december 2018
December. Maligayang buwan para sa maraming Filipino.
Kami? Kamusta na? Good, mas good pa kaysa sa mga relasyon niyo. charot.
Still the same old routine. Minemessage niya ako, kinakamusta, nagclicling in real life and very close sa isa't isa.
Yes, seatmates parin kami. This time, ung feelings ko lumalala. Why? Ewan ko rin eh. Siguro nga naattach na ako sakanya ng bongga.
It was the month of December. There is this event in our school called choral fest. So saturday may practice kami, and syempre nagkikita kami.
I dont know, siguro yun nga yung reason kung bakit ako lalo naattach sakanya.
He is an amazing guy after all. Friends lang kami pero biruin mo yon natatanong niya pa kung kumain na ako?
Friends lang nga kasi kayo...
It was obvious to me na pinapaasa niya ako and I was suppose to stay away from him. Pero hinde, tanga ako.
That cute little chathead kept attracting me over and over again. Hanggang sa nasanay ako na magaabang ng messages niya every night. Everyday, I realize that I was really falling for him that hard.
I started to make tiny efforts sa weekly bigayan namin ng gifts. I could'nt also stop thinking about him and staring at him.
It was not new to me, the feeling. dati na rin ako nagkaroon ng crush. Na onti onti akong nahulog lalo.
Sinalo niya ako pero hindi ako nakaamin sakanya. Nakaabot kami sa time na nagkakaron kami ng calls and bigayan ng food, pero hanggang dun nalang yon. It was also 2 yrs ago so, move on na tayo don.
And yes grade 6 palang ako non. Kaya fake love lang yon.
Nagkaroon ako ng mga crush pero hindi yun ganon kalala katulad nung elementary ako.
This was the first time that I would maturely think that I am falling inlove with someone.
how do you even prevent yourself from falling?
how can you stay awake to the reality that he likes someone else
how could you stop yourself from thinking that you are special to him, na may feeling rin siya para sayo?
Madami tayong 'paano' at 'bakit'.
Days quickly went by, masaya kaming parehas. Maraming classmates ang nagshiship samin. Marami ding kwento ang nilalabas ko sa mga kaibigan ko.
I really really like him. Doon ang sure ako. Pero it sucks kapag naalala ko na may gusto sitang iba.
Choral fest na. We dresses up like nutcrackers pero siya? He looked like a prince. Why would the girl he likes kept rejecting him? I always wondered what would be the feeling to have someone who likes you back.
Yung hindi kayo one sided lang.
During our rehearsals, lagi siyang nakatabi sakin. Pati rin nung nilapag ko ang bag ko. I dont know why he kept on doing that. Why he kept staying close to me kahit pinipilit at sinusubukan kong lumayo.
Can he stop? Kasi nahuhulog na ako ng todo.
Siguro, madaming nagtataka ano bang kinababaliwan ko sa lalaking yon?
I just love the way he smiles, the way he talk and joke around, the way he acts infront of me, yung amoy niya na hindi mo makakalimutan and ofcourse his eyes.
He is charming, in short. Many girls likes him to be exact. Lalo na nung lumaban siya ng ginoong kalikasan. He is also sweet and caring. Pati sa mga friends niya.
You would also feel very special kapag kausap mo siya. To the point na kailangan mong paulit ulit na pagsabihan ang sarili mo na may gusto siyang iba.
Every night is incomplete for me, kapag hindi siya nagmemessage. Oo, siya ang nauuna. I just dont want to feel bad for myself na mukhang desperada.
After ng choral fest, ay ang christmas party. It was fun. Lagi kaming pinagpapartner sa games. Madami ding food. Nagpartner pa kami sa newspaper dance, pero dahil sa sobrang hiya ko syempre di niya ako binuhat. hihi.
Sembreak, we decided to plan out trip papunta sa Manila. Nagstay rin kami sa bahay ng pinsan ko para magcelebrate ng Christmas.
Adrian and I kept talking. Kinakamusta niya ako every hour.
At ako naman inaabang abangan ko ang message niya. Pano ba naman kasi nakakaadik ung profile picture niyang nagaappear.
Binati niya rin ako and syempre kinikilig ako. Mga pahapyaw na chats na inaabang abangan ko.
pinaglalaruan lang naman yata niya feelings ko eh.
The next day nag gala kami, kinakausap niya parin ako. Weird kasi from the very start we are not friends. Classmates lang. We dont even talk alot sa klase nung hindi pa kami magkatabi.
I remembered the first day of school tinawag ko siyang kuya kasi nahihiya ako.
Pero ngayon tila nahulog ako sa bangin at unti unting bumabagsak. Ewan ko ba don.
siguro kasi marupok ako???
Pero sino ba naman kasi ung aakto ng ganon.
Umuwe rin kami non sa Bataan. Yet he still never failed to remind me to eat and to stay safe.
We spent the remaining days of the christmas sembreak sa Bataan.
Naguusap pa rin kami, napapadalas. Fun fact : Chinecheck ko kung online ung 'crush'niya kapag di niya ako chinachat. Malay ba naten na pampalipas lang pala ako ng oras niya diba??
New year came at eto na...
Ako ang bumati. Nakalimutan niya na yata ako...