UNO: The New Beginning

30 4 4
                                    

"The secret to a rich life is to have more beginnings than endings.."

-Dave Weinbaum

---------

Selene P.O.V

"Mars!! Mars!! Yooohooo Mars!!" Sigaw ni Herman sa umaga, Hermina sa gabi. Siya ang nag iisang matalik kung kaibigan, simula nang ako'y magising sa mahabang pagkahimlay ko. Chos lang! Drama agad teh?! Haha

"Ano ba?! Ang aga mo namang nambwisit dito sa amin. At nakakaistorbo ka sa mga kapitbahay namin dito Herman!!" Sabi ko sa kanya habang pinanlalakihan ko siya nang mata ko. "At magigising ang mga bata dahil sa boses mong basag. Ano ba ang kailangan mo at aga mo ata nambwisit dito?" Pagpapatuloy kung sabi sa kanya.

"Una sa lahat Mars, magandang umaga din sa iyo. Hmp!!" Aba! Siya pa ang may ganang magtaray, siya na nga ang nagdisturbo nang kaaga aga. Ipahabol ko kaya ito kay pulgoso. Si pulgoso po ay isang aso, aso naming nagbabantay sa likod bahay namin. "Well, anyways andito lang naman po ako para mag bigay nang raket sa iyo." Pagpapatuloy niyang sabi sa akin.

"Ano klaseng raket naman iyan? At talagang inagahan mo ako dito." Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba muna ako papasukin Mars? Pwede naman natin pag usapan sa loob at nang maka upo ako noh. Ay aba! Masisira ang beauty ko sa iyo, Selene!" Hala! Nag drama ang pa ang bakla. Hay naku! Ba't ko ba naging kaibigan ito? May topak at sapak sa ulo. Hinila ko siya sa maliit naming sala at pina upo siya. "Wala din bang offer na juice diyan Mars?" Aba! Demanding din ang baklang ito ah.

"Ako ba ay pinagloloko mo Herman ha?? Baka gusto mo, lasunin na lang kita at matigil ka na sa kaartehan mo. Sabihin mo na nga yung pakay mo dito at nang makalayas ka na dito." Inis na sabi ko sa kanya.

"Mars? Meron ka ba ngayon? O menopausal stage mo na? Hahaha. Ang init kasi nang ulo mo....Oh! Oh! Oh! Relax Mars!" Sabay takip nang dalawa nang kamay niya sa mukha niya, kasi aakmang itatapon ko sa kanya ang hawak kung walis tingting. "Goooshh! Masisira ang fes ko niyan. Bitiwan mo yan!" Di pa rin niya inaalis ang kamay niya sa mukha. "Ito na! Ito na! Sasabihin ko na. Init nang ulo mo."

Talagang mainit ang ulo ko ngayon kasi hindi ko alam kung saan ako kukuha o makakahanap nang pera pambayad nang exam nang mga anak ko. Naloloka na ako sa kakaisip. Hay naku!!

Gusto ko isipin na ang malas ko, pero pag naiisip ko ang mga anak ko sobrang swerte ko naman dahil sa kanila. Ako nga pala si Selene Santillan, hindi ko nga alam kung iyan talaga ang totoo kung pangalan. Because when I woke up, I'm already in the hospital and I can't remember my past and who I am. But for the shocking part is I'm comatose in past six months and Im fucking pregnant for more than seven months. Sino ba ang hindi magugulat sa sitwasyon kung iyon.? Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari sa akin bakit ako nagkaganun.

Nagising na lang din ako na kasama ko na si Herman. Sila nang magka anakan niya ang nakakita sa akin palutang lutang sa dagat bandang Cebu. Hindi din nila alam kung ano ang nangyari kaya pinasya nilang isugod ako sa hospital noong panahon na yun. Tulala ako noong nagising ako hanggang sa nanganak doon muli ako nabuhayan. Narinig ko ang unang iyak nang aking mga anak. Oo, mga anak. Because I give birth, a twins. Si Ezekiel ang naunang lumabas at kasunod ang aking babae na si Hyacinth. Buhok nga lang ata ang nakuha nila sa akin at ang mata ni Zeek but the rest of the features, sa ama nila nakuha. Hindi ko nga din alam kung may asawa ba ako. Hanggang ngayon palaisipan pa rin ang nangyari sa akin noon. Kung ano ba ang tunay na nangyari. Kahit hanggang ngayon wala pa rin ako maalala o sadyang ayaw Niya nang ipaalala sa akin dahil baka masaktan lang ako. Ewan ko ba, minsan gusto ko sana maalala ko ang nakaraan pero may parte din sa isipan ko na ayaw ko. Ang gulo noh?

Missing LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon