Chapter 2 - It's over

130 3 6
                                    

CHAPTER 2

“oh,tapos?” nalilito kong sinabi.Nagkita naman pala sila eh, bakit ganyan ang reaksyon niya?

Huminga lang siya ng malalim at niyakap ako ng mahigpit. ”We broke up.”

Lub…dub...luB..DUB.. LUB.DUB.LUB!DUB!

kyaaaah! potek na puso to ah!bakit ang bilis at ang lakas? Naririnig  ko ang bawat pintig nito. Naririnig din kaya to ni Gabby? tokwa naman eh.

 “what?”….yun, WHAT lang ang nasabi ko .Anak ng tokwa!XD

Nahati kase yung isipan ko sa nararamdaman ko at sa sinabi niya. Tsaka di ko naman talaga alam kung paano icomfort ang isang broken hearted na lalake eh. AWKWARD!XD

Hindi siya nagsalita……

*sniff*

hala,umiiyak ba to? “Uy,Gabby? I….”

“Hey Bro!” tumatakbong sigaw papalapit sa amin ng isang soccer teammate nya.

wow! grabe ha…What a perfect timing!XD

bakit ba ang daming panira ng moment ngayun? potek naman eh! Andun na kami sa feeling na….nasasaktan siya at tutulungan ko siyang ayusin ang nagkadurog-durog niyang puso at marerealize niya na dapat ako nalang ang minahal niya. waaaaahhh!ang landiiii. Magtigil ka Kate!bwahaha.

Tapos ayun may biglang dumating na asungot..tskkkk…okay?? ano ba naman to. kaloka! :/

Humiwalay siya sa akin at hinarap yung teammate nya. ”Susunod na ako. Just give me a minute.”

“Sure thing captain” tumangu-tango lang yung kausap niya at ngumiti sa akin bago tuluyang umalis..Bakit parang may something sa ngiti nun? Waring nanunukso ah.

Kinuha ni Gabby ang bag nya .Tumingin siya sa akin at binigyan  ako ng matamis na ngiti. ”See you later canton.” ^.^

Kahit nakangiti siya, obvious na nasasaktan siya. Haaay,ang mga lalaki talaga. Ayaw magpakita ng weakness. Ang popotek naman!

“Okay ka lang ba talaga Gabby?” Seryoso kong tanong .

“Of course I am. Hindi naman to big deal canton..”

“Okay then.” Mahina kong tugon.Ayoko namang pilitin siyang magsalita ngayun tungkol sa nararamdaman nya. Bahala na siya ang kusang magsabi sa akin ng reasons kung bakit sila naghiwalay..

Actually, galit ako kay Meycee. Pinagkatiwala ko sa kanya si Gabby tapos ganun lang ang mangyayari? break lang ang ending. tsk..Pero sa totoo lang, nagpapasalamat ako sa kanya dahil ngayon,masosolo ko na si Gabby…

ay hindi,joke lang yun…Kayo naman, di mabiro. bwahaha!

Nagpapasalamat ako sa kanya dahil habang maaga pa,pinarealize niya kay Gabby na hindi siya karapatdapat sa pag-ibig nito...I want the best for my bestfriend kaya.

 “By the way, ganyan ba talaga kalakas ang heartbeat mo? Or nagloloko lang yan kase kasama mo ang gwapong tulad ko? ”nangangasar na tanong niya sa akin.

O,O?

WAAAAAAHHH! Anak ng tokwa!narinig pala niya yun? Nakakahiya to!>.<

Gawin nyo na akong bula! please!kahit ngayun lang….make me disappear! T^T

 “Bakit ka namumula?” lumapit siya ng isang hakbang. Seryoso na ang mukha niya.

“Gusto mo pa rin ba ako hanggang ngayon?” lumapit uli siya ng isang pang hakbang.

“Yakap palang yon pero grabe na ang effect sayo.” mas malapit na siya ngayon.

“I wonder what will happen if I kiss you.” Unti-unting lumalapit ang mukha nya sa mukha ko .Nanlaki naman ang mga mata ko sa mga katagang binitawan niya.

Potek! bakit di ako makaalis sa kinatatayuan ko? nakaapak ba ako ng bubble gum? waaaaaaaaaahhhhh…napapikit nalang ako. (Wala na akong magagawa, BLESSING na ang lumalapit eh. bwahaha !joke lang! landiiiiiii.)

talagang wala ako sa tamang pag-iisip ngayun. SERYOSO! T^T

Buti nalang at may adrenaline rush ako, mala Edward Cullen at nilagay ko ang aking mga kamay sa mukha upang matakpan ito.

1

2

3

Kruk…kruk…kruk..

(Cricket sound yan.Isipin nyo nalang.XD..joke lang ulit.walang cricket ngayun.tanghali pa kaya.bwahaha. )

Idinilat ko ang mga mata ko at nakitang umabot sa tenga ang ngiti ni Gabby.

“hahahahaha! Grabe ka  canton! Feel mo rin talagang hahalikan kita noh?”nakatawang tinatapik niya ng malakas ang  balikat ko.

Dun ko lang narealize na JOKE lang pala ang lahat.NanTRIP na naman tong kumag na to.Grrrrrrrrrrrrrr! Piningot ko ang kanang tenga niya.

”Ahhhhhh! letche ka talaga Gabby !Ang sarap mong ilunod sa sabaw!”namumulang pahayag ko.

“araay! hoy canton! ang sakit ah! sorry na .Hindi ko na uulitin. hahaha.”

“Tumahimik ka! tokwang best friend to! Try mo kayang makipaglaro kay barney at huwag sa akin..Baka mas matuwa ka pa! ”binitiwan ko na siya.Namumula na rin kase yung tenga nya. Baka ano pang magawa ko dito eh.

“Okay. okay. Chill lang canton. I’ll try not to do it again, but I will never promise you that thing.” nag wink lang siya at tuluyan nang lumayo.

Tinignan ko nalang siya habang lumalayo .Grabe..Hindi pa talaga ako makaget over sa ginawa nya. Mabuti nalang at nagawa ko pang takpan ang mukha ko .Baka kase di ako makapagpigil at tototohanin ko ang paghalik sa kanya. bwahaha! ano ba!ang landiii na Kate! magtino ka nga. XD

Biglang nagvibrate ang cellphone ko.

from: Gabby

Message: thank you canton! napasaya mo talaga ako ngayon. I’m glad I have you.

: )

Di ko namalayang nakangiti na pala ako.

*********itutuloy********

HE'S THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon