You can look at Zero in the multimedia. Here is the next chapter of our story.
...
"Sino kayo? Bakit kayo nandito?" Isang tinig ang aming narinig. Napalingon kami dito at agad na bumungad sa aming harapan ang isang babae.
Nakatutok sa amin ang dalawang baril nito, wari ba'y isang maling galaw lamang namin ay handang iputok ito.
"Ang pangalan ko ay Frost at ito naman ang kasama ko na si Zero. Nandito kami upang magpalipas nang gabi, marami nang halimaw ang gumagala sa labas." Turan ko dito. Napataas naman ang kilay nito sa amin.
"Nakagat o nakalmot ba kayo ng mga bangkay? O baka ibang halimaw naman ang naka-kagat sa inyo?" Seryosong tanong nito na para bang isang guro na nagtatanong sa kanyang mga estudyante.
"Hindi kami nakagat ng kahit na anong halimaw. Dahil hindi namin hahayaan na mahawa kami at maging kagaya nila." Seryoso ring sambit ni Zero sa kanya. Dahan-dahan itong tumungo ng ilang beses bago muling magsalita.
"Sige, dahil sa tingin ko ay mapagkakatiwalaan naman kayo at hindi naman kayo nahawa sa kanila ay dito muna kayo pansamantala magpalipas ng araw pero kung sakali man na mahawa ang isa sa inyo, hindi ako magdadalawang isip na patayin ito." Taas kilay nitong sabi sa aming dalawa ni Zero.
Sabihin na nating may pagkamasungit ang babaeng ito ngunit lahat naman nang kanyang sinabi ay may punto.
Para sa kanya ay isa kaming estranghero at hindi pa niya kami kilala nang lubos, iniisip din niya siguro na baka may balak kaming masama.
Ito rin ang eksaktong naramdaman ko kay Zero noong una kaming magkita at magkakilala.
Hindi naman niya iyon maiiwasang isipin, at kung ako man ang nasa sitwasyon niya ganun din siguro ang maiisip at gagawin ko.
"Salamat sa pagpapatuloy mo sa amin dito sa iyong tahanan." Nakangiting saad ko sa kanya, nginitian din naman niya ako bilang ganti.
Kahit na may kaunting sungit sa kanyang ugali, nagpapakita pa rin ito nang kabutihang loob at pagmamalasakit sa amin.
"Bakit nga pala kayo napad-pad dito sa siyudad? Hindi ba't mas delikado rito kaysa sa ibang lugar gaya nang kagubatan?" Tanong nito sa amin. Nagkatinginan kami ni Zero bago namin isinalay-say ang mga pangayari.
...
Matapos naming isalaysay ang mga pangyayari nag-ayos muna kami ng aming gamit at inayos ang hihigaan namin sa pagtulog.
Isang mahabang banig ang aming inilatag at doon kami humiga ngunit sinabi ni Zero na sa sofa na lamang siya matutulog at kami na lamang nang babaeng ito ang humiga sa banig.
Maikli lamang kasi ang sofa at hindi rin naman kami magkakasya sa isang banig kahit na mahaba ito kaya may isang sa amin na sa sofa na lamang hihiga at matutulog.
Dala siguro sa sobrang pagod ay mabilis akong nakatulog, hindi ko alam kung ganoon din sila.
Sana'y maging maganda ang araw namin kahit na imposibleng maging maganda ang araw sa ganitong sitwasyon.
...
Nagising ako sa sinag ng araw, nang ako ay bumangon sa pagkakahiga napansin ko agad na wala na ang dalawang kasama ko. Saan naman kaya sila nagpunta? Iniwanan na ba nila ako?
Maya-maya ay nakaringi ako ng mga tinig na nanggagaling sa labas. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ang pintuan, naabutan ko sila doon na nageensayo sa pakikipaglaban.
"Hindi niyo man lang ako ginising." Napahinto sila sa pageensayo nang marinig nila ang aking boses. Napatingin sila sa akin at binitawan muna nila ang kanilang mga armas.
"Ang sarap kasi ng tulog mo, baka maistorbo ka namin kaya hindi ka na namin ginising. Halika dito, mageensayo tayo." Nakangiting sambit ng babae pagkatapos ay binigyan ako ng armas at hinila ako palapit sa kanila.
Tinuruan niya kami kung paano gumamit ng iba't ibang armas puwera sa baril sapagkat mas madali itong matutunang gamitin kaysa sa mga pangmalapitang armas gaya nang itak at balisong.
Kailangan din daw naming palakasin ang aming puwersa kapag inihahampas namin ang mga armas na ito upang masigurado na patay talaga ang mga halimaw na makakasagupa namin.
Talagang hindi nga madaling gamitin ang mga pangmalapitang armas dahil kailangan na lakas ang iyong braso sa pagputol ng mga bagay at halimaw.
Hindi ko alam kung saan niya natutunan ang mga tinuturo niya sa amin pero talagang nakakatulong ito sa paglaban namin sa mgfa halimaw.
Sinabi niya rin sa amin na kung sakaling malagay kami sa bingit ng kamatayan, kailangan namin itong malampasan kaya tinuruan niya kami ng ilang paraan upang makaalis o makalampas sa mga mahihirap na sitwasyon.
Hapon na nang matapos kaming magensayo at pagod na pagod kami, kumuha kami ng maiinom at makakain upang bumalik ang aming mga lakas.
Marami kaming natutunan sa kanya at marami rin kaming naituro sa kanya na talagang makakatulong sa aming lahat.
"Bukas maghanda kayo sapagkat maghahahanap tayo ng sasakyan upang mas mapadali ang paglalakbay natin." Saad ko sa kanila habang nagaayos ng gamit. Sa tagal naming magkakilala ng babaeng ito hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya.
Napakamisteryosa niya talaga at nakakahiya namang magtanong at hindi rin ako makahanap ng tiyempo kung paano ko siyang tatanungin kung ano ang pangalan niya.
Pero siguro naman sapat na ang ilang oras na pagsasama namin upang malaman namin kung ano ang pangalan niya.
Nang makapasok kami sa loob nagpalit muna kami ng aming mga damit at nag-ayos ng mga armas na dadalhin namin bukas.
Pagkatapos ng mga ginagawa namin ay doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na magtanong sa kanya.
"Sa tagal nating magkasama at magkausap kanina at kagabi hindi ko pa namin alam ang iying pangalan. Ano ba ang iyong pangalan?" Alam kong bakas sa aking mukha ang kuriyosidad habang nagtatanong sa kanya.
Sana sumagot siya kasi nagtataka na talaga ako sapagkat hindi niya sinasabi ang pangalan niya sa amin. Ano bang meron sa pangalan niya?
Artista ba siya o baka naman politiko? Napakakompidensyal naman nang kanyang pangalan, at kung oo bakit hindi niya sinabi agad.
Nakatingin din sa kanya si Zero, wari ba'y inaantay kung ano ang kanyang sasabihin. Nakatitig lamang siya sa aming ng ilang minuto.
Hindi naman sa nagmamadali kami pero kailangan kong malaman ang kanyang pangalan upang mawala na ang kuryosidad ko sa kanya at bigla siyang ngumisi bago magsalita.
"Ang pangalan ko ay....
...
To be continued...
BINABASA MO ANG
Project X : Extinction
Science-FictionWattys2018 Longlist & Shortlist Wattys2019 winner Highest Rank Achieved : #1 in Suspense (11/13/19) #9 in Apocalypse #9 in Zombie #21 in Scary #79 in Horror #95 in Adventure #296 in Action #19 in Guns #13 in Katatakutan #202 in Fantasy "Ang katapus...