Chapter 15

563 6 1
                                    


3rd Person's POV

Hindi mapalagay ang loob ni Frost dahil sa kanyang nakita. Hindi siya kampante lalo na't alam niyang maaring nasa peligro ang buhay nila.

Napansin ng kanyang mga kasama na tila ba'y wala siya ngayon sa tamang katinuan at nakatingin sa malayo, para bang may malalim na iniisip.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Parang wala ka sa sarili mong katinuan ngayon, at nakatulala ka lamang sa kawalan." Nagaalalang tanong ng kanyang kasama sa kanya.

"Oo, ayos lang ako. May bigla lamang akong naalala, tara na at mahaba-haba pa ang lalakbayin natin." Dahil nga sa pagkakasira ng kanilang sasakyan dahil sa halimaw ay wala silang ibang paraan kung hindi ang maglakad at maglakbay.

Sa kanilang paglalakbay, marami silang nakasagupang nilalang.

Narito ang isang halimaw na kung tatawagin ay Etgyco, ito ay isang nilalang na may mga galamay at ang bawat galamay nito ang siyang nagsisilbing mata nito.

Maingat nila itong nilalabanan sapagkat kapag sila ay nahiwa nito tiyak na katapusan na nila.

Ang galamay nito ay naglalabas ng matinding lason na kapag humalo sa dugo ng tao ay nakapagdudulot ito ng agarang kamatayan.

Ang nagsisilbing katawan naman ng halimaw na ito ay mga pinaghalo-halong laman loob at dugo ng tao at mga halimaw na napaslang nito.

Napatay nila ito sa pamamagitan ng pagpapaikot-ikot nila sa buong kagubatan. Nagka-pulopulopot ang buong katawan nito na nagsanhi sa pagkasabog at pagkalasog-lasog nito.

Ang pangalawa naman sa kanilang nakalaban ay isang malaking lobo, ang nilalang na ito ay hindi pangkaraniwan lamang.

Ang pakpak nito ay katulad ng sa mga agila at ang pangil nito ay mas dumoble pa sa pangkaraniwang lobo.

At dahil nga sa lumilipad ito humanap sila ng paraan kung paano ito mapapatay ng hindi sila lumalapit sa maiitim na puno.

Ang maiitim na puno ay may buhay at sariling utak, nilalamon nila ang mga nilalang na dumidikit sa kanilang katawan.

At dahil doon ay naisipan nilang magpahabol sa halimaw at pagurin ito, dahil sa laki nito hindi siya sanay na makalipad ng matagal at dahil roon ay bumangga ito sa maitim na puno at unti-unti nitong pinagpyestahan ang buong katawan nito.

Palubog na ang araw ng maisipan nilang magpahinga at huminto pansamantala sa paglalakbay.

Ayaw nilang pilitin ang kanilang mga katawan dahil alam nilang bibigay ito kapag pinilit pa nila ito lalo.

Dahil sa likas silang maparaan ay nakagawa sila ng isang malaking tent gamit ang mga pinagtagpi-tagping kahoy at mga tela na nanggaling sa kanilang bag.

Matapos nilang magawa ito, agad silang humiga at nagpahinga. Ang magkatabi at magkayakap ay sina Frost at Zero sa kaliwa at sa kanang bahagi naman ay sina Lucas at Ian.

Matiwasay at malamig na gabi ang bumalot sa kanila. Simpleng pahinga na magbibigay ng sobrang kalakasan sa kanila kinabukasan.

...

Flashback...

~Malacañan Palace~

"Senior--- we don't  know if our men can still handle those things. Troy Plaga has been out and exposed to the real world. Our hidden fortress in laguna has been wiped out. What should we do now senior?" Hindi mapakaling sambit nito. Isang amerikanong lalaki ang kaharap nito at base sa itsura nito'y ito ang tumatayo bilang amo nito.

"Then activate Nano-Syntroviser Virus and inject it to Subject1352 and Subject321." Nanlaki naman ang mga mata nito sa sinabi ng kanyang amo.

"But senior they're too young, their body might reject it and may lead to their own death." Naaalalang sambit nito.

Ngunit hindi siya pinakinggan nito bagkus ay tinutukan siya ng baril sa ulo kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi sundin ang inuutos nito.

Lumabas ito at pumasok sa isang silid kung saan matatagpuan ang dalawang chamber. Sa kaliwa ay isang batang babae at sa kanan naman ay isang batang lalaki.

Una niyang binuksan ang chamber sa kaliwa binuhat niya ito sabay inilagay sa higaan. Doon niya binuksan ang isang mala-bakal na brief case at doon ay mayroong dalawang syringe.

Itinurok niya ang isa sa leeg ng batang babata at unti-unti itong nanginig hanggang sa tumigil at bumalik sa dati.

Binalik niya ito sa chamber at sumunod naman ay ang batang lalaki. Gaya ng ginawa niya sa batang babae ay tinurukan niya rin ito at nanginig.

"Mukhang tagumpay ang pagsasailalim sa kanila ng virus." Sambit nito sa kanyang sarili. Hindi nito aakalain na kakayanin ng kanilang katawan ang pinaka-matinding virus na ginawa nila.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon isang malakas na pagyanig ang naganap at kasabay nito ang malalakas na pagsabog.

...

To be continued

P.S.

Sorry kung natagalan ang update, naging sobrang busy talaga ako e.

Project X : ExtinctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon