Chapter 5

1 0 0
                                    

5.

For how many months na lumipas, medyo umayos na si mommy. Bumalik na rin siya sa pagtatrabaho. At naging okay na rin ako besides I have already friends. Di ko rin alam kung bat medyo tinigilan na ako ni Katrana, medyo kasi pag nakikita niya pa rin ako ay iirapan niya ako pero di katulad dati na pinapahiya niya ako. I don't know if Grayson done something about it but I'm thankful.

Mas naging close kami ng mga barkada ni Andrus. I even call them Trops already. We have fun always, tambayan na namin ang club house at medyo naka-move on na ko sa pagkawala ni daddy. Di na rin ako pinagpart time ni mommy dahil may trabaho na siya. I can say, I am happy now.

"Castttt!" Lie shouted my name. Napatingin naman ang mangilan-ngilan na students sa amin sa cafeteria.

"Ingay mo talaga lie." I chuckled

"Cast excited na ko sa foundation day. Foundation day means--" naputol siya sa pagsasalita

"Means more boys." Saad ni Chin na nasa likuran niya pala.

Napatawa ako ng sobrang wagas ang ngiti ni Lie.

"Ofcourse chinnnn. May mga taga-ibang school ulit kaya na dadayo." Sabi ni Lie

I don't have any idea about foundation day. Since I am a freshman until now I am a junior, Hindi ako umaattend dahil bukod sa wala akong kaibigan noon ay hindi rin ako mag eenjoy.

Maya-maya pa'y dumating na sila Andrus na may dalang mga pagkain. Naisipan naming kumain sa Cafeteria dahil may tao rin sa Club house.

"Hi girls." Xavier said

Umupo naman sa tabi ko si Andrus at ibinigay sakin ang isang sandwich at nilagyan ng straw ang juice ko. Nasanay na ako sa kanya, dahil for almost 2 months naming magkakasama I can say that Andrus is really caring. Sweet rin siya sa aming lahat.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Cross asked

"Lie's talking about foundation day. Marami daw boys." Natatawa kong sinagot si cross

"Akala mo naman may mabibingwit ka?" Pang-aasar ni Xavier at inirapan ito ni Lie.

"Paanong meron eh sagad ka kung makabuntot sakin, daig mo pa kuya ko." Reklamo ni Lie at nilantakan ang sandwich.

"Are you going now cast?" Bulong ni Andrus sakin na nakapagpatayo ng balahibo ko. His voice is very calm yet can make me shiver, kahit kailan talaga.

"Uh maybe. Ngayon palang ako aattend kung sakali." I responded

"That's more like it. I am waiting you to attend. It's fun and kasama mo kami." He chuckled at ginulo ang buhok ko.

"Naalala mo last year, nung kakakilala lang natin kay Grayson kasi siya yung nagligtas sayo Lie sa mga manyakis?" Xavier said with a bit sarcasm

"Oo paanong makakalimutan ko yun e nagfeeling action star ka lang naman, ang ending si Grayson yung nangbugbog doon." Pang-aasar ni Lie

"Aba't! Pasalamat ka babae ka ha!" Medyo inis na si Xavier but I know he will never hurt Lie, kahit sino sa amin.

Pagkatapos kumain ay usual na samin na maghiwa-hiwalay para sa next class. Pero etong si Andrus nakabuntot na naman sakin. 2 hours siyang vacant ulit ngayon at hobby niya nang maki sit in sa Entrepreneur subject ko. Civil Engineering kasi ang course niya.

Kinuha niya ang bag ko at sinukbit sa balikat niya. Nasanay na akong ganoon ang trato niya sakin.

"Solano, wala tayong class. Absent si prof. Review nalang daw para sa finals next next week." Nakangiting bungad ng classmate ko sakin. Masaya sila dahil 2 hours rin ang klase ni prof samin.

"Oh vacant niyo rin?" Tanong ni Andrus ng lumabas ako sa classroom.

"Wala si prof." Nagkibit-balikat ako

"Let's go." He said at hinila ang kamay ko

I know where we will go. ROOFTOP!

"Whoo. Ilang araw rin tayong di natambay dito." Medyo busy kasi ako sa pagrereview sa darating na finals, tapos siya laging nakasunod sa akin.

"Why are you smiling?" He asked me

"I'm happy. We met here and look at us now. Who never knows na magiging magkaibigan tayo." I smiled reminiscing the memories a few months ago

"Iyakin ka pa that time. But look at you now, masaya."

"You make me happy." I said at napatingin naman siya sa akin.

"Dahil sa inyo ng tropa, I'm happy to know you and them Andrus." Inakbayan niya ako

"I'm happy to make you happy Casthiel." He look at me at ngumiti siya

Napansin kong medyo maputla siya.

"Are you okay Andrus?" I asked him

"More than okay cast. Let's sleep, we have 2 hours." He said

"1 hour and 48 mins nalang Mr. Lim" natawa naman siya ng tawagin ko siya ng pormal

"1 hour and 48 mins then." Humiga siya at pinatong ang ulo niya sa hita ko.

"Ikaw nalang ang matulog, magbabasa ako eh." I said at pumikit naman siya

Makalipas ang 30 mins ay tulog na tulog si Andrus. Napatingin naman ako sa kanya and I notice some changes in his face.

Before, i thought barumbado siya just because of his earrings. Nadagdagan na naman kasi ng isa sa left side. He said na pinapalagay niya after end of the month. I asked him why pero ngumiti lang siya.

Hindi na rin silver ang buhok niya. It's black now. Naalala ko pinilit ko pa siyang magpa dye ng buhok dahil alam kong mas bagay sa kanya ang black. Una grabe pa ang angal niya pero napapayag ko rin siya.

Sobrang laki ng pagbabago sa buhay ko since he came to my life. Parang nagkaroon ako lakas ulit. Everyday pinapaalala ni Andrus na masarap mabuhay. Hindi niya man nasasabi palagi but his smile says it all.

"Tunaw na ko sa tingin mo." Napapitlag ako nang magsalita siya.

"I'm sorry." Napaiwas ako ng tingin

"It's alright. You can look at me, I like it more kesa iba ang tingnan mo." Then he smirked

"Tss. parang sira." But I smiled anyway

This day is something to be happy again. Andrus became a part of my everyday. Hindi ko alam kung anong gagawin ko without him. It's like nakadepende na ako sa kanya at siya lang ang makakapagpakalma sa akin kapag nasasaktan at nagagalit ako.

I know now. Sobrang aga man sabihin pero I'm sure of my feelings. I'm in love with him.

I'm in love with Andrus Harrison Lim.

My Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon