DOS: We meet again... Cai

20 4 2
                                    

"The story of life is quicker than the blink of an eye. The story of love is HELLO and GOODBYE, until we meet again.. "

-------------------------

Selene POV

"Ano ba bakla?!! Itikom mo nga uang bibig mo, ang ingay-ingay mo! Nakakahiya sa mga guest oh. Parang ngayon ka lang nakakita nang ganitong lugar ah. Tsk!" Sita ko kay Herman habang papasok kami sa Hotel. Totoo namang nakakahiya ang ginagawa niya. Kulang na lang lumuhod siya at halik-halikan ang lugar na ito. Paano ba naman, wala na siyang mukang bibig kundi, maganda ito, maganda doon at maganda dito. Haist! Siya na ang hindi marunong magtago nang excitement sa katawan. Aba'y wala na din ginawa kundi picture dito at picture doon.

Totoo naman kasi na maganda ang lugar. The place is indeed beautiful. It's like a paradise. Nakakaalis lang problema ang ganda nang lugar. Sariwa ang paligid, dahil na din sa matatayog na puno at magagandang bulaklak na nakapalibot sa isla. Pinong mapuputing buhangin at ang mala bughaw na karagatan. Sabi nga nang isang turista dito, "it was a breathtaking place." Kaya nga kahit ako, napalabas ko bigla ang aking DSLR para lang kumuha nang magagandang pictures. At habang ginagawa ko yun, parang pakiramdam ko ay masyadong pamilyar ang lugar na ito para sa akin. The place is so familiar to me. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita ito o baka narinig ko lang din. The ambience of this place can give you a relaxing moment. Sabi nga din nila ang M Hotel din ang dinadayo nang mga turista dito, at hindi na ako nagtaka dun kasi totoo ang sinasabi nila.

Habang papasok na kami sa hotel hindi pa rin tumitigil si Herman sa kakasalita, kung gaano kaganda ang lugar na ito.

"Ay! KJ mo talaga ano? Ninanamnam ko lang ang lugar Mars. Sa ganda ba nito, hindi mo aakalaing na may ganito sa Pilipinas noh. Tsaka! Walang ganito sa Maynila kaya lubos-lubusin na natin ito." Sabi niya.

Iling na lang ang ginawa ko sa mga sinabi niya. Ang akin lang naman, eh wag masyado malakas ang boses. Para kasing nakalunok nang mega phone dahil sa lakas nang boses niya. Ayan tuloy pinagtitingan kami dito.

Papasok na kami nang nagsalita ulit si Herman. Kasunod din namin kasi ang mga staff na kasama namin galing sa Maynila.

"Mars, ang yaman nang may hawak na project na ito noh. Kasi, dito niya pa naisipan ang photo shoots. Pwede naman sa Maynila na lang. Tsaka! Ito pa ha. Confidential pa ang mga model. Hmmmn?? Sino kaya ang magiging model mo.?" Tanong niya sa akin. Kahit ako iniisip ko din kung sino ang magihing model sa gagawing project na ito. Kasi, kahit konting detalye nang project na ito ay hindi ipinaalam ni Sir Matt sa amin. Dito na daw namin malalaman ang lahat-lahat.

"Aba'y! Hindi ko alam. Lahat tayo dito ay clueless. Unless na lang nagpapanggap ka lang na hindi mo alam." Sabay tingin ko sa kanya at nanlaki ang mga mata niya.

"Kung alam ko, ehdi sana sinabi ko na saiyo at para mapaghandaan mo ito. Kasi alam ko ito yung first break mo. Ikaw babae ka kung mag isip para ewan din ano." Sabay irap niya sa akin.

Alam ko namang, wala ding siyang alam. Hahaha. Ang sarap lang kasi asaron nang baklang ito.

"Tsk! Binibiro ka nga lang diyan. Sineryoso mo naman." Sabi ko.

Nang nahinto kami sa front desk ay doon ko din napansin ang ganda nang loob nang hotel. As in! Wow! Bahala na sabihan niyo akong OA pero ang ganda talaga nang interior design nang hotel. Ang galing nang interior designer niyo. It's like a modern Mediterranean style na may touch of classical. Ang sarap tingnan sa mata. Naputol lang ang paghanga ko nung nagsalita na ang babae sa front desk.

Missing LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon