FIVE : THE PLAN

12 1 0
                                    

FAST FORWARD na po ito. ^__^

Alamin naman natin ang iniisip ni Adrian.

Si Adrian at Ana nga pala yung picture sa side. :P

---------------------------------------------------------------------------------------

[ ADRIAN's POV ]

Katatapos lang namin mag Airsoft ni Kian. Paano ko kaya sasabihin na kailangan ko ng tulong nya. Naku. Bahala na nga.

"Bro. Ganda nung babae kanina sa loob. Nakita mo?" - sabi ko kay kian

"Ano ba naman yan Adrian. Kabuong may girlfriend ka kung saan saan ka tumitingin. Ewan ko ba kung bakit ka napagtyatyagaan nyang si Ana." - sagot ni Kian

Sinasabi ko na nga ba ganito isasagot nitong kababata kong ito sa akin e. Kahit kailan talaga walang kahilig hilig sa babae. Kung hindi ko nga lang to kilalang kilala baka inisip ko na na bading sya. HAHAHA! :D

"Bro naman oh. I'm just saying. Saka si Ana lang naman talaga ang babae na mahal ko. Nga pala. Di ka pa din kumukupas sa airsoft ah. Magaling kapa din." - adrian

"Bro. Anong kailangan mo ha?" - Kian

Sinasabi ko na nga ba eh. Alam na nya agad oh. Taong ito talaga oh.

"A-anong kailangan na sinasabi mo dyan ha." - sagot ko.

"Tigilan mo nga ako Adrian. Kilala kita oy. Alam kong kapag pinupuri mo ako may kailangan ka sakin. Ano yun ha?" - kian

Pano ba to? Ano pa nga bang magagawa ko. Kailangan ko talaga ng tulong nya. Sana lang pumayag itong mokong na to.

"Ah. E Bro. Next week kasi Anniversary na namin ni Ana." - adrian

"Oh? E anong maitutulong ko dun? Pari ba ako? At ikakasal ko kayo?" - kian

"Bro naman oh. May plano ako. Gusto ko kasi syang isurprise" - adrian

"Anong plano?" - kian

At ayun sinabi ko na ang plano kay kian. Buti nalang at pumayag sya. HAHAHA! SUCCESS!!! Nagpaalam na nga pala ako kay kian. Susunduin ko kasi si Ana mamaya. 

~~~~~~~~ ADRIAN AND ANA ~~~~~~~~~~

[ ANA's POV ]

Ano ba yan ang tagal tagal naman ni Adrian oh...

*Ding... Dong... Ding... Dong... *

Binuksan ko na ang pinto... Sana naman ay siya na to.

"Hi. Babe!" - adrian

"Babe ka dyan! Ang tagal mo ha. Kanina pa ko naghihintay dito." - Ana

"Eto naman oh. Sorry na. Nag airsoft kasi kami ni Kian kanina. E nagpalit pa ako ng damit bago pumunta dito." - Adrian

"Naku. Wala na din naman akong magagawa. Tara na nga. Nagugutom na ako e.- Ana

Sumakay na kaming dalawa sa kotse at bumyahe na papunta sa pupuntahan namin.

"Ahm. Babe. Nga pala. Isasama kita sa Blah! Blah! Beach Resort ha." - Adrian

"Ha? Kelan? Anong gagawin natin dun?" - Ana

"Gusto kasing maexplore ni Kian ang Philippines. Kaya naisuggest ko sa kanya ang magbakasyon sa beach. Saka maganda dun diba. I'm sure makapag eenjoy yun dun. At syempre pati tayo. 5 days lang naman yun. Sige na? Sama kana please..." - Adrian

Ayan nanaman sya e. Nagpapacute na naman. Ano pa nga bang magagawa ko. Kailangan ko din naman sumama at para mabantayan ko itong lalaking to. Baka kung saan saan pa tumingin e. Sobrang mahal ko kaya to. Kahit na sabihin pa nilang babaero to. Mahal ko to e. Saka ramdam ko naman na mahal din nya talaga ako. Yun nga lang kailangan ng konting higpit baka makawala e. :P

"Oo na. Sasama na ako... But in one condition." - sagot ko sa kanya ng may pasuspense na tingin.

"Ano yun?" - Adrian

"Sama ko si Iya ha." - Ana

"Ah. Yun lang pala e. Sure! No problem." - Adrian

Love Isn't EasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon