TRES: Confused

19 4 1
                                    

"You can't follow your heart when it is more confused than to your head.."

-------------
Selene POV

Someone in my back, is keep saying Cai. I don't know why I having this strange feeling in myself. I just have this feeling that the man in my back who's calling the name is pertaining to me. Weird, but I'm hoping that is me. Para akong sira dito. Plus, the voice that I'm hearing right now is familiar to me. I don't know where I heard that before but I know I've heard that already.

Naputol ang pag iisip ko nang biglang nagsalita si Manager Steff sa harap ko. Napasobra ata ang pag iisip ko at nakalimutan kung may kausap ako. Pinag uusapan kasi namin kung anong klaseng theme ang gagawin sa photo shoots. The theme was the nature innocent. Muntik pa nga ako matawa kasi naman sa lahat pa nang maisipan iyan pa. Kaya pala dito ang site eh.

Nagulat din ako bigla dahil bigla akong hinawakan sa braso nang lalaki na kanina lang tawag nang tawag sa pangalang Cai ba iyon. Ay ewan! Pero, isa din sa ikinagulat ko parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko nang hawakan ako nang lalaking ito. Bigla akong kinabahan na di ko malaman ang dahilan. It's sound weird again but this feeling is so familiar again. Ano ba ito??! Naloloka na ba ako?! Gusto ko na sanang harapin kung sino man ang may hawak nang akin braso pero parang may pumipigil sa akin na harapin siya. While I'm thinking those things in my mind. Ms. Steff, speaks.

"Andrei?!! Ano ang ginagawa mo??! Bitiwan mo nga si Selene." Pabulong niyang sabi dito. Ahh? Andrei pala ang pangalan niya. Isa na namang pamilyar sa akin, ang pangalan na tinawag ni Ms. Steff na Andrei. Nalilito na ako sa feelings ko na ito. Di ko alam bakit ako nakakaramdam nang ganito ngayon. Feeling ko, sasabog na ako ano mang oras. Pigil hininga pa rin akong nakikiramdam kung ano ang susunod na gagawin nang humahawak sa akin.

Dumaan ang ilang minuto parang ayaw pa rin sumunod nang lalaking ito kay Ms. Steff. Kaya ang ginawa ko ay humarap na ako kasi, masakit na din ang pagkahawak niya. Ang higpit din kasi makahawak, feeling ko tuloy ayaw niya na akong pakawalan. Nangarap din ang lola niyo teh. Ipinilig ko na lang ang ulo ko kasi, kung anu-ano na din ang naiisip. Juice ko naman! May mga anak na ako, ngayon pa ako lumandi noh. Tsk!

Humarap na ako sa lalaking may hawak sa akin at isa din sa ikinagulat ko ang itsura niya. My gosh! Makalaglag panty ang kagwapuhan nang lalaking ito. May pagka chinito ang mga mata, matangos ang labi at mapupula ang mga labi. At mala Adonis ang katawan, ilang packs kaya ang meron itong lalaki na ito. Pwede kaya hawakan. Oh juice ko day!! Nagiging pervert na ako agad. Bigla akong napakurap nang makita ko siyang ngumiti nang bahagya. Gaano katagal kaya ako nakatitig sa kanya? O tama bang sabihin ilang minuto ko kaya siya pinagpantansyahan. My goossh! Nakakahiya. Ano na lang ang sasabihin nang mga anak ko nito pag nalaman nila may pinagnanasahan akong lalaki.

Tumikhim na lang ako at nagsalita. "Ah, Sir? Pwede niyo po bang bitawan na ang kamay ko.?" Ang ngiti na nakita ko sa kanya kanina ay napalitan nang di ko malamang masamang aura. At parang kakainin niya ako nang buhay. Lalong humigpit ang pagkahawak niya sa akin, at napangiwi na lang ako sa sakit.

Nagsalita na ulit sa kanya si Ms. Steff.

"Andrei!! Ano ba?! Bitiwan mo na siya!! Ang dami nang nanunuod oh. Kung may problema ka sa kanya pag usapan niyo ito sa loob! Wag dito. For God sake!! May reporter na oh!" Inis na bulong niya sa lalaking kaharap ko. But wait!? Anong atraso o problema? Kakakita ko lang sa gwapong nilalang na ito. Magkakaatraso na agad. Ano yun?? Instant noodles??

Sumabat na din ako kasi masakit na talaga ang pagkahawak niya sa aking braso. "Ah Sir? Paki bitiwan niyo na po ang braso ko kasi masakit na siya talaga." Pakiusap ko na sabi. At bigla naman nanlambit ang ekspresyon niya sa mukha. Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko. At nhng nakita niyang namumula ito bigla ulit niyang hinawakan, pero ingat na ingat siya. Para bang babasagin na bagay ang aking braso para sa kanya.

Missing LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon