Chapter 2

18 1 0
                                    

James Pov:

Maganda pa din pala talaga siya. Mas gumanda siya ngayong nakakangiti at nakakatawa na sya. Ilang taon na din ang nakalipas pero nakikita ko pa rin ang epekto sa kanya ng pagkamatay ni tita amanda.

Nung nakita ko siya sa airport, natulala nalang ako sa ganda nya. Nakita ko na mataray siya sa inasal nya kay Dan at pinagbuhat pa nya ito ng malalaki nilang mga bagahe. Nakarating na kami sa sasakyan ko pero parang hindi pa din nila ako napapansin kaya habang nagaayos si Dan ng mga gamit nila sa likod ng sasakyan, sumakay na ako sa driver's seat at hinintay nalang sila makasakay lahat. Nakita ko na nagbubulungan sina Aria at Lei sa backseat. Nakilala na kaya nila ako?? Nung nakapasok na si Dan, sinabi nya na sa akin na umalis na at baka pagod na yung dalawa sa likod namin. Malapit na kami sa Mcdo nang biglang umimik si Lei at tinawag akong driver. Yun ba ang tingin nila sa akin? Driver?! Ipinark ko na ang sasakyan ko Mcdo.

Nung inisip nila Aria at Lei na ako ay isang driver at pinagtawanan ako ni Dan, napikon ako at nagmadaling umalis na. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masuntok ko lang ang aking kapatid sa pikon.

Inintay ko lang sina Dan sa loob ng Mcdo. Naunang pumasok si Dan tapos sumunod na din sina Aria at Lei. Mukhang nasabi na nga ni Dan kung sino ako kasi nakatitig lang sila pareho sakin.

Mayamaya ay nagkusa na si Dan na kunina ang order nilang dalawa. Hindi na naman niya kailangan kunin yung sakin dahil alam nya nang kape lang gusto ko.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtetext. Madaming nagtetext sa akin na mga babae pero hindi ko nalang yun pinansin. Ang binasa ko lang ay yung text ng kanang kamay ko. Ilang taon na din ang nakakalipas pero hindi pa rin namin mahanap ang mag-ina ni Black. Patuloy pa din ang activities ng Black Organization kaya ang hinala ko ay ang anak nito ang namamahala nito.

Natigil lang ako sa pagtetext nag dumating na yung orders namin. Masyadong malapit sakin yung babae kaya hindi ko nalang siya pinansin.

Magtetext na sana ulit ako kay Bam, yung kanang kamay ko nung biglang nagsalita si Aria. Anu nanaman kaya ang binabalak ng babaeng ito?? Mukhang may masama siyang balak ah.

Nung bumalik na yung server at may dalang tubig, nagulat nalang ako na ibinuhos niya ito sa mukha ng babaeng server. Ang tapang naman niya. Napansin pala niyang nagpapacute yung babae samin. Lalo ko lang siya nagugustuhan eh kaya nung tumingin siya sa akin, nagsmirk nalang ako.

Ako nga pala si James Andrew, kababata nina Aria at Lei. Oo suplado ako, tahimik, nakakatakot. Pero lahat naman ay may dahilan di ba? lahat may tinatago..

Simula nang nakilala ko si Aria, lumiwanag ang mundo ko. Nakita ko na dumilim din ang kanyang mundo at hindi ko iyon nagustuhan. Gusto ko na ngumiti ulit sya tulad nung mga araw na nagkasama kami bago pa nangyari yung gabing yun. Pinapangako ko na poprotektahan ko sya kaya lalo akong nagsumikap na lumakas. Naging leader ako ng pinakakinakatakutan sa Pilipinas kaya hindi ko na nabisita man lang sina Aria sa States. Hindi ko nakita ang mga pagbabago sa kanya pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ako nakakakuha ng balita sa kanya, na napabayaan ko na sya. Nakakasama naman siya ni Dan at daddy at may inatasan ako na magbabantay sa kanya. Paminsan ay binibisita ko din siya kahit sa malayo lang.

Nang dahil dun, unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya.

--------—----------------------------------------
Author's Note:

Every evening nalang po pala ako magpopost simula ngayon.

Matagal na palang may gusto si James kay Aria, hindi halata. Mukha kasing wala siyang emosyon? Anu kayang tinatago pa niya? Siguro may kinalaman yun sa past niya.

Hint: Nasaan ang ina nina James and Daniel?

Don't forget to leave a comment and vote!

The Badboy and the BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon