Chapter 3

21 1 0
                                    

Aria's Pov:

Nagising nalang ako sa yumuyugyog sa akin..

"Aria! Wake up! Wake up!"

"hmmm??? later! it's too early." sinabi ko kay Lei at nagtalukbong na ulit ng kumot.

"Anung early ka jan?! Tanghali na! Beside we're going to the mall kaya bumangon ka na dyan."

"ikaw nalang. tutulog pa ako." nagsimula na ulit ako matulog.

"nope! you're going! you need to go!" sinabi sakin ni Lei hanggang sa hinigit nya ang kumot ko na naging dahilan ng pagkahulog ko sa kama.

"aray! ang brutal mo naman." nagising nga talaga ko eh. Binelatan nya lang ako at lumabas na ng kwarto.

"Maligo ka na at mag-ayos pupunta tayo sa mall. Intayin kita sa kusina! Pag 15mins na at hindi ka pa bumababa, susugudin kita jan sa kwarto mo and I'll make sure you won't like what I would do to you." at tuluyan na nga siyang lumabas ng aking kwarto.

Hay.. anu pa bang magagawa ko? Takot ko lang sa kanya noh! Kaya kinuha ko na ang towel ko at pumunta na sa aking built-in cr sa room. Nagsimula na ako maligo at pagkatapos ay lumabas na ako ng cr na nakatowel lang. Nakakonekta ang walk-in closet ko sa kwarto ko kaya naghanap na ako ng aking isusuot ngayon papuntang mall. Dahil ayoko naman magmall, nagsuot nalang ako ng black skinny jeans, simple shirt, at nagblack chucks nalang ako. Hinayaan ko nalang ang buhok ko na nakababa para mapaair dry nalang.

Nakita ko ang oras sa nightstand, 8:45am palang pala. Ang aga naman akong gisingin ni Lei. Naku! 15mins na ata kaya nagmadali na akong bumaba ng hagdan at ayoko nang isipin kung anung mangyayari sa akin pag nalate pa ako.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko na paakyat na si Lei. Hay salamat at hindi niya ako naabutan sa aking kwarto.

"Ang tagal mo naman! Kain na muna tayo tapos hatid nalang daw tayo nina James at Dan." sabi ni Lei na dumiretso na ng kusina para kumaen.

"Asan na yung dalawang yun? akala ko ba ay sila maghahatid sa atim sa mall?" sabi ko kay Lei habang kumakaen. Wala pa kasi yung dalawang magkapatid. Nakakapagtaka at hindi sila sumabay sa amin.

"Anu ka ba?! Kanina pa kaya sila tapos at nasa living room nalang iniintay tayo. Kanina pa kasi kita ginigising eh. Inantay lang kita bumaba para sabay na tayo kumain."

Tumango nalang ako kay Lei at kumain nalang ulit.

Pagkatapos namin kumain ni Lei, dumiretso kami sa living room kung saan nagiintay ang magkapatid.

"Guys! Let's go!" tawag ni Lei sa magkapatid. Nung makapasok na kami sa living area, natigilan ako sa pwesto ko. Ang hot pala talaga ni James sa kanyang white fitted shirt, tokong, at loafers. Grabe, kitang-kita ang kanyang mga muscles. Ang yummy, nakakapaglaway. Natigil lang ako sa pagiisip nang hilahin na ako ni Lei palabas.

"Girl! Ang yummy ni Dan and James noh! Umamin ka! Halatang halata ka eh! Tutulo na nga ata ang laway mo kung hindi pa kita hinila eh!" Pangaasar sa akin ni Lei.

"Oo na! Hindi ko naman dinedeny eh!" Ito talagang si Lei, pangasar pa. Bumalik nalang ulit kami sa aming kwarto para kunin ang gamit namin.

Pagbaba namin naghihintay na si Dan at si James naman daw ay nasa sasakyan na. Pagkalabas namin ng bahay, nakita namin ang isang black mercedes benz.

Pumasok na kami ni Lei sa backseat at si Dan naman ang sa passenger seat. Tahimik lang kami sa sasakyan hanggang sa binuksan ni Dan ang radio. Ang kanta ni Taylor Swift ang tumutugtog, yung 'Shake it Off'.

Nagsimula na sumabay sina Lei at Dan sa kanta. Nagwala na din sila kay gumaya na din ako sa kanila at nakikanta din. Ansaya lang. Nakarating na kami sa mall at natapos na din yung kanta ni Taylor Swift pero yun pa din kinakanta namin na may headbang pa kahit na 'All about that bass' na yung natugtog sa radio.

The Badboy and the BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon