3rd Person's POVLumipas ang ilang buwan at nagkaroon sila ng sapat na panahon upang magpalakas at gumawa ng iba't ibang makabagong armas.
Narito ang baril na kung saan nilagyan nila ng bote ng pintura at lighter na nagsisilbing flamethower.
At sa bawat pagbaril nito ng maraming bala ay ang pagkakaroon din ng malawakang apoy na nakapagdadala ng sunog sa mga halimaw.
Sumunod naman ay isang patalim na kung saan ay ibinababad nila sa gas at sisilyaban upang magkaroon ng apoy at mas malakas ang pinsalang makakamit nito sa kalaban.
Karamihan sa mga ito ay konektado sa apoy ngunit ang iba nama'y hindi. Ngunit ganoon pa ma'y nangangailangan pa rin sila ng mga kasama.
Mas marami mas malakas, alam ni Frost na mas delikado kung marami sila ngunit hindi sapat ang apat upang labanan ang maraming halimaw na nakapaligid sa kanila.
Gayun paman ay mas lalo namang tumibay ang pagsasama nilang lahat. Mas naging kilala nila ang isa't isa, ang kahinaan at kalakasan ng bawat isa sa kanila ay alam na rin nila.
...
Napadaan sila sa noo'y kilala pang pamilihan na ngayon ay punong-puno na ng mga halimaw at bangkay. Sa pagdaan nila doon napansin ni Lucas kung gaano na kagulo ang mundo maraming buwan na ang nakalipas.
Kung noo'y sira lamang ang mga kabahayan at sasakyan ngayon nama'y halos wasak at wala nang pagkakakilanlan ang bawat bahay, gusali at sasakyan na kanilang nasisilayan.
Naroon din ang mga nakakasulasok na mga amoy ng patay at nabubulok na lamang loob, mga matang nakalabas at nakausli, butong gutay-gutay at dugong halos mangitim at manuyot sa daanan at pader.
Maihahalintulad na nila ang pamihilan na iyon sa isang malaking katayan. Isang madugo, mabaho at nakakasulasok na lugar kung tutuusin.
Napahinto silang lahat ng makarinig sila ng isang kaluskos. "Narinig niyo ba 'yun?" Tanong ni Lucas sa mga kasamahan.
Tango lamang ang naisagot sa kanya ng mga kasamahan niya. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay may nagbabad'yang panganib na naman ang paparating sa kanila.
Agad nilang binunot ang kanilang mga armas at inihanda. Naging alerto ang lahat, ang munting kaluskos ay unti-unting lumalakas hudyat na mas lumalapit sa kanila ang kung ano mang nilalang ito.
Hanggang sa nagkaroon ng isang malakas na pagsabog sa gawing kanan nila. Napatingin ang lahat dito at doon nila natuklasan na isang napaka-laking alakdan ang naghihintay sa kanila.
Mayroon itong malaki at mahabang kamay at ang 'stinger' nito'y mas malaki pa sa isang kotse. Ang taas nito'y halos isa't kalahating palapag.
Mabilis silang tumakbo papalayo sa halimaw na ito. Isang malakas na ungol ang pinakawalan nito bago ito kumaripas ng tumakbo papalapit sa kanila.
"Shit kailangan nating makaalis sa lugar na ito kung hindi magiging hapunan tayo ng halimaw na 'yan." Sigaw ni Zero sa mga kasamahan niya.
Sa bawat pagtakbo nilang apat ay ang labis na paglapit lalo ng halimaw sa kanila. Kaya naman hindi na nila napigilan at agad nila itong nilabanan gamit ang mga armas na sila mismo ang gumawa.
Dito nila malalaman kung magagandang klase ba ng armas ang kanilang nagawa. Unang nagpaputok si Lucas, sinubukan niya ang baril na may halong gas sa loob at sa bawat pagbaril niya ay pinapasok sa loob ng halimaw ang gas doon.
At kasabay naman nito ang pagbaril ni Ian, ang kanyang hawak na armas naman ay naglalaman ng bala na may paralysis effect sa kung sino man ang matamaan noon.
Unti-unting bumabagal at humihina ang pagatake ng halimaw. Habang abala ang dalawa sa pagbaril ay nagtago naman si Frost upang itanim at itarak ang mga bomba sa likuran ng halimaw.
Sa bawat baril at paglaban nila dito'y malalakas at nakakabinging ungol at hiyaw ang pinapakawalan nito. At makalipas ng ilang segundo ay naghagis bigla si Zero ng granada sa halimaw at mabilis silang tumakbo palayo rito.
Isang napaka-lakas at napaka-ingay na pagsabog ang kanilang nasaksihan, tila ba'y naging makatas na dugo na lamang ang halimaw at nagkalat ang iba't ibang laman loob nito.
...
Matapos ng madugong pakikipaglaban nila, nagdesisyon silang bumalik sa kanilang tirahan na nasa pagitan ng kakahuyan at syudad.
Napaka-ganda ng lugar na kanilang natuluyan : maraming puno ng prutas at gulay, sa 'di kalayuan ay mayroon ding lawa, may balon din na malapit at sakahan sa likuran ng bahay.
Naghahati-hati sila sa mga obligasyon, si Lucas ang taga kuha ng mga prutas at gulat sa itaas ng puno. Si Frost naman ang kumukuha ng tubig sa balon para pakuluan at mainom.
Ang kumukuha naman ng tubig sa lawa ay si Ian at ang kanilang taga-luto at nangangaso ay si Zero. Kapag swerte ay nakakakita siya ng baka at baboy at manol na pagala-gala ay pinapatay niya ito at kinakatay upang gawing ulam.
Ilang buwan na naging ganoon ang kanilang buhay, minsan may nakakasalamuha silang halimaw ngunit madali na lamang nila itong mapaslang.
...
To be continued...
Sorry for lame update guys!
BINABASA MO ANG
Project X : Extinction
Ciencia FicciónWattys2018 Longlist & Shortlist Wattys2019 winner Highest Rank Achieved : #1 in Suspense (11/13/19) #9 in Apocalypse #9 in Zombie #21 in Scary #79 in Horror #95 in Adventure #296 in Action #19 in Guns #13 in Katatakutan #202 in Fantasy "Ang katapus...