado naman akong di niya ako magugustuhan dahil inlove na inlove un kay Marian, e campus crush ba naman!

"Ay Oo nga no. May point ka dyan" Sabi ni Mira.

"Pero girl don't loose hope ha." Sabi ni Julio.

This GAY's inlove with you MARE! (ViceRylle)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora