*MEKAILA*Ilang gabi na rin ang lumipas at madalas ko nakikita ang grupo ni Jimenez. Kung saan ako naka assign doon din sila uukupa ng mesa. Simula ng pagalitan ni boss Prime si ms. Yvette lagi na lang ako nito nasisinghalan.
Pansin din ng mga kasama ko na mabigat talaga ang dugo ni ms. Yvette sa akin kaya naman mas sinisiguro ko na maayos ang trabaho ko. Pansin ko din kapag order na ni Jimenez talaga may aalalay sa aking isang waiter. Mabuti na rin iyon kasi medyo nakakailang din ang mga titig ni Jimenez parang hinuhubaran ako.
Ngayon ko din napansin na talagang kaya nila magwaldas ng malaking halaga gabi gabi dahil sa alak. Pansin ko din laging paiba-iba ang babaeng kasama nila sa bar.
Nasa counter kami habang ay panay ang tingin sa bawat table baka may customer na kailangan ng assistance. May naka-reserve na table malapit sa stage pero hanggang ngayon wala pa rin ang customer na uukupa.
Nakita ko si Donna na excited na lumapit sa akin. Halatang na kilig na kilig ito parang uod na inasinan.
"Mekai alam mo ba kung sino ang uukupa sa reserve table?"
"Hindi, bakit?"
"OMG mekai makikita ko na naman ang mga Adonis, ayusin ang panty baka malaglag."
"Sobra ka naman Donna, sino ba ang uukupa?"
"Mga pinsan ni bossing, OMG anjan na sila. Ayan na sila hmmmp kahit kailan talaga panira naman itong si Ms. Yvette masyadong papansin, pabida bida akala mo endorser ni Jollibee."
Natawa ako sa sinabi ni Donna, agad akong napatingin sa direksyon kung saan makikita ang apat na kalalakihan na talagang agaw pansin. Masasabi kong nasa lahi ni bossing na pinagpala sa pisikal na anyo. Ang isa sa pinsan nito ay may ka holding hands na babae simple namamit pero sobrang ganda. Habang si Ms Yvette siya ang nag assist sa mga VIP guest.
"Ang swerte talaga ni Ms. Elise dahil isang Jacob Montecristo ang naging asawa nito. Yung pogi na long hair na naka bun si Sir Vince, Yung nasa kaliwa kambal niya si Sir Vonn at yung seryoso sa lahat si sir Elijah"
"Sino kaya sa kanila ang sunod na mag aasawa?"
"Tanungin mo kaya sila, sino ako dahil hindi ko alam ang sagot."
"Gaga ka talaga baka mawalan ako ng trabaho"
*PRIME*
Agad akong lumapit sa mga pinsan ko.
"Hello fuckers"
Yakapan at hand sign sa mga pinsan ko at kay cousin-in-law kiss sa pisngi.
"Ang tagal naten hindi nagkita, kung hindi ko pa sinabi na libre ko hindi kayo pupunta."
Tawanan lang kami bago naupo, agaw pansin talaga ang grupo namen. The mighty Montecristo is in the house.
*Prime*
"Musta cousin-in-law ngayon lang tayo nagkita ulit, huling kita ko sayo yung ipinanganak ang kambal?"*Elise*
"Ok lang ako Prime, saglit lang kami kasi nakakahiya kina Mommy at Daddy."*Prime*
"Hey Dr. Montecristo how's your medical mission?"*Vonn*
"Great, Superb I meet someone special"*Prime*
"Wow nice hear that"*Vonn*
"Prime baka pwede mo siyang bigyang ng schedule kumanta dito sa bar mo? Para hindi masyadong mainip habang hinihintay ang eye surgery. Hindi ako mapapahiya maganda ang boses ni Lovely"
BINABASA MO ANG
Prime Montecristo (ON-HOLD)
Ficción General"I love you, I do love you maging sino ka man pati ang nakaraan mo kasama sa minahal ko." Cover Photo by: findinghumanity