Under The Stars: Who's That Guy?

15 2 0
                                    

Nung ako ay naglalakad papuntang Computer Shop, Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko ang Text Message sa akin lng lalaki kagabi at bigla rin pumasok sa isip ko kung kamusta kaya ang lalaking nakabanggaan ko kaninang umaga habang ako ay papasok. Hindi ko alam at bakit lubos akong napapaisip sa mga bagay na iyon. Nang ako ay malapit na sa Computer Shop natanaw ko sa may bandang Kanan sa harap ng isang restaurant may isang lalaki na mayroong ipinapakita sa mga taong napapadaan sa kanya. Parang may tinatanong siya sa bawat taong napapadaan sa kanya. Hindi ko rin napigilang lumapit dahil baka ako ay makatulong sa lalaki at baka ito ay naghahanap sa mga nawawala niyang mahal sa buhay kahit na ako ay nagmamadaling pumunta sa computer shop para gawin uli ang aking isang pahina na nawala sa aking assignment.

Nang ako ay papalapit sa lalaki tinignan niya ako sa mga mata ko na parang magkakilala na kami ng matagal na. Hindi ko alam kung bakit parang gulat na gulat na parang ewan kung makatigtig siya sa akin. Binalewala ko na lamang iyon at nagtanong kaagad kung ano ang nasa papel niyang hawak at baka ako ay makatulong sa kanya.

"Ahmm, Excuse me kuya ano po meron sa papel na hawak niyo may nawawala po ba kayong kamag-anak? baka makatulong ako kuya." mahinhin kong tanong sa Binata.

Nakakailang man ang aking ginagawa, mas naiilang ako sa pagtingin nito sa aking mukha.

"Ahmmm kuya? okay ka lang po?" tanong kong muli sa binata.

"A-a-ahm, Ikaw ba yung babae na nakabanggaan ko kaninang umaga?" Tanong nito sa akin.

"ah hahaha, Kayo po ba yung lalaki na—"

"Oo ako nga, ako nga. Naalala ko pa kasi yung mukha mo kanina, at ikaw nga.. Ahh by the way sa iyo ito hindi ba?"

Agad na inabot sa akin ng lalaki ang papel na kanyang hawak hawak.
Noong makita ko ang nakasulat.

"WAAHHH!, Kuya bakit na sa iyo ito? alam mo bang hindi ko kaagad naipasa ang assignment ko dahil dito sa nawawalang page na ito??"

"Ah Miss kasi iyan yung naiwan mo kanina noon iaabot ko pa lang sana sayo ang kaso nakasakay ka na ng bus, sinubukan kong tawagin ka pero hindi mo na ata ako naiintindihan." Paliwanag ng lalaki.

"Ahhhhhhhhh okayy. Kuya salamat talaga ah kung hindi siguro ako lumapit dito hindi ko na makikita ito salamat talaga kuya!!" Pasasalamat ko sa lalaki.

"By the way, I am Michiko Hirai, Miko na lang itawag mo sa akin." pagpapakilala ng lalaki sa akin at inabot nito ang kanyang kamay para makipag shake hands sa akin.

"Nice to meet you Miko, I am—"

"Liane Sakamoto, I will call you Liane"
sabay ngiti nito sa akin at siya na rin mismo ang umabot sa kamay ko para makipag shake hands.

"Teka paano mo nalaman ang pangalan ko? stalker ka ba?" Agad na tanong ko kay Miko.

"Hahahahaha it is in that paper." sagot ni Miko sa akin.

Agad ko namang tinignan kung may tama ba ang sinabi ni Miko at kung nakasulat nga ba ang pangalan ko sa papel.

"Hahahahaha oo nga sorry." Pangiti kong sagot kay Miko.

Pagkatapos naming magusap tinignan ko ang oras at nagpaalam na ako kay Miko dahil ako ay magpapasa pa sa aking Prof na nagaantay sa akin sa kanyang office hanggang 7:00.

Under The Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon