Chapter 3 - My Heroin

157 8 16
                                    

Biglang nagvibrate ang cellphone ko.

from: Gabby

Message: thank you canton! napasaya mo talaga ako ngayon. I’m glad I have you.

: )

Di ko namalayang nakangiti na pala ako.

[CLASS HOURS]

Pinaglalaruan ko nalang ang ballpen ko. Ang potek! Bat ang hirap ng seatwork namin? T^T

Sine

Cosine

Tangent.....

HIndi ba pwedeng hanggang find X nalang tong math?  Psssshhhhh. Weakness ko talaga to. Pati na rin Physics at iba pang subjects na may numbers. Ang complicated naman kase eh. Una find X,  sunod  naging find angle ABC...Anong susunod? Find your true love? bwahaha! Ano ba, relate agad sa love love na yan. over lang! XD

Magpapatutor nalang kaya ako kay Gabby. Matalino talaga yung best friend ko. Isa yun sa mga dahilan kung bakit ko siya gusto. Nakakaattract naman kase talaga ang mga lalaking matalino. Valedictorian siya ng batch namin. Hindi lang siya puro accademics, lumalamang din siya sa sports lalong lalo na sa soccer. Ang dami nga nyang natanggap na medalya nung elementary graduation palang namin. Hindi naman ako naiinggit noh. Umakyat  din kaya ako sa stage at  nakatanggap ng DIPLOMA. BOOM! bwahaha! ang potek! At least, nakagraduate ng elementary diba? Malaking achievement na yun noh. XD

At pag naturuan na niya ako ng math, tuturuan ko na rin siyang mahalin ako. Para fair. bwahaha!  Ano ba to! Ang tokwa! Ang wagas makalandi! XD

Bahala na noh. Walang basagan ng trip.  :)) 

Lumulutang lang ang isip ko...

lutang

lutang

"No.4, Ms.Mendez and you will answer number 5 Ms.Abella. Please show all your solutions on the board."

"Okay ma'am.. ^.^ ............................

WHAT?!"  napatayo ako bigla. Bakit ako? anak ng tokwa to! Hindi pa nga ako tapos sa number 1 eh...Anong isusulat ko sa board? BINGO?   T^T

"Anything wrong Ms.Abella?"nagtatakang tanong ng trigonometry teacher namin.

"Nothing ma'am. I'll just finalize my answers first."  nginitian ko nalang siya. Waaaaaahhh! ang epols ko naman! May finalize finalize pa akong nalalaman. Eh wala namang lamang answers yung worktext ko! Patay ako dito.

HIndi na ako mapakali..Wahhhhhh! Air conditioned naman ang room pero nararamdaman kong tumutulo na ang pawis sa gilid ng mukha ko. Isip Kate..Isip......

"Here, get my answers. " nakasmile na sagot ng seatmate ko nang inabot niya  sa akin ng patago yung worktext nya.

Weeeeee! nakalimutan kong may mga kasama pa pala ako dito.. Thank you Lord! Di niyo talaga ako pinababayaan. :***

"Thank you!"  mahina kong sinabi sa kanya. Teka, familiar yung mukha nya ah. Nagkita na ba kami?

Anyway, pumunta nalang ako sa board at sinulat ang answers ko. Ay, este, answers pala ng seatmate ko.bwahhaha..Kung makaangkin lang ah.

Pagkatapos ng klase, nilapitan ko yung magandang seatmate kong nagmala super hero na nagligtas sa akin mula sa kahihiyang idudulot sana ni math. Ano ba tong story na to, ang hirap namang kalabanin ng kontrabida--> si math. X))

"Hi! Thank you talaga kanina. Akala ko malilintikan na naman ako eh." natatawa kong pahayag. Inabot ko sa kanya yung hiniram kong worktext.

"No problem. It's my pleasure to help. I've notice you a while ago, nakatulala ka lang kanina pa. So, I suppose wala ka pang nasasagutan sa mga problems na yan." nakangiti parin siya. Ang ganda talaga niya. Bagay na bagay sa kanya ang short hair. Mas nakikita kase yung mukha nya.Tapos ang cute pa ng dimples pati na rin yung mga mata nya.......light brown yung color.

HE'S THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon