Chapter 22: PEACEFUL

115 3 0
                                    

Time has passed. Bumalik na sa normal ang lahat. We keep fighting pero nag babati rin naman. Madalas ay sa bahay na sya natutulog, pero umuuwi uwi parin naman sya sa bahay nila. Pero mas madalas ay sa bahay na talaga sya natutulog.

PATAPOS na ang semester namin, nakapag usap na rin kami ni Sia. Plano naming mag work, at ako mag stop sa school. Gusto ko na kasing mag work, naramdaman ko yun sa sarili ko. Nawalan ako ng gana mag aral kaya nakapag pabaya ako.

"Ma, balak ko sanang mag stop na ko mag aral, balak ko kasi mag work. Saka si Sia ok lang ba kung sa atin na sya tumira? Nakapag usap kami, na mag woworking student sya ako naman mag stop na. Since 6pm naman ang pasok nya sa school, pwede sya mag work sa umaga."

Sa totoo lang natatakot pa akong mag sabi kay mama at papa kasi baka hindi sila pumayag.

"Mag bibigay naman kami ng pang gastos natin eh wala na kasi si Uncle sa bahay nila, baka mamaya ano na naman gawin sakanya ng kuya nya. Saka wala na rin mag papa aral sakanya kaya sya nalang talaga gagawa ng paraan para makapag aral."

She just looked at me.

"Bakit ayaw mo nang mag aral?"

Natakot ako sa tanong nya.

"Eh.. kasi gusto ko na mag work. Gusto ko na rin makatulong sa mga gastusin natin dito sa bahay."

Napakamot ako ng ulo sabay alanganing tumingin kay mama.

"Saan kayo mag tatrabaho?"

"Eh meron na kaming balak pasukan, si Ate Gina yung bff ni ate ma sa factory daw nila kailangan ng tao. Sabi ko ttry namin mag apply. Kahit mababa lang diba sa mababa naman nag sisimula ang lahat"

"Bahala ka siguraduhin mo lang yang desisyon mo dahil hindi habang buhay kaya namin mag pa aral."

Tumango lang ako.

"Saka dito kasi sa atin yun banda ma kaso mamamasahe pa, kung mang gagaling mismo kina Sia luging lugi sya sa pamasahe kasi ilang rides na sya nun eh. Kaya inoffer ko sakanya kung gusto nya at kung papayag kayo."

"Kailan lilipat si Siannah dito?"

Nag liwanag ang mukha ko nang sabihin ni mama 'yun. It means na pwede na pumapayag sya! OMG!

"Kung pwede na nga sana ngayon eh, nag hihintay lang kami ng sagot nyo eh"

"Siguraduhin nyo lang yang desisyon nyong dalawa umayos kayo"

Ngumiti ako kay mama ng matamis na matamis.

"Yes ma!"

Napayakap ako kay mama sa sobrang saya.

"Mhie!!"

Excited na bati ko sakanya sa phone.

"Po?"

"Mhie pumayag na si mama na dito ka na sa amin!!!!"

"Weh? Di nga?"

Di pa sya makapaniwala.

"Oo nga!! Nag sabi na ako sakanya!! Mhie makakasama na kita palagi!!"

"Sure ka ba mhie?"

"opo di naman kita lolokohin eh importanteng bagay to mhie. Another level na to ng relationship natin bakit kita ipprank?"

"Hehehehe kailan ako pwedeng lumipat?"

"Anytime po mhie pero sabi ko kay mama today sana. Hehehe syempre mhie mag hahanda pa tayo mhie para makapunta tayo agad doon sa work ni ate Gina bukas"

Nag lipat rin si Sia sa bahay, mga damit nya lang muna nya at mga gamit sa school.

Si Sia na ang pinakamasinop sa gamit na taong nakilala ko.

UNORDINARY LOVE (Based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon