Chapter 6

423 15 1
                                    


Hindi maalis ang tingin ko kay Ramey. Nanatiling tikom ang aking bibig. Sige pa rin ang pagngiti niya habang nagpapatuloy pa rin siya sa pag-uusap na hindi ko na rin masundan kung ano na ang mga sinasabi niya.

Nang matapos na ang aming pag-uusap. Gumawa pa ako ng alibi na lalapitan ko na muna ang iba pa naming pinsan, especially my close cousins Eilva and Vesna na naabutan kong nagkukwentuhan. Naputol lamang 'yon nang makita nila akong papalapit sa kanila. Sinalubong nila ako ng matamis na ngiti.

"So, you finally bring a guy, huh?" si Vesna na may kasamang makahulugan na ngisi. "Seryoso na ba 'yan?"

I shrugged. "Manliligaw daw, eh. Then I have no choice." kumuha na rin ako ng glass wine sa may lamang champagne. Uminom ako ng kaunti doon.

"Verity, hindi na basta-basta ang manliligaw mo, hoy!" si Eilva na mahina ngunit matigas na tono nang sambitin 'yon. "He's a prince for Pete's sake."

I gasped. "I know. Eh anong gagawin ko? Binasted ko na nga noong nakaraan habang wala ako dito sa Cavite, hindi ko nga alam na may kakulitang taglay ang isang 'yon. Especially, he's Vander ahia's close friend. . ." saka ngumiwi ako.

Biglang bumungisngis si Vesna kaya sabay kaming napatingin ni Eilva sa kaniya. Ano na naman problema ng isang ito?

"Parang hindi rin prinsipe ang nagkakandarapa sa iyo, Eilva." kumento niya saka uminom muli ng champagne. "Remember, Luigi is a spanish prince, too."

Lumunok ng matindi si Eilva sabay iwas ng tingin. "He's just only my bestfriend, Vesna. Hanggang doon lang."

Tumaas ang isang kilay niya. "Huwag kang magsalita ng tapos, Eilva. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari."

Umiiling-iling ako habang nagdidiskusyon ang dalawang pinsan ko. Nilihis ko na lang ang tingin sa ibang direksyon. Awtomatiko akong napatingin kung nasaan si Ramey na ngayon ay kausap si Vander. Kasama rin nila sina Nilus at Adler. Mukhang hindi tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila.

Napaitlag lang ako nang biglang nagtama ang tingin namin ni Ramey nang wala sa oras. Lumunok ako habang hindi maputol ang tingin namin sa isa't isa. Mas humigpit ang pagkahawak ko sa aking baso. Kasunod na naramdaman kong nagwawala ang aking puso. Habang kaya ko pa, ako na mismong bumawi mula sa titigan naming dalawa.

Napukaw ko lamang ang atensyon ng dalawang pinsan ko nang inilapag ko na ang glass wine na aking hawak.

"Oh, tapos ka na?" nagtatakang tanong sa akin ni Vesna.

Isang pekeng tingin ang ipinakita ko sa kanila. "Nabitin ako sa pag-idlip ko so I gotta go in my room to take some rest." pag-aalibi ko na naman.

Bago man nila ako pigilan ay tinalikuran ko na sila't dire-diretso akong pumasok sa loob ng Hochengco Mansion. Nakasalubong ko pa sina Aldrie ahia at ang girlfriend nito na si Dra. Eliza Cutillion.

"Oh, saan ka?" nagtatakang tanong sa akin ni Aldrie ahia.

"I want to take some rest, cous." bumaling ako sa kasama niya. Binigyan ko ito ng ngiti. "Enjoy the party, ate Eliza."

"Sure, Verity. Rest well."

Nagpahabol pa ako ng ngiti sa kanila hanggang sa tagumpay akong nakapasok sa loob ng Mansyon.

**

Ilang beses na ako paikot-ikot sa aking kama. Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa night table. Sinilip ko kung anong oras na. It's already eleven o'clock in the evening. Argh, hindi ako makatulog sa mga oras na ito! Dahil ba sa tiba-tiba na ang tulog ko kanina o dahil sa mga binitawang salita ni Ramey kanina?

Inis akong bumangon, pabagsak kong ipinatong ang cellphone sa aking tabi. Ginulo-gulo ko ang aking buhok. Arghh, gustong gusto ko na matulog! Gusto kong bumawi ng tulog pero ayaw naman sumunod ang sistema ko sa nais ko. Ayaw makipagcooperate! Marahas akong bumuga ng malalim na buntong-hininga. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at itinapon ko ang sarili ko sa ibabaw ng kama. Nakipagtitigan ako sa kisame ng aking kuwarto. Marahan akong kumurap.

Hit and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon