BALLPEN KO NASAAN NA?
"Okay class, so what's our previous topic?" tanong ni Sir.
Agad akong nagtaas ng kamay syempre sayang token, sayang points, sayang recitation, sayang grade, syempre sayang din future namin ni krass joke lang di naman ako krass nun eh.
"Yes Ms.Montessa?" turo ng hintuturo sa akin ni Sir.
"Our previous topic is all about adverbs," ngiti kong sagot sa aming guro.
Bigla ako napadako sa pwesto ng aking super duper ultra mega crush na si Danielle. Nahuli ko itong nakatingin sa akin.
'Ikaw krass ha may lihim kang pagtingin sa akin' sa isip isip ko kaagad akong umupo at kinindatan ang ultimate crush ko ganyan kakapal mukha ko wag kayo!
"Okay class, our previous topic was all about adverbs. So what are the kinds of adverbs?" tanong muli ni sir.
"Manner."
"Place."
"Time."
"Reason."
"Affirmation and Negation."
"Frequency."
"Degree," sagot ng mga kaklase ko.
"Mukhang alam niyo na lahat so bring 1/4 sheet of paper quiz tayo," ngiti ni Sir.
'Demonyo ka talaga sir kahit kailan' halos mapatay ko na siya sa utak ko.
Hinanap ko ang 1/4 na papel sa bag ko.
'Hindi pala ako bumibili ng papel,' sa isip isip ko.
Nakita ko si Danielle na may 1/4 na papel at namimigay ito sa mga kapwa kong buraot. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
'Maka hingi nga ng apelyido ni krass este ng papel pala.
'
"Pahingi ng papel," nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya."Tsk," pagsusungit niya.
"Kamsahamnida," pacute kong sabi.
Bumalik ako kaagad sa upuan ko at napansin kong wala ang ballpen ko hinanap ko sa bulsa ko sa bag ko at sa kung saan-saan.
'Sh*t heart attack na dis!'
"Okay number 1," panimula ulit ng demonyo naming guro.
"TEKA SIRRRR!!" sigaw ko
"BALLPEN KO ASAN NA?!?!" sigaw ko ulit at natataranta nako.
"Buti pa yung ballpen hinahanap mo samantalang boyfriend mo hindi mo hinahanap," boses ni Danielle na mukhang papalapit sa upuan ko na siyang ikinatingala ko.
'humuWHOAgot si krass waw madjek'
"Oo meron akong ballpen nawawala lang pero boyfriend? Wala ako nun. Hindi mo nga ako kinakrass back eh. Aasa pa ako na may jowabels ako," pag-eemote ko.
"May sinabi ba akong crush kita?" paghahamon niya habang unti-unti kami nagkakadikitan ng mukha.
"W-wala n-naman! P-pero a-alam k-ko n-na d-dimo a-ako i-ikakakrass b-back" utal ko.
"Kaya di kita crush kasi gusto kita. From now on girlfriend na kita. Huwag kang umangal kundi hahalikan kita," ngisi nito sabay halik sa noo ko.
"I love you," dagdag pa niya.
"Yieeee sana ol."
"Ayoko na, uwian na."
“Yieee may jowa na si Stacy."
"New couple na naman."
"Congrats! Yieee," mga samu't saring reaksiyon ng mga kaklase ko samantala ako heto, nanghihina at unti-unting babagsak sa sahig
"Baby!" rinig ko ang boses ni Danielle bago ako lamunin ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
*S H * T P O S T
RandomGUYS BORED BA KAYO? AYYSUSSS AKO NA BAHALA SA INYO ALI KA BADAHIN MO ANG GINAWA KONG SH*T POST PARA SA MGA TAONG WALANG MAGAWA PARA NAMAN PA TAWANIN HIHHIHI I HOPE PO EH MA GUSTOHAN NIYO LABYOOOOO POO >3