ONE : HERE I AM AGAIN

28 1 0
                                    

I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!”

 -----------------------------------------------------------------------------

NASA SIDE NGA PO PALA ANG PICTURE NI KIAN ALVARES :)

-------------------------------------------------

[KIAN’s POV]

How can I describe this day? Di ko alam ang dapat kong maramdaman. Di ko alam kung magiging masaya ako dahil nakabalik na ako dito sa Pilipinas o magiging malungkot dahil maaalala ko lang lahat ng nangyari sakin dito.

Anyway, let me introduce myself first. I’m Kian Alvares. 21years old. I’m a self-proclaimed Troublemaker. That’s right, a troublemaker. Bata pa lang ako ganito na ko. Wala kasing guidance ng magulang o ng kahit sino. Sabi nga nila, ako ay walang disiplina, bastos at palaaway kaya nga ako pinatapon ng magaling kong ama sa US. Sabagay, di naman kasi nila alam ang tunay na nararamdaman at pinagdadaanan ko. 7years old palang ako ng umalis ang Mom ko sa bahay. Hindi ko alam kung saan sya nagpunta. At kapag tinatanong ko naman ang Dad ko tungkol sa kanya lagi lang syang nagagalit at sinisigawan ako. May mga time pa nga na sinasabi nya sakin na kalimutan ko na ang mom ko dahil hinding hindi na daw ito babalik dahil patay na sya. T____T

Napakalungkot ng kabataan ko. Dahil nga iniwan ako ng kaisaisang tao na umiintindi at nagmamahal sakin. At hindi ko pa alam kung saan sya nagpunta, ano bang nangyari sa kanya at bakit galit na galit sa kanya ang dad ko.

Haaaayyy! Masyado na yata akong madrama. Ano ba to? Sige na nga. Tigilan na natin to…

Eto na. Nakababa na ako ng eroplano. At nakikita ko na ang kababata ko na si Adrian. Kaibigan ng Dad ko ang parents ni Adrian. Balita ko pa nga may ginagawa silang business together. At malamang sya ang pinapunta ng Dad ko na walang ginawa kundi intindihin ang Business nya. May Company kasi sya dito at simula nga ng umalis ang mommy. Yun na ang ginawa nyang pamilya. Mas mahal pa nga nya yun kesa sa akin na anak nya. Eto nanaman ako oh. Bakit ba ako nagtatampo? E expected ko nanaman na hindi sya ang susundo sakin dito.

“Bro. Welcome back! Tagal mo din sa US ah.” bungad sakin ni Adrian.

“Yea. 10years din pare.” sagot ko naman sa kanya.

“Oh. Let’s go. Naghihintay na sina Tito sa resto. Nandun din sina Mommy. And I’m sure gutom kana.” sabi ni Adrian.

At sumakay na nga kami sa sasakyan. Sa byahe, ang dami masyadong kwento nitong si Adrian. Tungkol kay Daddy. Sa family nya, friends at mga babae. Babaero talaga itong kababata kong to. Bata palang kami madami ng babae ang nababaliw sa kanya. E gwapo din naman kasi itong mokong na to. Mayaman pa at higit sa lahat napakabolero.

Ako naman. Gwapo din syempre. Walang halong pagyayabang mas gwapo pa nga ako sa kanya. At lapitin din ng mga babae. Yun nga lang galit ako sa mga babae, malayo ang loob ko sa kanila. Dahil ang totoo takot akong magmahal. Dahil naiisip ko na baka kapag nagmahal ako. Iwan din nya ako kagaya ng ginawa sakin ng mommy ko. Drama nanaman. O____O

Nakadating na kami. At nakikita ko na sina Tito Ian at Tita Andy ang parents ni Adrian. And of course my Dad. Si Mr. Ryan Alvares.

“Oh. Adrian, Kian. Nandyan na pala kayo.” Tito Ian.

“Kian. Ang tagal mong nawala. Ang laki laki mo na.” Tita Andy.

Isang ngiti lang ang isinagot ko sa kanila.

“Kian, kumusta ang byahe mo?” tanong naman ng Dad ko.

“It’s good.” Matipid kong sagot.

At kumain na nga kami. Pagkatapos naming kumain at makapag usap tungkol sa ilang mga bagay. Nagpaalam na sina Tito at Tita. May pupuntahan pa daw sila. Si Adrian naman, may date pa daw sya. Bukas nalang daw nya ako pupuntahan para gumimik kami at ipapakilala daw nya ako sa mga kabarkada nya. Kaya eto kami nalang ng Dad ko ang magkasama. Umuwi na din kami at ng makadating sa bahay. Napansin ko na wala masyadong nagbago.

“Kian. Yung kwarto mo, pinalinis ko na yun kay Ate Cel. Magpahinga kana muna at alam ko na pagod ka sa byahe. Tawagin mo nalang sya kapag may kailangan ka.” Sabi ni Dad.

“Okay.” Sagot ko sa kanya.

“Pupunta lang ako sa kumpanya at may meeting din ako mamaya.” Habol pa nya.

Ano pa bang bago dun. Sabi ko sa isip ko.

Tumaas na ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko. Oo, pagod nga ako pero ayoko naman iutos ang pag aayos ng gamit ko kay Ate Cel. (Sya yung katulong namin simula pa nung bata ako. Cel kasi short for Cecille.) Ayoko kasi ng may ibang taong gumagalaw ng gamit ko. At sanay din naman kasi akong mag-isa. Nabuhay nga akong nag-iisa sa US e. 

Love Isn't EasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon