FOUR : I CAN'T GET YOU OUT OF MY MIND

28 1 0
                                    

Pagdating ko sa bahay...

"Anak. Sino yung naghatid sayo?" tanong ng Mom ko.

"Ah. Yun ba Ma. Driver yun ng friend ko. sagot ko sa kanya.

"Sinong friend Iya? Hindi naman yun kina Ana. Diba?  tanong nya ulit.

"Friend ng boyfriend ni Ana Ma. Naku. Ma. Long story yun. Saka ko nalang ikwekwento. Pahinga na po muna ako. - Iya

"Ay. Oo nga anak. Gabi na. Pasensya kana." mom ni Iya

"Okay lang Ma. Sige po. Goodnight! Please tell Daddy na nakauwi na ako." -Iya

"Sige Iha. Goodnight!" -mom ni Iya

Nagpaalam na ako kay Mommy. Hindi ko na nakuhang pumunta sa room nila ni daddy para maggoodnight kay daddy. Pagod na din kasi ako. Sa dami ba naman ng nangyari ngayong araw. Haaaayyyy! Nakakapagod talaga. Hmmm.... Teka. Bakit kaya parang interesado si Mommy dun sa naghatid sakin. Before naman hindi sya gaano nagtatanong kapag may naghahatid sakin dito sa bahay. Bakit kaya?? Hmm.

Sa totoo kasi. Madaming naghahatid sakin dito sa bahay. Mga katrabaho ko. Mga kaibigan. Hindi kasi ako mahilig magdala ng sasakyan. Mahilig kasi akong matulog sa byahe. Nakakapagod kasi ang trabaho ko. Isa nga pala akong Freelance Model and writer din at the same time. :) 

Naku. Matutulog na nga pala ako. May pupuntahan pa kami ni Ana bukas. Sige. Half bath muna ako. ^___^

LIGO!!

TULOG!!

ZZzzzZZZZZZZZZzzzZZZZZZzzzzZZZ

--------------------------------------------------------------------------------------

[ KIAN's POV ]

Ano ba to? Nakakahiya naman kay Iya. Bakit ba kasi napasok pa ko dun sa gulo na yun. Kabadtrip naman kasi yung mga lalaking yun e. Mag-oovertake na nga lang sakin. Ipapahamak pa ako. Ayan tuloy. Di ko napigilan ang sarili ko. Binaba ko sila.

*kinalampag ko yung kotse*

"Hoy! Bumaba ka nga dyan. Mag usap tayo." - Kian

May isang lalaking bumaba....

Tapos may isa pang sumunod...

At....

May isa pa ulit.

Patay! Sabi ko sa isip ko. Lugi yata ako dito. Pero hindi ko pinakita na nagulat ako.

"Anong problema?" Bad Guy #1

"Anong problema?? Tinatanong mo ako kung anong problema. Hindi mo ba alam ang ginawa mo. Muntik na akong mabangga sa pag overtake mo." - Kian

"Hahaha! E t*nga pala to pare e. *sabay tingin dun sa dalawa nyang kasama tapos tumingin sakin* Alam mo. Hindi namin kasalanan at wala kaming pakialam kung mabangga ka. Kami ba nagddrive?? Ha?? Diba ikaw." -Bad Guy # 2

"Ang yabang mo ah. Kung iniisip mo na dahil tatlo kayo uurungan ko kayo. Nagkakamali ka." -Kian

"E mayabang din pala itong isang to!" - Bad Guy # 3

Ayun sabay suntok sakin. At naggulpihan na kaming apat. Oo. Mahilig ako sa away. Teka, mali pala. Mahilig lumapit ang away sakin. Pero hindi naman ako malaSuperman na kayang patumbahin ang lahat ng tao. Kaya eto. Medyo nagugulpi ako.

At eto na nga. Biglang dumating si Iya. Kasama yung taxi driver yata at kung sino pa. Ayun tuloy, takbo yung mga gumugulpi sakin.

Kian, okay ka lang? Anong nangyari? Sino yung mga yun?”tanong ni Iya

“Andami mong tanong. Okay lang ako.”sagot ko

Ayoko naman syang sungitan. Nahihiya lang ako sa kanya. Bakit ba kasi kailangan na makita pa nya akong ganito.

“Ihahatid nalang kita sa bahay mo.” Iya

“Ano ba? Don’t mind me. Okay lang ako…”Kian

Hindi na nya ako pinatapos magsalita...

“Tumigil ka nga dyan. Hindi ka okay. Dumudugo iyang labi mo oh. At saka. Shocks! Pati sa may mata mo oh. Naku. I will not let you drive alone.” Iya

Yayks! Kinilig ako dun sa sinabi nya a. Tama ba to? Concern ang anghel na to sakin. O baka naman sadyang ganito lang sya.

 Pagdating naman namin sa bahay. Bumungad agad si Daddy. And as usual. Galit sya dahil pumasok nanaman ako sa gulo. E ano pa nga bang magagawa ko diba. Nandito na e. 

“Kian, ano nanaman to. Pumasok ka nanaman sa gulo. Hindi kana nagbago.”sigaw ng dad ko sakin

“Dad. Wag ka ngang makialam. Wala ka naman pakialam sakin diba.”sagot ko sa kanya

Pasigaw ang sagot ko kasi mapride akong tao. Kaya nga kung may Mr. Clean. Ako naman si Mr. Pride. :P

“Bastos ka talagang bata ka.”Dad

Naalala ko. Nandito nga pala si Iya. Nakakahiya naman ako. Kaya eto hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagwalk out nalang ako. Bahala na.

“Ahm. Hello po. Mr. Alvares.” Iya

Nadinig kong sabi ni Iya nung naglalakad ako palayo.

Hindi ko na nadinig ang pinag usapan nila. Tumaas na kasi ako dito sa kwarto.

Ano ba naman to. Kakikilala lang namin ni Iya andami na nyang nakita tungkol sakin. Nakakahiya naman. Teka, bakit ba ako nahihiya?? E sanay na naman akong masama ang tingin ng tao sakin diba. Haaayyy!! Ewan ko ba. Hindi sya maalis sa isip ko.

-______-

Love Isn't EasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon