Chapter 9

267 7 0
                                    


Medyo tamad pa ako habang pababa ako ng grand staircase. Hindi ko na matandaan kung anong oras na kami nakauwi ni Ramey, siguro ay dahil ramdam ko ang tama ng alak sa aking katawan. Nagising nalang ako na nasa Hochengco Mansion na kami at nasa kuwarto na ako. Saka ko nalang siguro tatanungin si Ramey kung ano ang nangyari pagkatapos namin pumunta Bar mamaya sa oras na makasalubong ko siya. Sa ngayon ay medyo masakit ang ulo ko at kailangan ko ng mainit na pagkain saka ng gamot para mawala ang sakit ng ulo kahit papaano.

Papunta na sana ako ng Dining Area nang nakasalubong ko sina Vesna at Eilva na tila kanina pa ako hinihintay ng mga ito. Agad nila ako dinaluhan sabay hawak nila sa magkabilang braso ko. Hinatak nila ako kung saan, imbis marating ko ang dapat na destinasyon ko ay naudlot pa't napadpad kami sa Library. Pagpasok namin ay si Eilva naman ang tarantang nagsara ng pinto. Nilock pa niya 'yon. Kunot-noo akong bumaling kay Vesna, nagtatanong ako sa pamamagitan ng aking tingin ngunit hindi pa niya ako sinasagot.

Nang daluhan kami ni Eilva ay doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin sila. "Anong meron?" nanatili pa rin akong nakatayo.

Humarap sa akin ang dalawa at pinanlalakihan nila ako ng mga mata. "Loka-loka ka, hindi mo ba natatandaan kung anong ginawa ninyo ni Ramey kagabi?" si Eilva ang nagtanong.

Tumalikwas ang isang kilay ko. Nanatili pa rin akong naguguluhan sa nangyayari. "Bakit ba? Sabihin ninyo na agad, ayoko ng pasuspense, okay? Bilisan ninyo na din dahil masakit ang ulo ko. . ." sabay sapo ako sa aking noo.

"Naghalikan lang naman kayo ni Ramey, in public pa!" bulalas pa ni Vesna.

Oh, I see. Natatandaan ko pa nga ang eksenang 'yon. "Akala ko kung ano na. . ." I said nonchalantly saka umupo ako sa bakanteng couch na nasa likuran ko lang. Tumingala ako sa kanila. "Eh bakit gigil na gigil kayo? Anong masama doon?"

Umupo din silang dalawa. Pinagigitnaan nila ako. "Alam naman naming kayo na, pero hello? Bakit in public pa kayo naghalikan? Maraming nakakita. Kalat na ang balita, Verity." wika ni Vesna. "At dahil d'yan, galit na galit si Vander ahia dahil sa ginawa mo, hello?"

Tumingin ako sa kaniya na mas lalo kumunot ang noo ko. Wait, what? Galit si Vander ahia dahil sa ginawa namin? Parang noong una lang, botong-boto siya kay Ramey para sa amin tapos bigla siyang magagalit? Ano naman problema ng isang 'yon? He's supposed to be happy for us, pero bakit ganito? Anong big deal ng isang 'yon?

Tahimik akong tumayo. Nilayasan ko ang dalawa. Tinawag pa nila ako pero hindi ako nag-abalang tumingil at lumingon sa kanila. Dali-dali akong lumabas sa Library. Hinahanap ko si Vander ahia kung nasaan siya ngayon. Sa pagkakaalam ko, mga ganitong araw at oras ay nasa Garden siya ngayon. May mga times lang kasi siyang hindi pumapasok sa kumpanya at ginagawa niyang rest day pero patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. Hindi ko makuha kung rest day ba ang tawag niya doon? Oh wait, wala din ba silang date ngayon ni ate Shantal ngayon?

Mabibigat ang bawat hakbang ko habang papunta ako sa Garden. At tama nga ang hinala ko. Natatanaw ko si ahia na abala sa kanilang binabasang libro. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya. Mukhang naramdaman niya ang presensya ko, tumingin siya sa aking direksyon sabay itiniklop niya ang hawak niyang libro. Tuluyan akong nakalapit as kaniya. Tumingala siya sa akin at binigyan niya ako ng isang pa-cool na tingin.

"Sabi sa akin nina Vesna at Eilva, galit ka daw. I'm wondering why? Why you give this a big deal? What's the matter?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya.

"I should be the one who will ask regarding on that, Verity." kalmadong turan ni ahia. "Why did you do that?"

Kumunot ang noo ko. "Do what?"

"Bakit ninyo ginawa ni Ramey 'yon? In public place pa. Really, shobe? Baka nakalimutan mo, prinsipe ang kasama mo?" mas lalo naging seryoso ang tono ng pananalita niya.

Hit and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon