chapter 11 - His Kuya

61 3 3
                                    

To: MY PRINCE

Naalala mo pa rin pala na orange ang favorite color ko.hahaha!

I like it very much.Thank you My Prince. :)

SEND *click*

"Oy nakita niyo ba yung orange na balloon?"

"Oo,ang sweet noh?Para kanino kaya yun?Sino kaya yung princess na tinutukoy niya"

"I want to meet a person who'll do that for me too"

Lumapad ang ngiti ko sa naririnig kong usap-usapan ng ibang girl students sa lobby na nakakita sa paglipad ng balloon KO. Oh ha,Ang haba ng hair ko dun. bwahaha! landi!

Waaaaaaaaaaaaahh ! kyaaaa!

Hindi pa rin siya nagbabago.He can still manage to make me giggle kahit twelve years na ang lumipas.Isa ito sa mga major turn on para sa akin,ang ipadama na importante ako kahit sa mga simpleng bagay man lang. 

Tumingin ako sa paligid.Sinuri ko ang bawat sulok ng lugar na nakikita ko.

Saang lupalok kaya siya nagtatago?Nandito siya.Nakita na niya ako.Paano niya kaya ako nahanap?Ang daya naman yata nito.Bakit ba pinapathrill niya ako palagi? >.<

"Nandito ka lang pala.I've been looking for you."

Napatingin ako sa babaeng nasa gilid ko. May dala siyang dalawang bag.Ang isa ay nakasabit on her right shoulder at ang isa naman ay hawak niya lang sa left hand.

"Meycee,ikaw pala." sagot ko.

'Here." inabot niya sa akin ang bag ko.

"Hala,bakit mo ba to dinala?Nag abala ka pa.Salamat." kinuha ko ito sa kanya ang nisabit sa balikat ko.

"Hindi kita nakita sa loob ng room kaya kinuha ko nalang ang bag mo para tuloy na tayo sa mall.We're buying the materials today remember?"

"Oops!sorry nakalimutan kong mamimili pala tayo ngayon." Nasapo ko nalang ang ulo ko.Ang dali ko naman kasing makalimot eh.Ano ba to.

"Shall we go then?" pag aaya niya.

Tumango ako.

NATIONAL BOOK STORE

Mag iisang oras na kaming paikot-ikot dito sa National Book Store.

"Meycee hindi pa ba natin nabili lahat?Ang dami na yata nito" pinagmasdan ko ang mga school supplies na nasa malaking cart na tinutulak ko.

Nasa harap ko si Meycee. Tumalikod siya para harapin ako.

"Nope,pero malapit na.Ang dami kasing pinabibili sa atin." binalikan niya ng tingin ang papel na hawak niya at muling naghanap sa mga materials na hindi pa namin nabibili.

Ilang bulletin ba ang gagawin namin at napakarami nito? >.<

Nasa counter na kami.

"That would be one thousand five hundred fifty four ma'am." salita ang cashier.

Inabot ni Meycee ang 2000 pesos.Sinuklian naman ito ng cashier.

Umabot ng anim na malalaking  supot ng plastik ang lahat ng pinamili namin.Lumabas kami sa store at naghanap ng mauupuan.

Tig tatalong plastik kami. Grabe,ang bigat naman nito. Sana nagdala nalang kami ng iba pang kasama. Nakakangawit na sa kamay. T^T

 Nakakita kami ng bench at nagmadaling umupo dito.

"Hay Salamat! Sa wakas nakaupo narin tayo. Ang sakit ng kamay ko." binaba ni Meycee ang hawak niyang mga supot pati na rin yung bag nya.Hinilot-hilot niya ang kanyang mga darili.

HE'S THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon