Chapter 28
Sinulit nila ang mga araw na magkasama sila para pawiin ang mga araw na nasayang . Naging legal din sila sa pamilya ng bawat isa.
Hindi maiwasan na may pag awayan ang dalawa lalo na lapitin ng lalaki ang dalaga na pilit naman pinapaintindi sa binata na wlang malisya ang lahat dahil mga kaibigan niya lang sila , naging seloso Si Zen pagdating sa dalaga , hatid sundo nya ang dalaga , bumalik din ang dalaga sa pagiging personal chief ng binata ang kaibahan lang ay kusa ang dalaga sa pag presenta na sya ang magluluto sa kakainin nito na malaking pabor sa binata.
..nag ka LQ pa ang dalawa ng malamang ng dalaga matagal na pala alam ng mga magulang nya na si Zen ang Rp boyfriend nito ." gusto ko lang naman kasi na pag inamin ko sayo okay na ang lahat ..I know mali ako don pero gusto ko lang naman na sila ang unang makaalam na ang kanilang unika hija ay gusto kong ligawan ." Pag papaliwanag nya.
" wag mo ako kausapin " irap nya kay Zen na hawak hawak ang dalawa nyang kamay . Kasalukoyan silang nasaloob ng kwarto nya
" ang oa mo ate " sikmat ni Dylan" gusto lang nyan magpasuyo , pabebe" Dylight na naiiritadong nakatingin sa kapatid. Binigyan nya ng masamng tingin ang dalawang na nakisunod kay Zen sa pag pasuk .Hindi nya alam kung ano kailangan ng tatlo at bakit nandito ito sa loob ng kwarto nya .
" ano , may idadagdag ka pa?" Tanong nya kay Dwight na balak din sanang bumanat kaso naunahan lang nya kaya tinikom nalang nya ang bibig at inosenting binalik ang attention sa phone nitong hawak
" pst" kalabit sa kanya ng katabi
Naiinis nyang nilingon ito" ano?!"
" please wag ka nang magalit mahal "
" hindi ako galit , nakakainis ka lang kasi , nahirapan pa ako mag isip kung paano ko sasabihin sa kanila na may boyfriend ako at iniisip kung ano magiging reaction nila , lalo na si nanay na hilig mangurot sa singit . Tas bigla ko lang malalaman na nag kasundo pa kayong wag sabihin sa akin ang totoo? Mahal naman ."
" sorry na , promise next time hindi na ako maglilihim ..okay? " wala syang nagawa at napatango nalang habang magkatinginan silang dalawa , hindi nya maiwasan hindi mapatawa ng biglang lumabi sa kanya ang binata at pinapungay ang mata para mag pacute sa kanya
"Sira " tampal nya sa dibdib ng binata na kinatawa din nito ,.Samantala ang tatlo nyang kapatid ay nadidiring nakatingin sa kanila.
Ramdam nya ang mga tingin sa kanila kaya dahan dahan nilang nilingon ang tatlo na mariin ng nakapikit at may hindi maipaliwanag na pandidiri sa reaction nila na kala mo masyadong spg ang ginagawa nila
" huy! Dun nga kayo sa kwarto ninyo at dito kayo nakikitambay sa kwarto ko !" Pagtataboy sa kanila.
" no. no." Iling ni Dwight na mariing nakapikit
" ano ba , kwarto ko to e "" wala kaming paki !" Chorus ng tatlo at nagkanya kanya pa silang ayos kung paano sila kakasya lahat.
Wala na nagawa si Hide sa katigasan ng ulo ng mga kapatid kaya sya nalang mag aadjust dahil nakakahiya naman sa mga siraulo nyang mga kapatid.
Napabuntong hininga sya , bumalik ang tingin nya kay Zen ng may ibulong ito sa tenga nya ." I have a surprise for you " kindat nya at hinalikan sya sa pisnge , pasimpli nyang kinirot ang binata sa tyan dahil sa ginawa nito .
" umayos kanga " kagat labi nyang suway kay Zen" what?" Pilyo nyang tanong na nag pipigil na ngumiti
"nasa harapan tayo ng mga bata " bulong nya , pero masyadong malakas ang pandinig ng tatlo at umalma ang bawat isa
" sumusuot na ako ng condom " Daylight
" may ka make uot na ako" Dylan
" marunong na akong gumawa ng bata ate " Dwight
Nanlalaking mata nyang nilingon ang mga kapatid at isa isang pinalo ng unan ! Dahil sa mga kabalastugan nilang nalalaman.........
Ng sumonod na araw , linggo , buwan at hanggang sa naging taon naging busy ang bawat isa , si Hide na busy sa pag aaral si Zen na busy sa pagpapatakbo sa kompanya nito pero kahit ganon ay nabibigyan din nila ang bawat isa ng oras ..kulang man pero sapat na sa kanila.
" Tago , susunduin ka naman ni Zen no? Una nalang ako umuwi ah " paalm ni Ann sa kanya .
Pareho silang BSA ang kinuha maliban kay Aya na CE ang kunoha ang iba naman ay nag military , Criminology ." oo , sige ingat ka sa pag uwi " tango nyang sagot rito at ngumiti.
mag tatatlompong minuto ng nakaalis ang kaibigan pero wala pa din ang binata na susundo sa kanya. May kaba syang naramdaman pero pinagsawalang bahala nalang nya , ito kasi ang unang beses na hindi dumating si Zen sa tamang oras. Dati kasi maaga itong dumadating paglabas palang nya nakikita na nya ang binata na naghihintay sa kanya habang nakapamulsang nakasandal sa sasakyan na may ngiti sa kanya.
Hanggang sa umabot ng isang oras pero walang dumating , paunti unti na ding umamalis ang mga estudyanteng kasabayan nya sa paglabas kanina .Pabalik balik ang tingin nya sa kaliwat kanan dahil baka sakaling makita ang sasakyan ni Zen , tinatawagan nya ang binata pero nakapatay ito
Napabuntong hininga sya at hinilot ang paa dahil sa ngalay. kanina na kasi sya nakatayo hindi naman sya makaupo dahil walang pwedeng maupuan malipan lang dito sa gilid ng kalsada.Hide POV
" asan ka na ba?" Naiinip kong bulong sa hangin.
" bwisit na lalaking yan , sana sinabi nalang nyang hindi ako susunduin !" Bahagyan ko pang naipadyak ang paako sa inis .
Inopen ko ang phone ko tinignan kong may minsahi syang dumating pero ni isang tuldok o ni Hi wala . Nong umaga pa to sya hindi nya nirereplayan mga text ko kahit naiinis ay hindi ko na sya kinulit baka busy lang talaga sya sa trabaho, tama baka busy lang talaga sya.Napagdesesyonan ko nalang mag commute para makauwi.
" o anak, bat ngayon ka lang? Asan si Zen at hindi mo kasama ?" Salubong tanong ni nanay sa akin at sinilip kung may kasama ako
Umiling ako " hindi ako nasundo ni Ryo nay , may biglaan po syang meeting e " dahilan ko nalang , matamlay akong umakyat sa kwarto ko at binagsak ang sarili .
Inabot ko ang bagko at kinuha ang phone sa bulsa nito .
Tinignan baka may text na sya at sa awa ng dyos may message na dumating
.
.
. 8080 nga lang sinasabing expired na load ko , hyst puti pa to marunong mag text pero yung kutong lupang yun hindi marunong magsabi 😤 inis ko itong tinapon sa kama na kinatalbok nito at kinahulog nya sa baba
Biglang nag beep phone ko kaya mabilis kong bumangot at hinanap kung saan na napunta phone ko ng mahanap ko ito ay dali kong binuksan .
Napangiti ako ng malawak ng makita ang pangalan ng mahal ko. Buti naman at may text na sya.From : goriok ( irog ko)
Sorry mahal hindi na kita nasundo , may biglaang kasing meeting tapos naiwan ko pa phone ko sa sasakay , kain ka ng marami , love you mahal take care 😘.Atleast ngayon alam ko na ang dahilan ..😁
Kawawa naman mahal ko siguradong pagod na ito sa trabaho , hatiran ko kaya sya ng pag kain? Fufufu bungisngis ko susupresahin ko sya bukas........................
" Morning mam hide " bati sa akin ng guard ngumiti ako at binati din sya pabalik hindi, mawala wala ang ngiti ko sa labi habang humahakbang sa hagdan papuntang office ni Ryo .
Mag t-two years na kami ni Ryo pero may ilang parin akong nararamdaman pag tinatawag ko syang mahal namula ako sa isiping yun ewan ko hindi pa yata sanay ang tenga ko sa pagtawag nya ng mahal sa akin pati dila ko nadadamay..😅Hinawakan ko ng mabuti ang paper bag dala ko at masiglang tinahak ang daan patungo sa mahal kong binata lol hahah
Hindi na ako kumatok kasi susupresahin ko nga sya diba? Wla din dito ang secretary nya kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto pero agad din napatigil.
.
.
.
.
.
Napatulis ako sa kinakatayoan biglang tumigil ang paggalaw ng paligid ko ang tibok ng puso ko ay bumagal ang dahandahang pagkirot ng dibdib ko .nagtataka ko silang pinanood nagugulohan anong nangyayari? sino ang kasama nya? Hindi ko na namamalayan sunod sunod ng pumatak ang luha sa pisnge ko habang nagproproseso sa utak ko kong ano itoAnong ibig sabihin nito zen?
BINABASA MO ANG
My rp boyfriend is my boss
De Todoprologue * siguro naman iba sa atin ay nakaranas na maging isang RP (role play) kung saan gagawa ka ng account na gagamit ng mga litrato ng mga artista , singer o iniidulong tao. pano kaya kung dalawang taong nainvolve sa loob ng RPW at nailove sa...