Chapter 7

2 0 0
                                    

7.

Almost 3 days nang wala si Andrus, yeah we text and call pero iba pa rin pag kasama ko siya. Kahapon talaga nagstart ang mga event dahil first day ay opening palang. I feel empty hays.

"Casttttt! tara horror booth tayoooo!" tumili si Lie at napailing naman si Xavier

"Sus para makatsansing ka sa mga lalaki doon." Inis na saad ni Xavier

For 3 days, nagpapansinan naman sila. Hindi rin naman namin napag-uusapan nila chin ang about sa dalawa. Maybe it's a self explanatory dahil alam na naman namin.

"Tss. Marriage booth nalang pala cast, magpapakasal ako doon." umirap si Lie kay Xavier

"Let's go, I'm ready." Nakangisi naman si Xavier

"Alam niyo, kayong dalawa umalis na nga kayo. Dito nalang muna kami ni cast, hintayin namin sila cross." Chin said

"Agh! peste ka talaga  Matteo!" nagdadabog na umalis si Lie at sinundan naman agad ng isa.

"Hay nako." natatawang usal ni Chin

Tahimik naman akong nakatingin sa picture ni Andrus. I really miss him, damn.

"Miss mo na? sus kayo na ba?" Pang aasar ni chin

"It's a mutual understanding." pahayag ko

"Every month, 1 week talaga nawawala si Andrus." She said

"Pero last month, hindi naman ah?"

"Yeah, nagtataka rin ako. Siguro nag ipon ng pamasahe." She chuckled

"Hmm taga saan yung family niya?" I asked

"Romblon daw? I don't know e di pa kami nakakapunta doon." She said

"You're friends with him since high school diba?" tumingin siya sa akin

"Nope. Si Lie ang kaibigan ko noon at sila cross ang magbabarkada. It's just happen na nagkakasama kami dahil sa pagkacrush ni Lie kay xav tapos ayun naging close kami lahat."

Napatango naman ako. So it's really because of those two semi-lovers. I smiled at her

"You never like one of them? Andrus, cross, or Grayson?"

Tumawa naman siya ng tumawa.

"Andrus is kind but I like him as a friend, well maangas si cross pero pwede na kaso di rin eh." The she stopped

"What about Grayson?" nagbaba siya ng tingin at bahagyang ngumiti pero di about sa mata. I knew it

"Masyadong matalino, di mareach." Then tumawa siya.

Di na ako nagtanong pa dahil baka saan pa mapunta.

"Alam mo bang matagal ka na naming kilala." Napatingin ako sa kanya

"Huh? talaga?" Kumunot ang noo ko, she nodded.

"Where? I mean how?" I curiously asked

"Basta. Lagi ka naming nakikita malapit sa club house. Since first year tapos ayun nagulat kami kasi pinakilala ka ni Andrus."

"I'm thankful kasi nakilala ko kayo. Who would have thought na magiging kaibigan ko pa kayo." I smile at her

Pagtapos naming mag usap ni Chin ay bumalik muna ako sa building namin dahil nakalimutan ko ang bag ko.

"Wow, so you're here Social Climber hmm." Nagulat ako ng makita si Katrana. It's been months, akala ko di na niya ako guguluhihin.

"You're shocked? Well I see. Alam mo titigilan na dapat kita e, but then may nalaman na naman ako." She's mad, ang sama ng tingin niya sakin

"Nilalandi niya lang naman si Lexon, kat at nakita pa silang nag-uusap sa gym."

Lexon Altamirano is katrana's new boyfriend. Basketball player at sikat rin sa university. Kaklase ni Andrus

"Nagtanong lang siya sa akin kung nasaan si Andrus. I didn't flirt with him or what." I said

"Andrus Lim, yung lalaking puro pearcing kat." Sabi naman ni Jenina ang isa sa mga alipores niya

"He's my boyfriend, kahit tanungin mo pa si Lexon." yumuko ako, akala ko lalabas na sila dahil nilampasan nila ako, nang bigla akong hilahin ni Katrana sa buhok at ingudngod sa sahig.

"How dare you bitch! Boyfriend really? Sa mukha mong yan may papatol? Yuck!"

Tinulak ko siya at ang iba niyang kasama. I can't breathe dammit! Ayoko silang labanan, ayokong mapahamak ang scholarship ko.

"What the hell! Katrana get off her!" Sigaw ni chin at inawat naman sila ni Grayson at Cross.

"Don't touch me! That bitch! Malandi siya!" She said

Maraming tao sa labas ng classroom at nakiki-usyoso.

"Hindi ko nilandi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon