Chapter 4

24 1 0
                                        

Aria's Pov

Nagising ako sa tunog ng alarm sa phone ko. May pasok na nga pala kami ngayon. Bumangon na ako sa kama dahil good mood ako ngayon. Kung tatanungin nyo ako kung bakit, wala lang naman. Basta maganda ang mood ko ngayong umaga, tapos.

Nagtungo ako sa kwarto ni Lei para tingnan ko kung gising na siya. Baka kasi nakalimutan niya naman magset ng alarm.

Pagkadating ko sa kwarto ni Lei, nadatnan ko siyang natutulog pa din sa kama niya.

"Lei, gising na. May pasok pa tayo."

"hmm?.." narinig ko na sabi ni Lei. Nakataklob kasi siya ng unan niya.

"Lei! Aayusan mo pa ako kasi 1st day of school. We need to be pretty kaya magmadali ka na dyan."

"what?? oo nga pala noh." sabi ni Lei habang bumabangon na sa kama. Takot nya lang na magmukha syang losyang sa 1st day of school nya noh. Dahil gising na si Lei, nagsimula na akong lumabas ng kwarto nya para makapagayos na ako sa kwarto ko.

Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ko, nakita ko si James na kakalabas lang ng kwarto nya. Pababa na siguro sya. Nagkatinginan kami kaya nginitian ko lang sya.

"Pababa ka na? Maaga din pala klase mo. Ano oras ng labas mo ngayon?" tinanong ko na din para alam namin ni Lei na wala sila mamaya pag dumalaw kami kina mommy.

"3pm wala na ako klase. Mag pasundo nalang kayo sa driver mamaya at may mga pupuntahan pa kami ni Dan after class."

Tumango nalang ako at naglakad na siya pababa ng hagdan. Pumasok nalang din ako ng kwarto ko para magsimula nang magayos.

Nang matapos na ako magayos, sabay na kami ni Lei bumaba ng hagdan.

Nadatnan namin si Dan na nakain ng cereals. Hindi naman kami nakain ni Lei sa morning, puro coffee lang kami.

"Dan, kailan daw kami ni Aria magkakaroon ulit ng kotse?" tanong ni Lei kay Dan habang nakiupo na din siya sa tabi ni Dan. Looks like we'll be having a breakfast today.

Pumunta muna ako sa kitchen para maghanap ng breakfast. Nakita ko dun si Manang Fely, andito pa din pala siya. Matagal na siyang katulong dito. Andito na siya bago pa nakilala ni Mommy si tito danny. Matanda na siya, parang nasa late 50s na pero malakas pa din.

"Manang, andito pa din pala po kayo."

"Oo anak, napamahal na ako sa bahay na ito eh pati na din sa mga tao dito. Ano ba hinahanap mo anak?"

"Manang, may tasty po ba tayo at nutella?" tanong ko kay manang na nakangiti.

"Nandun sa kabinet yung mga tinapay at palaman" sabi Manang sabay turo sa itaas na kabinet.

"Salamat po Manang!" sabi ko kay Manang habang palabas na ng kitchen.

Kumain nalang ako ng tinapay na may palaman na nutella. Favorite ko ito eh. Mmm.. yummy!

"Aria, baka next month pa daw dadating yung car natin. Kay Dan na muna daw tayo sasabay." sabi sa akin ni Lei habang kumakain na din ng tinapay na may nutella. Favorite nya din kasi ito.

"So, paano mamaya? hindi nalang tayo sasabay sa kanya?" bulong ko kay Lei na tumango lang. Katabi pa din kasi nya si Dan.

Nang matapos na kami, sumakay na kami sa puting bmw ni Dan. Nagsoundtrip nalang kami ulit sa car nya hanggang makarating na kami sa SouthBridge High. Sa kabilang campus lang yung building nina James. Magkahiwalay kasi ang campus ng highschool sa college.

Naunang bumaba si Dan sa amin. Nagcheck pa kasi kami ni Lei ng itsura namin.

Nung pagbaba namin, nakakapagtaka lang at nakatingin na sa amin lahat ng estudyante.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Badboy and the BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon