Kabanata 2/ Missing you

950 43 5
                                    


*MEKAILA*

Mahigit isang linggo na rin akong nagtatrabaho dito sa MC Bar. Naging maayos naman ang mga unang araw ko mababait ang mga kasama ko maliban kay ms. Yvette ang aming manager. Dahil sa baguhan ako laging nakabantay sa akin. Unang linggo ko naka-asign sa mga table na malayo sa stage.

Mas madalas ang mga babae customer sa bar. Usap-usapan na ang inaabangan nilang banda ang binabalikan dito.
Ilang gabi na rin dismayado ang mga kababaihan. Pero tiyak bukas ng gabi dadagsa ang tao dahil may announcement sa entrance na balik bukas ang performance ng banda.

Nakakatuwa sa bawat gabing duty ko ay kahit papano hindi ako nazezero sa commission kaya tiyak na madali akong makaka-ipon. Malapit na rin ang birthday ni Precious nais kong ipaghanda kahit maliit na salo-salo.

*FLASHBACK*

Tuwang tuwa akong habang pauwi pagkatapos ng interview kay Ma'am Jasmin, excited akong ibalita na may trabaho na rin ako sa wakas.

May nadanan akong maliit na tindahan ng mga laruan habang namimili ako ay bigla na lang ang sunod-sunod na busina ng mga sasakyan sa kabilang lane ng kalsada. Nang makapili na ako ay agad ko rin binayaran at umalis.
Tiyak na magugustuhan din ni Precious ang binili kong laruan. Mga apat na kanto na lang kung saan kami nakatira. Habang naglalakad pauwi nakasalubong ko si Luis. Gwapo, matangkad at may maayos na trabaho at halos lahat ng babae sa lugar nila ay nagkakagusto sa kaniya. Siya ang anak ng kapitbahay namen.

"Hi Mekaila mukhang ang ganda ng araw mo ah?"

"Oo maswerte ako ngayon kasi may trabaho na rin, bukas na ang umpisa ko. Binigyan din nila ako ng libreng uniform para may gamitin sa duty."

"Saan ka magtatrabaho?"

"Sa MC tower bar, bilang waitress"

"Malapit lang yan sa trabaho ko, medyo mahal ang pamasahe dun kung gusto sabay ka na lang sa akin para tipid ka sa pamasahe."

"Magkano naman?"

"fifty pesos balikan, joke libre lang kung para sayo"

"Wag na lang tiyak na madaming magagalit sa akin, mauna na ako kasi maglalaba pa."

"Sige bukas na lang baka magbago ang isip mo sabihan mo lang ako agad"

Tumango ako sa kanya at muli akong naglakad at dumaan sa bakery bibilhan ko muna ng eggpie si Precious. Bukas ang pinto bumungad sa akin ang pamangkin ni Mamang si Melody kasama ang mga kaibigan nito na abala sa pagpapa-pedicure.

"Mukhang maganda ang araw mo ah? May trabaho ka na ba? ."

"Oo meron na, bukas na ako mag umpisa"

"Anong trabaho?"

"Waitress sa isang bar"

"Ows saan naman?"

"MC tower bar jan sa may taguig"

"OMG Girl sa MC tower bar, nakapasa ka?"

"Oo ito nga may binigay silang uniform na magagamit ko"

Muli akong ngumiti sa kanila at nagpaalam para umakyat sa kuwarto. Kumatok ako ng ilang beses bago ako pagbuksan ng pinto. Nakangiti akong sinalubong ng aking prinsesa.

"Mama ang tagal po ninyo?"

"Nak musta po ang araw mo? Naghanap po ng trabaho si mama at buti na lang po bukas magumpisa na si Mama."

"Yehey may work na po si Mama, bili mo po ako ng barbie mama kapag may pera na po tayo."

"Opo nak bibili tayo, may pasalubong po ako sayo taran"

"Wow thank you po Mama"

*END OF FLASHBACK*

Napabalik ako sa kasalukuyan ng may tumawag sa akin.

"Mekai table 16 ready na ang drinks"

"Thanks kuya Eldon, paki follow din po yung finger foods nila"

"Ok Mekai"

Agad kong kinuha ang tray inayos ko muna para ibalanse at matiyak na hindi mahulog ang order na drinks. Kasi siksikan ang mga tao dahil abala na sumasayaw kahit nasa kani-kaniyang table. Talagang mapapa-indak sa klase ng mga tugtugin.

"Excuse po ma'am ito na po ang mga order ninyo. Margarita, tequila sunrise and mojito"

Isa-isa kung binaba ang mga drinks nila sa table.

"Miss sure ba bukas ng gabi tutugtog ang Primex band"

"Yes po Ma'am"

"My gosh I miss papa Prime"

"Me too"

"OMG I need to be fabulous and gorgeous kapag nagkita kami."

Napapangiwi na lang ako sa kaniya halos lahat ng customer lagi ang tanong ay kung kailan mag perform ang bandang Primex. Grabe naman ang mga suot nito halos kita ang kaluluwa kaya ako ang nilalamig sa suot nila.

Nagpaalam ako sa kanila para kunin ang iba pang order nila.

*PRIME*

Mahigit isang linggo na ang nakaraan pero sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ang maganda mukha niya ang nakikita ko. Mas madalas na akong nagkukulong dito sa office ko dahil wala ako sa mood na makipaglandian sa mga babaeng customer.

*FLASHBACK*

Badtrip hindi ko na nakita ulit ang magandang babae kanina. Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang magandang mukha nito.

Agad kong inaayos ang pagkaka park ng sasakyan ko pagdating sa bar. Tamad akong bumaba ng sasakyan kung wala lang mga delivery na naka schedule hindi na ako pupunta ng bar. Dahil ngayon araw ang dating mga imported na alak kailangan kong suriin bawat isa. Hands on talaga ako pagdating sa business ko.

"Sir good afternoon po"

Tumango lang ako kay manong guard bago pumasok sa loob. Inabala ko ang sarili ko sa paginbentaryo ng mga supplies.

"Prime ilang araw ka bang mawawala balita ko pupunta ka sa Thailand"

"Maximum of five days jas, another 3 branches ng MC ang bubuksan need din ng ma interview ang mga local applicant".

"Speaking of applicant isa lang ang na hired ko kanina."

"Jas pwede ba babaan mo ang standard sa mga applicant lalo na ngayon na kulang sa manpower."

"Ok ok, mas maganda na hardworking ang kukunin empleyado kaysa mga bitch"

Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Jas. Kahit kailan ayaw ni jas sa mga sa mga applicant na gusto lang maghanap ng mayamang na pwede na maging karelasyon. Humalik na ito sa akin dahil pupuntahan muna niya ang studio.

Bago ko malimutan isa isang tinawagan ang mga kabanda ko at ipaalam na out of the country muna ako. Tuwang tuwa naman ang mga ito dahil sa mahabang pahinga nila bukod sa tuloy tuloy ang fee na matatanggap nila.

END OF FLASHBACK

Tatlong araw na din ako narito sa matapos ang out of the country. Maging maayos naman ang expansion, hiring ng mga bar. Bukas practice na kami ng mga kabanda ko para sa performance kinagabihan.

Kailangan kong matanggal ang babaeng yun sa sistema ko dahil nawawala na ako sa sarili ko.

********

Keep on voting😊😊😊
Pls leave a comment 😘😘😘

Prime Montecristo (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon