Chapter 1

27 1 0
                                    

Aria's POV

Hay.. nakabalik na din kami Ma. Malapit na namin ikaw maipaghigantian.

Andito kami ngayon ni Lei sa airport at hinihintay ang aming sundo. Hay

.. Ilang minuto na kaming nagiintay dito, wala pa din sila. Pinaghintay pa talaga kami. Sa lahat ng ayaw ko ay ang naghihintay. Nawawala ang poise ko eh.

"Lei, tara cr. Ang tagal nila eh. Let's go retouch." Maarte kong sabi kay Lei na pangiti-ngiti sa lahat ng mga dumadaan. Friendly kasi talaga yan eh.

"Okay, tara lets. Mukhang matagal pa nga sila eh." Narinig kong sabi ni Lei kaya hinila ko na kagad siya sa malapit na cr.

Pagkatapos namin magayos, lumabas na kagad kami. Parang may naririnig ako na tumatawag sa amin kaya hinanap namin kung sino yun.

"Aria! Lei! Dito!"

"Aria, ayun sila oh. Teka, si Dan na ba yun??" Nagulat na sabi ni Lei sakin habang hinihila niya ako papunta sa kanila.

Nang makalapit na kami sa kanila, "You're late, pakidala nalang ng mga maleta namin dun oh." sabi ko sa kanila sabay turo sa dalawang malaking maleta at ilang bags sa malapit sa upuan namin kanina.

"Pasensya na kayo, may pinuntahan pa kasi kami bago dito." sabi ni Dan habang nagkakamot ng kanyang batok.

Inilagay na ni Dan ang mga gamit namin sa likod ng kanyang range rover. Mabuti nalang at medyo malaki ang dala nilang sasakyan para magkasya ang dala naming mga bag ni Lei.

Pumasok na kami ng sasakyan nung may sumakay na sa driver's seat. May kasama pa pala si Dan, hindi ko napansin. Si Dan kasi ay nagaayos pa ng mga gamit sa likod kaya imposibleng siya din yung nasa driver's seat. Sino kaya 'to??

"Aria, sino kaya yung driver natin? Mukhang hot sya. Likod palang nya yummy na." pabulong na tanong sakin ni Lei.

"Yun nga rin nasa isip ko eh. Baka bagong driver lang nina Tito."

Pumasok na si Dan sa passenger seat ng sasakyan. "Tara na kuya, uwi na tayo kasi siguradong pagod na sina Lei." narinig kong sabi ni Dan sa driver nya. "Kuya"?? baka kuya driver nga lang.

Malayo palang kami, may natatanawan na kagad akong sign ng Mcdo. Nagugutom na din pala ako.

"Lei, gutom na ako. Ikaw ba?"

"Gutom na nga rin ako eh. Pero Mcdo lang nakikita ko na malapit satin. Hay, whatevs. I'm hungry na talaga eh."

Malapit na kami sa Mcdo nung umimik si Lei. "Kuya Driver, pakitabi naman po ng car dyan sa Mcdo. We're hungry na kasi eh."

Narinig naman namin ni Lei na tumatawa si Dan habang nagpapark na si Kuya driver sa Mcdo. Bakit naman kaya sya natatawa? Nakakatawa bang kumain sa Mcdo?"

"kuya... pfft.. driver.. pftt.. kuya driver.. hahaha.. kuya, mukha ka na palang driver ngayon. hahaha.." tumatawang sabi ni Dan kay kuya driver. Ano naman kayang nakakatawa dun??

Mayamaya, pinatay na ni kuya driver ang sasakyan at lumabas na ng sasakyan. Isinara niya ang pinto ng malakas at dumiretso na sa loob ng Mcdo. Hala! parang galit ata si kuya.. or excited lang talaga syang kumain sa Mcdo?? Bakit naman kaya magagalit si kuya? Baka excited lang talaga siya kumain sa Mcdo. 1st time nya siguro. Kakaawa naman si kuya, Mcdo na nga lang, hindi pa nya magawa kumain dito. Hindi ba sya sinuswelduhan ng maayos nina tito at hindi nya maafford kumain sa Mcdo??

Nagsimula na kaming lumabas ng sasakyan at naglakad na papuntang entrance ng Mcdo. Sinimulan ko na din tanungin si Dan tungkol kay kuya driver.

"Dan, hindi nyo ba pinapasweldo ng ayos ang mga driver nyo? Mukhang 1st time lang ni kuya driver kumain sa Mcdo. Nagmamadaling pumasok siya sa loob eh."

The Badboy and the BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon