Chapter 11

549 9 1
                                    


...

Habang kami ay kumakain nakarinig kami ng isang tinig. Base sa boses nito ay umiiyak ito, napagdesisyunan kong tumayo at hanapin ang boses na ito.

Sinubukan nila akong pigilan ngunit hindi ako natinag. Sinubukan rin nilang tumayo at tulungan ako ngunit sinabi ko na ako na lamang ang maghahanap.

Nanggagaling ang tinig na ito sa isang aparador. Isa itim na aparador, nakakatakot ang istura nito. May mga nakapalibot ring ugat ng puno rito.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan nito. Halos maluha ako sa aking nakita. Isang lalaki ang basa loob nito, butot balat na siya at halos hindi mo na makita ang itsura niya sa sobrang payat niya.

May mga malilit na sugat at galos rin sita sa katawan. Mga naglalakihang pasa na talaga namang kakaawaan mo siya.

Hinawakan ko ito ngunit mas along lumakas ang pagiyak nito. Lalo akong naawa kaya naman sumigaw ako at humingi ng tulong sa kanila.

"Guys! Tulungan ninyo ako dito!" Tama lamang ang lakas ng aking boses upang marinig nila ito. At wala pang isang minuto ay nasa harapan na sila ng pintuan.

Nakita nila ang kalagayan ng lalaki kaya naman binuhat nila ito ng dahan-dahan. Pinahiga nila ito sa kama at pinainom ng tubig. Nagdala rin sila ng pagkain at pinakain nila ito.

Awang-awa ako sa kanya, hindi ko alam kung sino ang may gawa nito sa kanya. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon, hindi ko mapapatawad ang taong nasa likod ng kawalang-hiyaang ito.

Alam kong tao ang gumawa sa kanya nito, dahil wala naman sa tamang pagiisip ang mga halimaw at kung sakaling sila ang gumawa noon dapat patay na siya dahil malamang kinain na siya nito.

Lumabas muna ako sa bahay para magpahangin. Kailangan ko ng preskong hangin ngayon, matagal-tagal na ring panahon ang lumipas simula ng maka-amoy muli ako ng masarap na simoy ng hangin.

Napapikit ako sa sarap ng simoy ng hangin, ang bawat hawi nito sa aking buhok ay aking nararamdaman. Ang mga damo sa kalupaan ay nagsasayawan. Napaka-sarap nilang tignan, napaka-payapa, tahimik at kalmado.

Sana ganito na lang palagi, walang mga halimaw at masasamang nilalang na gumagala at handa kang patayin.

Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para maging payapa ang mundo. Pero umaasa parin ako na balang araw masasaksihan ko ang makasaysayang pangyayaring iyon.

"Ang ganda dito no?" Nagulat ako ng may nagsalita sa aking tabi. Napalingon ako sa kanya at muli kong nasilayan ang guwapo niyang mukha.

Ang mahahaba niyang pilik-mata, matangos na ilong, makinis na balat at ang labi niyang mapula. Pakiramdam ko'y umaakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan dahil sa naiisip ko.

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?"

"Nakita kasi kitang lumabas kanina kaya naisipan kong sundan ka. Baka kasi may mangyaring masama sa iyo." Ngiting sabi niya. May ganitong pagkatao rin pala si Zero.

Oo, si Zero ang kasama ko ngayon. Siya ang katabi ko, parehas kaming nakaupo sa kahoy. Nagmamasid sa buong kagubatan, pinagmamasdan ang bawat hayop na aming nakikita.

Habang nagmamasid isang malakas na pagsabog ang aming narinig. Agad kaming nagkatinginan at mabilis na tumakbo pabalik sa bahay.

Naabutan naming nasusunog ang buong kabahayan. Para akong sinaksak ng limang kutsilyo, para akong nanlumo at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan.

Unti-unting tumulo ang mga luha sa aking mata. Napayakap ako sa kanya at doon umiyak. Sana nakaligtas sila, sana walang nasaktan sa kanila. Hindi kami makapasok dahil may mga nakaharang na mga apoy at kung susubukin ay baka mapahamak pa kami.

Nagpatuloy ako sa pagiyak hanggang sa makarinig kami ng isang sigaw. Humiwalay kami sa pagkakayakap at mabilis naming hinanap kung saan nanggaling ang sigaw na iyon.

Nakita namin ang lalaking tinulungan namin kanina. Agad siyang binuhat ni Zero at kahit labag man sa aming kalooban ay nilisan namin ang buong kagubatan.

...

Someone's POV

"Napagtagumpayan niyo ba ang inuutos ko sa inyo?" Malamig kong sabi sa mga alipin ko.

"Opo aming panginoon, nagawa namin ang inyong ipinaguutos." Dahil sa aking narinig ay napahalakhak ako sa galak.

Bagay 'yan sa iyo, dapat hindi na lang kita binuhay. Wala ka talagang kwenta, isa kang taksil Elias. Nagsama pa talaga kayong dalawa ni Hazelline, hinding-hindi ninyo ako matatalo dahil simula't simula pa lamang ay ako na ang mananalo sa labang ito.

Hinding-hindi niyo mapipigilan ang aking plano. Tandaan ninyo ito, nagsisimula pa lang ako...

...

Makalipas ang isang buwan...

...

Isang buwan na ang nakalipas mula noong mangyari ang trahedyang iyon. Narito kami sa isang pamilihan, naghahanap ng mga gamit.

"Ate Frost para saan ito?" Tanong sa akin ni Lucas. Si Lucas ang lalaking tinulungan namin noon. Ang lalaking halos puno ng galos, sugat at namamayat ang katawan.

Siya ang pinaka-bata sa aming grupo, tatlo lang kami at magmula ng mangyari ang sunog na iyon ay wala pa kaming makitang ibang mga tao. Magkasama kaming dalawa sa kaliwang estante at sa kabila naman si Zero.

Mabuti na lang at nakapaghanap kami ng mga pamilihan kagaya nito. May mga iba't ibang pagkain at kagamitan rito, may tubig rin dito kaya naman maswerte kami at kami ang nauna rito.

Nalaman rin namin na hindi siya tunay na lalaki. Isa pala siyang bading at halos matawa kami ni Zero habang isinasalaysay niya ang kanyang kwento.

Noon daw ay marami siyang nagugustuhang lalaki ngunit ngayon ay halos mandiri na siya sa mga nakikilala niyang zombie na dati niyang nagustuhan.

Naging masaya ang isang buwan namin, parang hindi kami namatayan ng kaibigan. Pero hanggang ngayon, naiisip ko parin na baka buhay pa sila.

Pero alam kong malabong mangyari iyon. Noong nasunog ang buong kabahayan at wala kaming nakita na butas o anuman na pwede nilang labasan kaya naman unti-unti na ring nawawala ang pag-asa sa akin na nakaligtas sila.

"Ate nakatulala ka na naman diyan, si Kuya Zero ba yung iniisip mo?" Ngising saad niya. Bakit naman niya sasabihin iyon? Hindi ko naman iniisip yung gwapo este lalaking iyon.

"Ano ka ba, wala 'to. Tara na nga!" At kami nga ay lumabas na sa pamilihan.

Naabutan namin si Zero na nag-aayos ng gamit saloob ng sasakyan. Mas nauna pala itong lumabas kaysa sa amin. Nakatitig lang ako sa kanya, at hindi ko alam kung bakit.

Nang magtama ang aming mga mata ay agad rin akong umiwas sa kanya. Sa tingin ko'y umaakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko.

"Hala siya, namumula ka ate. Ikaw ah!" Pabirong sabi niya sakin. Pigilan niyo ko, baka mahampas ko 'tong lalaking to.

Pumasok na kami sa sasakyan at bago pa naman kami makaalis ay narinig kami ng isang malakas na sigaw.

"Tulong!"

...

To be continued...

Project X : ExtinctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon