Chapter 1

83 14 2
                                    


Chapter One: Back Again

Isang ngiti ang ibinigay ko sa mga taong sumalubong sa'kin pagpasok ng airport. Halos kalalapag pa lang ng eroplano namin kaya naman hindi ko inaasahan na ganito karami ang naghihintay sa'kin.

Paglitaw pa lang namin sa paningin nila, agad na nagtakbuhan papunta sa kinaroroonan ko ang mga fans kasama ang ilang miyembro ng media. Mabuti na lang ready ang mga bodyguard na harangin sila kaya naman hindi sila gaanong nakalapit. Tanging ang mga nakakasilaw lang na flash ng mga camera nila ang umabot sa'kin.

"Kyaaaahhhh!! We love you, Sei!"

Kakatwang sa dami nila ay paulit-ulit na iyon lamang ang kanilang isinisigaw. May mga mangilan-ngilang puri na ang gwapo ko o ang kinis ng balat ko o ang ganda ng kulay ng mga mata ko. Pero yung mga salitang yun lang talaga ang nangibabaw. Siguro, ang akala nila'y hindi ako marunong umintindi ng tagalog na dayalekto.

Nanatili lang akong nakangiti sa kanila hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng airport kung saan mayroong itim na van na naghihintay samin. Agad naman kaming sumakay doon pero nagawa ko pang humabol ng kaway sa kanila.

Bahagyang humina ang ingay mula sa labas nang maisarado na ni Sue ang pintuan ng van.

"Damn this Asian Tour!" She cursed.

Azura Lawrence or Sue, nakatatandang kapatid ko siya. Tatlong taon ang age gap namin. She's been in the showbiz industry since she was fifteen. Gumanap siya sa isang hollywood film na mula sa isang sikat na libro. Nang matapos ang series na iyon, hindi na siya gumanap ulit. Pero hindi niya iniwanan ang industriya. Pinag-aralan niya ang pasikot-sikot nito. After the film nag-train siya sandali ng mga amateurs at nag-judge sa mga sikat na TV shows sa America. Pero simula noong sumikat ako dahil sa pagkapanalo ko sa isang singing contest sa L.A., siya na ang nagmanage sa'kin. Halos magda-dalawang taon pa lang ako sa industriya kaya naman nasa peak pa ang career ko.

Hindi katulad ko, laking America si Sue kaya hindi siya marunong ng wika dito. Sa L.A. lumaki si Sue kasama ang mommy namin na pure american. Nag-aaral na kasi noon si Sue kaya hindi na siya sinama ni Daddy sa Pilipinas. Kaming dalawa ng kapatid kong si Zairah Lawrence o Sai ang laking Pinas. Mahigit ten years kami sa Pilipinas bago kami nag-settle down sa L.A. para mabuo na kami.

That happened five years ago. Sumama ako papunta doon ng walang alinlangan kahit pa kasabay noon ay ang pagtalikod ko sa mga kasama kong lumaki.

Nagsimula nang umandar ang sasakyan namin. Madilim na sa labas at bahagya pang umuulan.

"I didn't know you're such a big deal here in the Philippines!" Hindi makapaniwalang reklamo pa ni Sue bago sumandal sa kanyang inuupuan sa tabi ko.

"You're right, Sue. This is really something compared to Thailand," Alice said from behind leaning her chin on the back of our seat.

"Well, being a half has its perks," Sue shrugged with her eyes closed.

"You're a half?" Alice asked surprised.

Allison Newell, Alice. P.A. ko siya. Laking states din siya gaya ni Sue. Kahit na itim na itim ang maikli niyang buhok ay mahahalata mong may lahi siya dahil sa mga pekas sa mukha niya at sobrang tangos niyang ilong.

Hinire namin siya ni Sue dahil trabaho lang talaga ang hanap niya. Wala siyang pakialam sa mga nagaganap sa loob ng showbiz industry. Hindi na ako mabibigla kung sasabihin niyang ako lang kakilala niyang artista.

"Yeah," I answered.

"Cool, I hadn't suspected it because of your blue eyes," she said bobbing her head. "So, did you live here?"

Facets (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon