Chapter 16

11 4 0
                                    


Chapter Sixteen: Guest

It's definitely not my first kiss. But I could still feel his soft lips upon mine as I lie awake. And everytime the memory of it comes up, my heart would eventually respond. After five years, it hadn't occurred that I would be this happy again.

I must've slept with a smile on my face, dahil sobrang gaan ng pakiramdam ko nang magising ako. Kaya naman kahit gising na 'ko, nakangiti pa rin ako.

"Good morning," I greeted Day na nakaupo sa couch.

"Ngiting ngiti ka ah," puna niya.

Umupo ako sa tabi niya nang nakangiti pa rin.

"May lakad ka?" I asked dahil nag-aayos siya ng gamit niya.

"Yeah, pupunta kami sa family house namin sa Laguna, celebration with the relatives.  Hindi nga sana ako makakasama eh, pero sumama pa rin ako dahil nandito si Sei. " she shrugged. "Medyo hassle pero worth it."

Biglang may nag-ring na cellphone, kaya naman napalingon ako sa pinagmulan no'n.

"Kanina pa 'yan nagriring," Day said.

"Sa'yo ba 'yon?" I asked.

"Nope, kay Arie. Bumangon siya kanina para tingnan kung sino 'yun. Tapos natulog ulit, sabi niya 'wag ko na lang daw pansinin," she explained. "Ako na muna ang maliligo ah?"

I nodded at her and she went to the bathroom.

Nang makaligo na kami pareho ni Day, ay ginising na namin si Arie. Bumangon naman siya at muli na naman nag-ring ang phone niya.

"Bakit ayaw mong sagutin?" I asked her.

"Ex ko," sagot niya. "Hiniwalayan ko noong isang araw kaya nangungulit."

"What's the flaw this time?" I asked.

"Ayan," she said pointing at her phone. "Nasasakal ako kahit na two days pa lang kami."

"Two days?" Day asked incredulously.

"Yeah, well, naglalaro lang naman ako eh," she shrugged.

I saw the shock in Day's expression. Nginitian ko na lamang siya.

Nang matapos na kami pare-pareho mag-ayos, bumaba na kaming tatlo at dumiretso sa breakfast hall. Nandoon na daw kasi sina Sei at Kirby.

"Ang tagal niyo naman," Kirby whined nang makaupo na kami sa table katabi nila.

"I slept in," Arie said.

May nalalatag nang pagkain sa table, at mukhang kami na lang talaga ang hinihintay. Kumuha na kami ng kanya-kanya naming pagkain para din makauwi na kami.

"Sei."

Napalingon ako sa tumawag kay Sei. Isang magandang babae na matangkad at maputi. Sobrang tangos ng ilong niya at kulay auburn ang buhok.

"Hi kids!" she greeted with a smile at us then turned back towards Sei. "Can I talk to you?"

"Okay," Sei agreed kaya naman tumayo na siya mula sa upuan at sumunod sa magandang babae na nauna nang maglakad.

"Kung single 'yun liligawan ko 'yun," Kirby said as he stared at the moving figure of the woman.

"Sino 'yun?" I asked.

"Si Manager Sue," si Day ang sumagot. Nakita ko din ang pagningning ng mata niya.

"Fan ka din niya?" tanong ni Arie na sa tingin ko ay napansin din ang paghanga sa mukha ni Day.

Facets (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon