...Isang lalaking naka suot ng isang pormal na damit ang lumapit sa akin. "Ms. Frost, pinapatawag po kayo ng presidente sa kanyang opisina."
Ano naman kaya ang kailangan sa akin ng presidente at bakit niya ako pinapapunta sa opisina? May mahalagang bagay ba siyang kailangang sabihin sa akin?
Kaya naman nagtungo na ako sa kanyang opisina, doon ko nakita ang presidenteng nakaupo sa kanyang silya. At bakas sa mukha nito ang pagkabagabag, tila ba'y may isang malaking problema kaming kakaharapin.
"Mister President, ako raw po ay inyong pinapatawag?" Bungad ko rito, napatingin naman ito sa akin at tumango, matapos noon ay sinenyasan akong umupo sa isang upuan malapit sa lamesa niya.
"Pinatawag kita dahil may nakalap kaming impormasyon tungkol sa taong nasa likod ng paninira sa mundo." Napakunot naman ang aking noo, kilala na nila kung sino ang nagpasimuno rito?
At sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang nanikip ang aking dibdib sa galit at pagkamuhi. Hindi ko hahayaan na mabuhay pa ang walang hiyang iyon.
"Sigurado ba kayo na siya talaga ang puno't dulo ng delubyong ito?" Tumingin ito ng malalim sa aking mga mata at muli ay tumango. Sa kanyang pagtitig ay may kakaiba akong nararamdaman, tila nagsasabi na may masama pa itong sasabihin.
May kinuha ito sa kanyang lamesa, isang itim na folder. Sa tingin ko'y dito nakalagay ang impormasyon sa taong iyon.
Matapos noon ay ibinigay niya sa akin ang folder na iyon. "Siya si Senior Hidalgo Margaux. Dati siyang heneral ng pilipinas ngunit dahil sa katiwalian ay napagpasyahan ng lahat na patalsikin siya sa kanyang serbisyo. At ngayon ay isa nang ganap na scientist na siyang nagmamay-ari ng kompanyang gumawa ng mga virus na naging sanhi ng pagkagunaw ng mundo." Dahan-dahan kong binuklat ang mga pahina ng impormasyon.
Tila ako'y nabuhusan ng isang malamig na tubig sa aking nakita. Hindi ko inaakala na siya ang taong nasa likod ng mga pangyayari ngayon.
Nakakapanindig balahibo't para bang nanigas ako sa aking pwesto. Wala ni isang salita ang lumabas sa aking bibig, tila ba'y nahinto sa pagproseso ang aking pag-iisip.
Si Zero, siya ang taong nasa likod ng paninira ng mundo. Ngunit paano iyon nangyari? Nakita ko lamang siya sa kagubatan na sugatan at walang malay.
Napaka-sakit para sa akin na ang taong tinuring kong kaibigan at kapamilya ay siya palang dahilan kung bakit nawala ang lahat sa akin.
Ngunit nawala ang aking pag-iisip ng bigla na lamang nagkaroon ng isang malaking pagsabog, mabuti na lamang at hindi nadamay ang silid na aming tinutuluyan. Kasama ang presidente ay sabay naming nilisan ang silid na iyon.
Sa paglabas namin ay doon tumambad sa amin ang pinsala ng pagsabog na iyon. Marami ang sugatan at sa tingin ko'y mga nabawian na ng buhay. Ang iba naman ay naghihingalo't puno ng bali sa katawan.
Nagtungo kami sa silid nila Lucas at Ian, nadatnan namin silang nawalan ng malay at gaya rin ng iba'y puno sila ng galos at sugat sa katawan. "Sino ang nagpasimuno sa pag-atakeng ito?" Wala sa sariling tanong ng presidente.
Maya-maya lamang ay may biglang lumitaw na tao sa aming harapan. At nang malinawan ako kung sino ito'y hindi na ako masyado pang nagulat. "Zero." Iyon lamang ang aking nabanggit.
Isang ngisi ang ibinigay nito sabay sabing, "Oo ako nga, at alam kong alam mo na ako ang taong nasa likod ng pang-gugulo sa mundo." Ngising sambit nito.
Tumingin ako ng matalas sa kanya. "Pero bakit?! Pinagkatiwalaan kita!" Sigaw ko rito.
Tumawa ito saglit na isang simbolo ng pangungutya."Ang inaakala ko pa naman ay napaka-talino mong babae, ngunit isa karin palang walang silbi at utak na nilalang. Sa tingin mo bakit ko ito ginawa?---Dahil iyon sa kapangyarihan na kaya kong makuha kapag napasa-akin na ang buong mundo." Muli ay tumawa ito na tila ba'y isang matandang sakim sa kapangyahiran.
Nasisiraan na siya ng katinuan, ang mundo'y hindi pag-aari ng sino man. "Kailan ma'y hindi magiging sa iyo ang mundo, dahil gagawin ko ang lahat para maitigil mo ang kahibangan mo!"
Mas lalo namang lumakas ang pagtawa nito. "At paano ka naman nakakasiguradong mapipigilan mo ko sa aking plano? Sa tingin mo ba'y hahayaan na lamang kitang sirain ang sinimulan ko? Noong una palang ay nagpanggap na akong biktima sa kagubatan at alam kong alam mo na kakaiba ako sa lahat ng taong nakilala mo. O dapat ko bang sabihin na kakaiba tayo?" Tila'y napapintig ako sa aking narinig, anong alam niya sa kung ano ako?
"Anong alam mo sa pagkatao ko?!" Galit kong tanong rito.
"Kung sasanib ka sa akin ay sasabihin ko ang lahat ng aking nalalaman. Ikaw ang pinaka-bagay na reyna para sa aking gagawing mundo." Tila manyak niyang sambit.
Nakakapanindig balahibo ang kanyang sinasabi.Parang hindi ito yung Zero na nakilala ko noon. Kunsabagay hindi nga pala iyon ang tunay niyang katauhan dahil siya si Hidalgo, ang taong matagal ko nang gustong paslangin.
Sa tagal ng panahon na nakasama ko siya ay hindi man lang ako naghinala sa kanya. Masyado ko siyang pinagkatiwalaan sa lahat ng aking plano.
"Kailan ma'y hindi ako sasanib sa lalaking katulad mo! At lalong wala akong balak na maging reyna mo, dahil hindi ikaw si Zero! Ikaw si Hidalgo Margaux at ako ang papatay sa'yo!" Namumuot kong turan dito.
Sinubukan kong lumapit sa tampalasang ito ngunit bago pa man ako makahangbang ay bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkahilo at pagkatingin ko sa gawing kaliwa ay ganoon rin ang nararanasan ng presidente.
Bago malawa ang aking paningin ay sumilay sa akin ang nakakalokong pagtingin ni Hidalgo. At unti-unti na nga akong nilamon ng kadiliman.
...
To be continued...
BINABASA MO ANG
Project X : Extinction
Science FictionWattys2018 Longlist & Shortlist Wattys2019 winner Highest Rank Achieved : #1 in Suspense (11/13/19) #9 in Apocalypse #9 in Zombie #21 in Scary #79 in Horror #95 in Adventure #296 in Action #19 in Guns #13 in Katatakutan #202 in Fantasy "Ang katapus...