Under The Stars: Let's look at the stars together

9 2 0
                                    

"Still waiting for the bus?" tanong sa akin ni Miko na agad ko na nasagot.

"Halata naman hindi ba? Kasi uupo ba ako dito kung hindi ako naghihintay ng bus?" agad na sagot ko sa sagot ni Miko.

"yah, yah you're right, come inside ihahatid na lang kita sa inyo." agad na pag-aya sa akin ni Miko.

"Pero—" magsasalita sana ako pero biglang sumingit si Miko.

"hays tara na arte kapa" sabay ngiti nito sa akin.

wala na akong nagawa kung hindi sumakay na lamang sa sasakyan ni Miko, Gabi na rin kasi hindi na ako makatanggi kahit nahihiya na ako sa kanya tsaka baka ano pa mangyari sa akin dito lalo na kapag ako lang magisa.
Nang maihatid na ako at makauwi sa aming bahay agad na nagpasalamat ako kay Miko.

"Oh ayan na Liane naihatid na kita, Atleast now I know where you live." Sambit sa akin ni Miko.

"Oo nga eh hahahaha thank you sa lahat ngayong araw Michiko ah, pasensya na kung nakaabala ako sa araw mo." Paalam ko kay Miko.

"It's all okay Liane, go right ahead inside so I can go now too." Sagot ni Miko.

Agad na rin akong pumasok at umakyat para magpahinga sa aking kwarto...

"hay! Ansarap talaga sa pakiramdam kapag nakahiga sa sariling higaan, yakap yakap ang ibang mga unan hays." bulong ko sa aking sarili.

Habang naghihintay ako ng antok iniisip ko kung mayroon ba akong nakalimutan na mga gawain sa school na hindi ko pa nagagawa dahil nakalimutan ko, iniisip ko rin kung ano ang mga bagay na memorable sa araw kong ito, Pero isa lang ang biglang pumasok sa isip ko iyon ang kasama ko si Miko buong araw.
Ngayong araw lang kami nagkausap ng maayos, ngayong araw lang din kami nagkasama. Masaya si Miko kasama, ambait niya kahit medyo may pagka-misteryosong pagkatao siya kung una mong makilala. Naenjoy ko buong araw ko noong kasama ko si Miko, Ni hindi man lang ako nakaramdam ng pagkabored nung kasama ko siya. And infareness English speaking yung lalaking iyon. sana lahat ganun Hahahahah.

Habang iniisip ko ito bigla ko na lang din namalayan na napapangiti na pala ako dahil sa mga iniisip ko tungkol kay Miko. Dahil dito napagisipan kong buksan ang bintana, lumabas mula rito at pumunta sa bubong ng aming bahay at kausapin ang mga Bituin.

"Starsis! Ansaya ko ngayong araw, first time ko palang siya makausap and makasama. Hay starsis!! Hindi ko maexpress sa inyong lahat kung gaano ako kasaya eh hays. By the way, hindi ba mga starsis nagwish ako noon na sana may darating sa buhay ko na tutulong sa akin para mas maging masaya ang buhay ko? Ahm starsis si Michiko na ba?..Kung siya nga talaga mga starsis give me a sign HAHAHAH any sign mga starsis. and after that I'll surely sleep na HAHAHAHAH" Masayang tanong at tingin ko sa mga bituin.

"BEEP!BEEP!"
Agad akong napatingin sa ibaba dahil may biglang bumusina sa harap ng aming bahay.
At nang tignan ko si Miko ito. Agad naman akong pumasok sa aking kwarto at bumaba para kausapin si Miko na nasa labas.

"Oh Miko bakit nandito ka?" Tanong ko kay Miko.

"I'm just here to see you again, is it bad to see you again Liane?Hahahah and also I can't sleep kasi at my house, If pwede sana makistay muna sa inyo in a while." Tanong rin sa akin ni Miko.

"ahmm—" pagdadalawang isip ko.

"Uuwi naman ako kaagad Liane, hindi rin ako katulad ng iniisip mo na masamang tao." Sambit ni Miko sa akin at sabay ngiti nito sa akin.

Under The Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon