Chapter 7

343 7 0
                                    


Sinuot ko ang aking sunglasses habang nakaharap sa full-length mirror. Ginawaran ko ng isang matamis na ngiti ang aking sarili. Sunod kong ginawa ay pinag-aralan ko ang aking sarili. Tama na siguro itong suot ko para sa araw na ito. Isang simpleng printed shirt, skinny jean at rubber shoes. Nakapusod din ang aking buhok. Nang makuntento na ako sa aking nakikita ay kinuha ko ang body bag na nakapatong lang sa ibabaw ng kama. Nilapitan ko 'yon saka isinuot. Dinaluhan ko naman ang pinto upang pihitin 'yon hanggang sa nakalabas na ako ng kuwarto. Naglalakad ako sa hallway ng Hochengco Mansion. Nakakasalubong ko ang mga maid, tumitigil sila para batiin ako. Binati ko rin naman sila pabalik na hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi.

Tumigil lang ako nang marating ko ang grand staircase. Humawak ako sa wooden railings. Bumungad sa akin si Ramey na simple ang suot. Naka-printed shirt din siya at nakapantalon. Naka-high cut rubber shoes, tanging relo lang sa kaniyang pulsohan ang accessory niya sa katawan. Kasalukuyan niyang kinakausap si Vander ahia dahil malapit na kaibigan niya ito. Mas lumapad ang ngiti ko dahil tumitingkad pa rin ang kaguwapuhan niyang taglay kahit na napasimpleng damit lang ang suot niya.

Nagpasya na akong bumaba sa hagdan hanggang sa nakalapit na ako sa kanila. Tumigil sila sa pag-uusap at nakuha ko ang kanilang atensyon. Lumingon sa akin si Ramey na malapad ang ngiti sa kaniyang mga labi, mas lalo lumapad ang ngiti ko. Alam na kasi ng angkan na boyfriend ko ngayon ang Arabo na ito. Tulad ng inaasahan ko, nakuha ko ang suporta nilang lahat, lalo na sina mama at baba. Tanging hinihiling lang nila kay Ramey ay alagaan at protektahan ako tulad ng ginagawa ng angkan sa akin. Kahit ang Grande Patriarch na si angkong Damien ay nalaman din niya ang pakikipagrelasyon ko kay Ramey. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi siya tutol. Kahit ang ibang angkong namin.

Sabay silang tumayo nang tuluyan na akong nakalapit sa kanila.

"Hi," malambing kong bati kay Ramey.

"Gorgeous." kumento niya sa akin. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti na palagi kong nakikita sa kaniya.

"Siguro ba kayo sa mga balak ninyo, Ramey, Verity?" tanong ni Vander ahia sa amin. "Pupwede naman kayong magdate kahit na dala ninyo ang sasakyan."

Ngumuso akong bumaling kay Vander ahia. "Ahia, nagpromise na kami sa isa't isa. Gusto namin pareho na makaranas kung anong ginagawa ng mga common couple. At saka, adventure na din ito." kumindat pa ako.

Humalukipkip siya. "Iniisip ko lang, pareho kayong public figure." dagdag pa niya.

Bumagsak ang magkabilang balikat ko. "Kaya nga simple lang ang mga suot namin, para hindi kami agad makilala. Lalo na itong si Ramey. Ano pang silbi na nag-diguise kami, hindi ba?" giit ko pa.

Kumawala ang malalim na buntong-hininga si Vander ahia. "Basta mag-iingat kayong pareho. Kapag pareho kayong napahamak, responsibilidad ko kayo." sa tono ng pananalita niya, parang sumusuko na siya sa kakulitan ko. Sumilip siya sa kaniyang relo na nasa kaniyang pulsuhan. "Anyway, I gotta go. I have meetings to attend to. If there's any problem, let us know right away. Alright?" paalam na niya sa amin.

"Of course, kuya. Thanks! Ingat ka din sa pagpasok sa office."

Tiinalikuran na niya kami. Naglakad na siya palabas ng Hochengco Mansion, nakasunod naman sa kaniya ang dalawa niyang bodyguard. Hinatid siya ng mga ito patungo sa sasakyan nito hanggang sa nakaalis.

Bumaling ako kay Ramey. "So..." I trailed off. Bumaling siya sa akin. "Let's go?" I said suggestively.

Tumango siya bilang pagsang-ayon. Bago man kami umalis ay marahan niyang hinawakan ang isa kong kamay. Pinisil niya iyon na akala mo ay ayaw niyang bitawan 'yon. Tanging matamis na ngiti ang umukit sa aking mmga labi nang gawin niya 'yon. Bakas sa mga mukha namin ang excitement para sa araw na ito. Hindi na rin ako makapaghintay kung anong klaseng date ang magagawa namin ngayong araw.

Hit and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon