Chapter 28: Second Chance

144 5 2
                                    

"Aaaah!uuhm! Aaah!"

Unti unti akong nag lakad papalapit sa kanila.
Nakikita ko kung paano sya hawakan, halikan at paligayahin ng lalaking nasa ibabaw nya.

Ang sakit sakit. Walang tigil ang pag patak ng mga luha ko napahawak ako sa puso ko pakiramdam ko parang papel na unti unting nilulukot.

"Bakit!?"

Malakas na hagulgol na naman ang pinakakawalan ko. Napa singhap ako nang tumingin sya sa akin.

Shit shit shit! Ang sakit sakit.

"Mao"
"Mao?"
"Mao"

Naalimpungatan ako nang magising ako sa pag yugyog sa akin ni Sia.

Nang magising ako ay humihikbi parin ako. Totoo palang umiiyak ako.

"Narinig kitang umiiyak eh. Nananaginip ka ba mhie? Okay ka lang ba?"

Tanong nya habang nakaupo sa tabi ko at hawak ang mga kamay ko.

"Mao"

Hinatak ko sya bigla payakap sa akin at saka doon iniyak lahat.

"Nakita daw kita-- na- ka sex mo d-daw yung lalaki ang sa-kit sakit sobra please wag mo n-nang ulitin sobrang sakit mhie sobra"

Para akong batang nag mamakaawa sa kanya.

"Sssshhhh"

Alo nya sa akin habang marahang tinatapik ang likod ko.

"Ssshhhh, mahal, pangako ko sa'yong hindi na yun mauulit. Mahal na mahal kita."

Hindi parin tumigil ang pag iyak ko, pero nabawasan ang sakit dahil sa assurance nyang hindi na mauulit.

"Mahal, gusto mo bang umalis na ako sa work ko?"

Basag nya sa katahimikan habang kumakain kami ng agahan.

"Gusto ko sana, pero ayokong pilitin ka, passion mo yan eh. Pero ayokong pangunahan ka pero sobrang laking bagay sakin kapag ginawa mo 'yun."

I told her frankly bago ko ininom ang juice na nasa baso ko.

I stopped for a moment, tinitigan sya sa mga mata nya. Millions of questions again in my mind.

"Mhie, bakit?"

Halata sa mga mata nya at kilos nya na bigla syang nanghina.
Binitawan nya ang mga kubyertos nya at saka ako kinausap.

"Mahal, eto na naman ba tayo? Diba usapan natin kakalimutan na natin yun?"

Nag simula na namang tumulo ang luha ko.

"Sorry, pero maaalis mo ba sa akin 'yun? Everytime I see your face I can't stop thinking na may ibang humalik, humawak at nag pa ungol sayo. Napaka sakit. Akala mo ba gusto ko 'yun? It's a fucking nightmare."

Nahalata ko ang inis sa mga mata nya.

"So pano? Ganito nalang tayo palagi? Pano tayo makaka move on dun kung lagi mong iisipin?"

Napatayo ako sa hapag kainan. Yung luha ko hindi yata nauubos. Magang maga na mga mata ko. I've been crying for three consecutive days and nights. Hindi nya yun alam.

"I don't know! Hindi ko alam! Ang alam ko lang I want this pain to end! It's driving me crazy na mahal ano ba!"

Napataas na ang boses ko sa inis at sakit.

I just stood there, umiiyak. Feeling so down, in pain, betrayed, pinipilit kayanin kahit nakakasakal na yung sakit.

Naikulong ko ang mukha ko sa dalawang palad ko na para bang kaya nitong burahin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

UNORDINARY LOVE (Based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon