Prologue

74 1 0
                                    

Aramea Rose Mendez (Aria), 16yrs old, daughter of Amanda Mae Mendez. Kahit lumaki siyang walang ama, masaya pa rin siya kasama ang pinakamamahal niyang ina. Her life depended on her mother kasi sila lang talagang dalawa sa buhay. Hindi sila gaanong mayaman pero dahil sa pagsusumikap ng kanyang ina, maayos silang namumuhay.

Hanggang sa dumating ang kanyang ika-7th birthday. Habang nasa eskwelahan si Aria, ang kanyang ina ay abala sa paghahanda para sa simpleng handaan para sa kanya na ang tanging imbitado lang ay ang kanyang Ninang Lotty, Tito Danny niya na matagal na daw nanliligaw sa kanyang ina, konting ka-officemates daw ng kanyang ina at mga friends niya na kaservice niya din.

Pagkalabas sa eskwelahan nina Aria, dumiretso na sila ng mga kaservice niya sa kanilang bahay. Nadatnan nila ang simple pero maayos na bahay na inihanda ng kanyang ina. May mga konting lobo at konting nakahandang pagkain sa kanilang hardin sa labas ng kanilang bahay.

Masaya silang nagkainan habang dumadating pa ang ibang bisita. Dumating din ang kanyang Ninang Lotty kasama ang asawa at anak nya na sina Ninong Jerry at Lei-Lei. Si Lei-Lei ang bestfriend ni Aria simula pa pagkaanak sa kaniya. Matanda lang si Aria sa kanya ng ilang buwan.

Dumating ang gabi at nagsialisan ang mga bisita at ang natira nalang ay ang pamilya ng kanyang Ninang Lotty para mag-ayos na ng kanilang bahay. Sa kalgitnaan ng gabi, may dumating na bagong bisita ng kanyang ina na si Tito Danny kasama ang kanyang dalawang anak na sina James at Daniel.

Makikita mo na may pagkasuplado si James at masiyahin naman si Daniel. Si Daniel ang nakalaro nina Aria at Lei sapagkat halos magkakasing-edad lang sila at si James naman ang masyadong tahimik sapagkat mas matanda siya sa kanila ng three years.

Masyado nang malalim ang gabi kaya naisipan nang umalis ng pamilya nina Tito Danny at naisipan naman ng kanyang ina na sa bahay nalang nila palipasin ng gabi ang pamilya ng kanyang Ninang.

Si Lei ay sa kanyang kwarto natulog at ang mga magulang naman ni Lei ay sa kanilang guest room.

Sa kalagitnaan ng pagtulog ni Amanda, ina ni Aria, nagising siya sa isang kaluskos sa labas ng kanilang bahay. Tumingin siya sa kanyang bintana para makita kung may tao sa labas at ang nakita niya ang nagdulot ng matinding takot at kaba sa kanyang dibdib. Kinuha nya sa maliit na kabinet na nakalubog sa sahig sa ilalim ng kanyang kama ang matagal nya nang tinatagong baril at maliit na kutsilyo. Nagmadali sya lumabas sa kanyang kwarto at nakita nya na ganun din ang ginawa ng mag-asawang sina Lotty. Si Jerry ay nauna nang bumaba ng hagdan habang sina Lotty at Amanda naman ay nagtungo sa kwarto ng kanilang anak para gisingin at itago sa Safe Room na kailan man ay hindi napansin nina Aria. Nagtaka ang magkaibigan kung bakit parang takot na takot at nagmamadali ang kanilang ina kaya madali silang sumunod sa kanila.

Natatakot na pumasok sina Aria at Lei sa Safe Room. Mahinang umiiyak na sina Aria nung nagsalita si Amanda at inalis ang suot nyang kwintas na isang locket at may maliit na susing kasama.

Isinuot ni Amanda kay Aria ang kanyang kwintas at sinabi, "Happy Bday anak, mahal na mahal kita. Ito nga pala ang aking regalo sayo, ito ang sasagot sa madami mong katanungan pag dating ng araw. Don't cry anak, I will be always beside you to protect you. Don't ever get out of this room okay until we told you. I will love you always. Stay safe." Mabigat sa kanyang kalooban na iwan ang kanyang anak. Papaalis na sila ni Lotty nung pigilan siya ni Aria at naluluhang sinabing, "I love you so much Mom. Please don't leave me." Umuna nang lumabas si Lotty at nagpaiwan saglit si Amanda.

May mga luhang pumatak sa mga mata ni Amanda at sinabi sa kanyang anak, "I love you too baby, I always will. I promise I will protect you and you both will be safe." Nagmadali na siyang lumabas ng Safe Room at bumaba ng hagdan.

Nakita niya na nakikipaglaban na sina Lotty at Jerry. Madami sila at armado. Nasa dalawampu silang nakapasok sa kaniyang bahay at halatang malalakas sila. Tinulungan niya si Lotty nang may nagtangkang sumaksak sa kanyang likuran. Nagsimula na din siyang makipaglaban sa iba pang kalaban. Konti nalang ang natitirang buhay sa kanilang kalaban, nasa lima nalang sila. Hanggang sa may narinig silang putok ng baril at lumabas ang isang tao na kanyang kinamumuhian at ngumiti sa kanya ng pang-demonyo. Napansin niyang sina Lotty ay Jerry ay parehong nakahilata na sa kanyang sahig at naghihingalo na habang siya ay sugatan at pagod na sa pakikipaglaban. Nagiisa nalang siya at may dalawa pang natitira sa kaniyang kalaban at isama pa ang kanilang leader.

Nagawa niyang mapatay ang dalawang kaaway habang pinapanood lang siya ng leader na kanyang matinding kalaban na nakangiting pangdemonyo.

"Namiss mo ba ako?", narinig niyang sabi niya pero tahimik lang si Amanda at binigyan niya lang siya ng matalim na tingin na parang nakakamatay. Pagod na pagod na siya pero kailangan niyang mapatay na siya bago pa niya makita ang kanyang anak at si Lei. Sinimulan na nyang sugudin ang tinatawag na si Black na matinding kaaway ng kanilang pamilya. Nagawa niya ding ilayo sa kanya ang baril niyang hawak. Habang sila ay nakikipagaway, napuruhan si Amanda sa dami nang sugat na kanyang natamo sa mga nauna nyang mga nakalaban.

"Happy Bday nga pala sa pinakamamahal mong anak. Huwag kang magalala, siya naman ang isusunod ko." sinabi ni Black na sasaksakin na dapat si Amanda ng may biglang nagpaputok ng baril at biglang bumagsak si Black na wala nang buhay.

Nakita ni Amanda na si Lotty ang bumaril at nagsimula ng bumagsak ang kanyang mga mata.

Habang naghihintay naman sina Aria at Lei sa kanilang mga ina, nakatulog sila ng may luha sa kanilang mga mata. Hanggang may gumising nalang sa kanila. Nakita nila si Ninang Lotty na duguan at ginigising sila.

Nagsimula na ulit kabahan si Aria at nagmadali ng lumabas ng Safe Room kahit na narinig nyang tinatawag siya ng kanyang Ninang. Tumakbo siya pababa ng hagdan at bigla nalang siyang napatigil sa kanyang nakita. Unti-unti nang bumagsak ang kanyang mga luha kasabay ng pagguho ng kanyang mundo.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang ina at hinawakan ang kanyang kamay. Tahimik lang siyang umiiyak at pilit ginigising ang kanyang ina. Dumating sina Lotty at Lei sa kanyang tabi na pilit siyang pinapatahan ngunit walang sinuman o anuman ang kayang magpagaan ng kanyang nararamdaman sa mga oras na yun.

Dumating ang Tito Danny niya sapagkat siya lang ang ang may kapangyarihang itago ang lahat ng mga nangyari sa bahay nina Aria.

Dumating ang ilang linggo, nailibing na ang ina ni Aria at ang ama ni Lei at nakalabas na ang ina ni Lei sa ospital ngunit ang sakit na naidulot ng mga pangyayari kay Aria ay nanduon pa din. Maaaring namatay na nga ang taong pumatay sa kanyang ina ngunit hindi pa rin nito mapapanatag ang kanyang loob. Hindi pa rin yun sapat upang mabawasan ang sakit na iniwan nila sa kaniya.

Habang papalabas na ng kanyang kwarto si Aria dala ang kanyang mga gamit sapagkat sa Tito Danny na siya muna titira kasama ng Ninang Lotty niya at si Lei, narinig nyang may kausap ang kanyang Tito Danny sa kanyang cellphone sa loob ng office ng kanyang ina sa ibabang hagdan.

"May naging kasintahan pala si Black at may anak na siya. Hanapin nyo sila at alamin niyo kung anak nga ni Black ang batang iyon. Iisa-isahin ko ang myembro ng Black Organization at ipanghuhuli ko ang kanyang mag-ina."

Pumasok sa isip ni Aria ang paghihiganti at pagsama sa plano ng kanyang Tito Danny. Kinausap niya ang kanyang Tito tungkol dun hanggang sa pumayag na siya kasama ang pinagusapan nilang pagtraining upang maproktehan ang kanyang sarili.

Halos dalawang buwan din ang lumipas at sinugod muli sa ospital ang kanyang Ninang Lotty. May mga hindi agad nadetect ang kanyang doktor ukol sa kalagayan niya na naging dahilan upang lumala ito at umuwi sa pagkawala ng kanyang buhay.

Pagkatapos ng ilang linggo at pagkalibing sa kanyang Ninang Lotty, naisipan ng kanyang Tito Danny na sa US na papagaralin sina Aria at Lei dahil sa matinding nangyari sa kanilang buhay sa Pilipinas at para din makalimot kahit papaano ang dalawang bata.

Lumipas ang halos 10 taon ay naisipan na nina Aria at Lei na bumalik sa Pilipinas para tapusin ang kanilang pag-aaral at makamit ang matagal na kanilang pinaghandaan.

Marami nang nagbago ngunit hindi pa rin nagbago ang isip nina Aria at Lei na maghiganti sa Black Organization.

-------------------------------------------------------
Author's Note:

1st story ko po ito kung sakali. Sana masuportahan niyo po ito at magustuhan niyo. Sana matapos ko din po ito.

Please vote and leave a comment! :)

The Badboy and the BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon