Stay With Me

719 9 0
                                    

Hi Guys I'm back hahaha. Magpapasko na kasi so Eto Christmas story ko para sa inyo. 2 more Christmas story para sa inyo. Support natin yung book ni Mare 'My Beki Boss'  muah  Merry Christmas Guys!!!

-

"Ninong! Ninong!" sigaw dalawang batang papalapit kay Vice. Napatayo naman si Vice at kinarga ang mga bata. "Kurt, Kath, namiss niyo ba si Ninong?" nagthumbs up naman ang mga bata sabay halik sa pisngi ni Vice. "Mama mo?" tanong niya sa bata. Ngumuso si Kurt sa direksyon ng kanyang ina na nakikipag usap sa isang kaibigan. "Kurt Kath sama ka muna kay tito Archie at tito Buern ha? puntahan ko lang mama niyo."

Sa di kalayuan patagong dinudungaw ni karylle si Vice at ang kambal habang kausap ang kanyang kaibigan. "Karylle can we talk?" mahinahong sabi ni Vice. "Guys excuse me. Kakausapin ko lang kaibigan niyo." nakangiting sabi ni Vice sa mga kaibigan ni Karylle. Hinatak niya ang dalaga sa isang tahimik na sulok. "Bakit mo naman dinala yung mga bata sa ganitong party? Masyado pa silang bata para mamulat sa ganito." tumaas naman ang kilay ni Karylle "Sorry." ito na lamang ang nasabi ni Karylle kay Vice. He cupped her cheeks and kissed her forehead. "Sa susunod wag mo nang dadalin dito si Kurt at Kath. Ha Karylle? Ma propromise mo ba yun?" tumango si Karylle bilang sagot.

"Mommy Kurba! Jusko kulit ng junakis mo." sabi ni Archie na bitbit parin ang bata. Kinuha ito ni Vice mula sa kaibigan at hinele ang dalawang bata upang makatulog. "Sorry sa abala mga bakla." sabi ni karylle. "Eto naman. Okay lang ma'am karylle." sabi naman ni Russ. Si Vice naman ay kargakarga parin ang bata na kanina pa nakangisi at pumapalakpak. Aliw na aliw naman siya sa ginagawa ng mga bata.

Simula ng pagkaanak ni Karylle sa kambal ay si Vice na ang tumayong ama-amahan sa dalawa. Dahil nangako siya kay Yael na aalagaan ang kambal pag nawala siya. Hindi niya lubos na maisip na sa dinamidami ng kaibigan ni Yael ay siya pa ang pinili nitong pakiusapan dahil noon pa man ay galit na galit ito kay Vice dahil nga sa "Loveteam" nila ni Karylle. Madalas na dinadala ni Karylle ang kambal sa Studio para makita ito ng kanyang kaibigan.

"Ninong!" sigaw ni Kurt mula sa di kalayuan. Napatakbo si Vice ng nakita ang inaanak. "Si Kath?" sinubo ng bata ang kanyang thumb bilang nalungkot. "May shakith Kath."  binuhat ni Vice si Kurt at naglakad papunta sa DR ni Karylle. Nakita niya si Kath na nakahiga sa Sofa at mahimbing na natutulog. "Uso kumatok." sabi ni Karylle na nagaayos ng buhok. Tumayo siya at tinabihan ang anak na natutulog. "Dalawang araw ng nilalagnat si Kath. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako kasi madalas siyang nagsusuka." tinabihan siya ni Vice at niyakap. "Nagpa check na ba kayo sa doctor?" umiling naman si Karylle, "Pero mamaya pupunta kami." hinalikan ni Vice ang ulo ni Kath at Kurt. "Sasamahan ko kayo mamaya."

Bumaba si Kurt mula kay Vice at nilapitan ang kapatid na natutulog, pilit na inabot ng bata ang kanyang kapatid sabay halik sa pisngi nito. "I lab you kath! hihihi!"

Nasa lounge naman ang mga showtime host  maliban kay karylle at vice. Kanya kanya ng ginagawa ang nga host nagiintay ng start ng show. Dumating si Vice kasama si Kurt na nakahawak sa kamay niya. Kumaway si Kurt sa kanilang lahat. "Omg Kurt!! I miss my inaanak!" sigaw ni anne na binuhat ang bata. Nagwiggle naman si Kurt sabay halik sa pisngi ni Anne. Ngumuso naman ang bata at pilit na inaabot si Vice, "May favoritism na nagaganap" sabi ni Jhong na nakaupo at nagtetext. "Oo nga." pag agree ni Vhong. Pinausog ni Vice si Billy para makaupo siya at si Kurt.

beep*

Nagvibrate ang cellphone niya at tiningnan kung sino ang nagtext. Agad niya itong nireplyan. Si Kurt naman ay nakikipaglaro sa kanyang mga tito at ninong. Ilang minuto narin ang lumipas at may katext parin siya nagtaka ang bata at biglang sumimangot. Napansin ito ni Billy, "May nalulungkot oh, nagpapapansin." sabi ni Billy na nakatingin kay Kurt. Inilapag naman ni Vice ang phone sa lamesa at tinitigan si Kurt na naka crossarms habang nakasimangot.

Vicerylle||•One shots•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon