Chapter 3

429 21 2
                                    


Kusang kumunot ang noo ko. Binigyan ko siya nang naguguluhang tingin nang marinig ko sa kaniya ang mga bagay na 'yon Sa pamamagitan ng mga tingin ko, hinihingi ko ang paliwanag niya. Matagal kaming nagkatitigan. Pero imbis ibigay niya ang kasagutan na hinihingi ko, ay bigo ako. Binawi niya ang kaniyang tingin at humiga. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. While me? I frowned beacuse of that! I rolled my eyes up and hold my hips. Marahas akong kumawala ng buntong-hininga. Ayan na, sinabi niya sa akin kung bakit siya naririto sa Pinas pero bakit kailangan pa niyang ibitin pa ako?!

"Don't tell me, idadaan mo ako sa tulug-tulugan, Arabo?!" naiinis kong tanong sa kaniya.

"We need to get some sleep tonight, Verity. Maaga tayo gigising bukas dahil tutulak na tayo patungo sa Sorsogon." kalmado niyang sabi.

Ngumiwi ako. Sa huli ay wala na rin ako magawa kungdi matulog nalang din. It makes sense. Maaga nga naman talaga kami pupunta ng Sorsogon kung nasaan ang isa pa niyang Charity work. Oh damn, I miss my cousins already! Nakakainis, baka wala na ako sa happenings na meron sila sa Manila o sa Cavite ngayon! Hangga't naririto pa ang prinsipe na ito, wala akong night life. Wala ding alak! No boys allowed! Dahi paniguradong isusumbong ako ng lalaking ito kay Vander ahia! Patay ako doon! Damn it!

**

Ipinagtataka ko lang kung bakit kaming dalawa nalang ni Ramey nang nakarating na kami ng Bicol. Noong humiwalay na kami kina Zvonimir ahia at Lyndy ay may mga kasama pa kami. Pero bakit ganoon?! Anong nangyayari? Ayoko sanang isipin na humiwalay ang mga ito nang sadya. O dahil hindi na nila kami nasundan pa nang hindi namin namamalayan?

"Ramey!" malakas na tawag ko sa kaniya habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Tumigil siya't lumingon sa akin. Hawak-hawak niya ang kaniyang cellphone. Mas lumapit pa ako sa kaniya. Nahagip ng aking paningin na wala nang buhay ito. "Hindi ko na nakita ang mga kasamahan natin dito!"

"Yeah, hindi ko na nga rin sila makita." iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. "Do you have your phone? Kontakin natin sila." suhesyon pa niya.

Umawang ang aking bibig. Oo nga pala. Bakit hindi ko naisip ang bagay na 'yon? Agad ko dinukot mula sa bulsa ang aking high-waist shorts ang aking telepono. I-unlock ko sana ito pero napasinghap ako nang makita kong lowbatt na din pala ako. Kusa na itong namatay! Nagkatinginan kaming dalawa. Napabuntong-hininga siya, habang ako naman ay napahilamos ng mukha. Damn, wrong timing naman ang paglowbat ng cellphone ko!

"Hindi na yata uso ang payphone dito." seryosong sambit ko nang iginala ko din ang aking paningin sa paligid.

"Mukhang may event dito." bigla niyang sabi.

"Huh?"

Tumingin siya sa akin sabay turo niya sa mga tarpaulin na nakasabit sa mga poste. Binasa ko ang nakasulat doon. Peñafrancia Festival, eh? Wait, kung sa Cebu may Sinulog, ang Iloilo naman ay may Dinagyang, ang Baguio ay may Panagbenga, so dito sa Bicol region may Peñafracia? So malaking event ang magaganap sa lugar na ito?

"Bago ka magsaya d'yan, ang mabuti pa, maghanap muna tayo kung saan tayo tutuloy ngayon. Alam mo ba kung saang Barangay tayo pupunta para sa Outreach Program mo?" kunot-noo kong tanong sa aking kasama.

Ngumiwi siya, he crickled his nose. "Sorry, but I forgot."

Ibinuka ko ang aking bibig. Marahas akong kumawala ng malalim na buntong-hininga. "So we're done!" I exclaimed. "Hindi bale, once nakapagcharge na ako ng phone, we can get it through. So for now, maghanap na tayo ng matutulog kahit pang overnight lang."

"Alirght." he agreed.

Malalaking back pack ang mga dala namin ni Ramey. Medyo kinakabahan ako dahil maski ako ay hindi ako pupunta sa isang hotel na walang reservations. Hindi ako sanay sa walk in kaya fifty-fifty kami ngayon, Kahit na sabihin naming isa ako sa mga anak ng kilalang Chef at Businessman Magnate na si Vladimir Hochengco at isang literal na prinsipe si Ramey, hindi parin namin masisiguro kung mapapayagan ba kami sa magstay. Oh, damn. Bahala na nga! Ang importante sa ngayon ay dala naman kaming cash, even card to survive in this kind of Hell!

Hit and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon