Chapter 10

325 12 0
                                    


I rub my palm on my forehead while listening a sermon. Lumipat sa bewang ko ang kamay ko, habang naman ang isang naman ay hawak pa rin ang telepono. Ilang beses na rin ako pumaparito't pumaparoon. Hindi ko na nga alam kung halos naikot ko na ang buong hotel room habang pinapakinggan ko ang sermon ng aking nakakatandang kapatid. I'm still wearing a racer back shirt and a sweat pants. Ilang beses na din ako kumawala ng malalim na buntong-hininga at inikot ang aking mga mata.

As my expected, nalaman na nga nila ang eskandalo na kinasangkutan ko. I know this is not a proper way to be a heiress like me, pero anong magagawa ko? Napundi ako sa mga pinagsasabi ng Olivia na 'yon! I think she use this fcking opportunity to break me! Lakas mainggit ang isang 'yon sa akin! At hinding hindi ako makakapayag na batuhin niya ng kung anu-ano na laban kay Ramey!

"Do you understand, shobe?" seryosong tanong sa akin ni Vander ahia.

I rolled my eyes once again. "Shi (Yes), ahia." tamad kong tugon. Binaba ko na ang tawag saka hinagis ang cellphone sa kama na siya naman ang pagpasok ni Ramey dito. Lumingon ako sa kaniya na nakapameywang.

"Nakausap mo na ba siya?" nag-aalala niyang tanong.

Tumaas ang mga kilay ko at nagbuntong-hininga. Umupo ako sa gilid ng kama. Tumabi siya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. Marahan niya iyon inilipat sa kaniyang kandungan. Tumingin ako sa kaniya. "As usual, he got mad. Lalo na't nasa media na naman ang pagmumukha ko." at saka umismid ako. "Hindi na bago sa akin 'yon."

"I see." kumento pa niya. Hinalikan niya ang likod ng aking palad. "Kailangan muna natin pahupain ang isyu."

Dahan-dahan akong tumango bilang pagsang-ayon. Totoo, kailangan kong pahupain ang eskandalong nagawa ko bago ako bumalik ng Pilipinas. Tulad ko ay isa din si Olivia sa mga high grossing top models in this generation. Wala naman akong naramdamang inggit sa kaniya, sadyang naiirita ako sa kaniya kapag magsasalita siya ng mga bagay-bagay na wala naman kakwenta-kwenta, tulad ng sinabi niya tungkol kay Ramey. I am fully aware Ramey is a Muslim, hindi maiiwasan 'yon. Tila hindi sumagi sa isipan ko ang bagay na hindi lang ako ang magiging babae sa buhay niya. Pwede kong aminin na ayoko ng ganoon. Hindi ko kakayanin. May history na kami sa ganoon, ayoko lang maulit pa.

"And I think, this is the right time." bigla niyang sabi.

Umukit ang pagtataka sa aking mukha. "What do you mean?" nabubuhay ang kuryusidad sa aking sistema.

Bumaling siya sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. "You're coming with me." pahayag niya. "Isasama kita sa lugar kung saan ako lumaki. Sa Abu Dhabi. Ipapakilala na kita sa magulang ko."

Umawang ang aking bibig sa kaniyang sinabi. Hindi makapaniwala at nawindang. Pakurap-kurap pa ako bago ulit ako nagsalita. "S-seryoso ka ba d'yan?" nauutal kong tanong.

Kaswal siyang tumango, para bang wala lang sa kaniya. "Oo, and besides, ikaw ang gusto kong pakasalan. Wala naman masama kung ipapakilala kita sa magulang ko, pati na din sa iba pa naming kamag-anakan. Para naman malaman kung sino ang gusto ko."

Lumunok ako ng matindi. Bigla na akong ginapangan ng kaba. Bumilis ang tibok ng aking puso. Gustuhin ko man tumanggi ay ayoko naman siyang madismaya. Kung kaya ang tanging magagawa ko lang ay tumahimik.

Bukod pa doon, marami nang bumabagabag sa isipan ko. Kung kaya, ngayon pa lang kailangan ko nang paghandaan na harapin ang katotohanan kung sakaling tumapak na ako sa lugar niya.

**

Tulala ako nang nasa harap ko na ang isa sa mga Palasyo na kung tawagin nila ay Qasr Al Watan na matatagpuan dito sa Abu Dhabi. Sa totoo lang, ito ang unang pagkakataon na makakarating ako sa isang Palasyo, maliban nga lang sa Imperial Palace sa Tsina dahil madalas kaming nagbabakasyon doon. Pero dito, hinding hindi ko maitanggi ang paghanga na nararamdaman ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hit and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon