Chapter Eighteen: DateNang mga sumunod na araw, tinupad nga ni Sei ang sinabi niya na pati si Mommy liligawan niya. Pumupunta siya sa bahay at nagdadala ng kung anu-ano. Pero this week, hindi ko na-witness kung paano niya suyuin si Mommy. Busy kasi ako dahil mag-aapply na ako ng trabaho kaya naman nag-aasikaso ako ng mga requirements. Naabutan ko na lang sila pagkauwi ko sa hapon, kung minsan gabi. Tulad ngayon.
Bumili si Sei ng groceries at ginamit ang mga 'yon para magluto ng sinigang pang-dinner namin. Pagkadating ko sa bahay ay naghahain na sila kasama si Sei. Bumalik na nga pala ang dating kulay ng buhok niya na mix ng blonde and black. Washable lang daw kasi ang ginamit niyang pangkulay dati.
"Tinikman mo ba 'yung niluto mo?" pagbibiro ni mommy kay Sei.
"Syempre naman, Tita," he answered. "Ayoko naman i-risk ang health niyo."
"Nandito na 'ko," I called.
Lumapit ako kay Mommy para kumiss sa cheeks tapos ay yumakap ako kay Sei.
"Nayakap ka na kaagad, baka mamaya ma-turn-off 'yan sa'yo at amoy araw ka," saad ni Mommy.
Napalayo tuloy ako kay Sei at inamoy ang sarili ko.
"Hindi naman ah," I said.
"Anong hindi? Amoy na amoy kita nang lumapit ka kanina," she insisted.
"Sige na, magpapalit na po ako," paalam ko sa kanya. Tumingin pa muna ulit ako kay Sei na tinanguan lang ako habang nakangiti.
Nang matapos na akong mag-ayos ng sarili ko ay lalabas na sana ako ng kwarto nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Day ang tumatawag.
"Hello?" I greeted when I answered the call.
"Zoe, hey, itatanong ko lang sana kung nakapag-apply ka na?" she asked.
"Hindi pa," I answered. "Pero inayos ko na yung mga possible requirements. Bakit?"
"Pwede ba akong sumabay sa'yo? Kinakabahan pa din kasi ako eh."
"Sige, pwede naman, kailan mo ba balak?"
"Sa Friday, free na 'ko sa friday eh," she answered.
"Okay, maghahanap na din ako ng mga hiring na companies para hindi na tayo mahirapan," I stated.
"Sige, gagawin ko din 'yan. Tapos pag-usapan na lang natin the day before para makapag-ayos tayo."
"Sure."
"Bye."
"Bye."
Nang maputol na ang tawag ay lumabas na din ako kaagad. Hindi pa sila nagsisimulang kumain at mukhang hinihintay ako. Pagkaupo ko ay pinag-lead ni Mommy si Sei ng prayer. Matapos no'n ay nagsimula na kaming kumain.
"Aalis ka ba ulit bukas?" Tanong ni Mommy.
"Hindi po," I answered. "Sa Friday pa. Kasama ko si Day mag-apply eh."
"Buti naman," she said. "Nagpaalam na sa'kin si Sei."
That caught my attention. Napatingin ako kay Sei na nakangiti lang, tapos ay kay Mommy na busy kumain.
"Bakit? Anong meron?" I asked.
"Id-date ka daw niya," Mom shrugged.
Dahil kumakain kami, tanging tingin lang ang naging pag-uusap namin ni Sei. Kaya naman nang matapos na kami ay niyaya ko siya sa may balkonahe.
"Are you tired?" He asked while holding my hand as we sat on the couch.
"Hindi naman," I answered. "Ano yung sinasabi ni Mommy kanina?"
BINABASA MO ANG
Facets (COMPLETED)
Teen FictionEach person is different. Each has feelings they want to convey in their own way. Each differences can be involved in a single story.