CHAPTER ONE: Spiritual Era

5 0 0
                                    


Year 2450, Spiritual Era...

432 years pagkatapos ang pagbagsak ng napakalaking asteroid o mas kilala sa tawag na Gyro na inilabas ng black hole papuntang earth noong 2018. Bumaon ang Gyro sa gitna ng equator at naglabas ng napakalakas na impact na nagpabago sa buong earth at pumatay ng maraming tao.

Sa kabila ng lahat ng mga nangyari ay hindi parin nagawang patayin ng Gyro ang buong populasyon ng mundo. Ang mga survivors ng Gyro ay muling bumuo ng sibilisasyon at muling nag-establish ng government na sa kalaunan ay itinawag na Gyro Union.

Matapos ang mahigit 400 years na pagkakatayo ng Gyro Union ay bumalik ang lahat sa dating kalagayan ng mundo, pwera nalang sa kalagayan ng geograpiya ng earth. Bumalik sa dati ang populasyon at makaraan lamang ang ilang taon ay nalagpasan na ng sibilisasyon ang rurok na tinatamasa noong 2018. Nag-improve pa ang lahat sa mga lumipas na taon lalo na sa aspeto ng teknolohiya, mas lalo pang naging advance ang technology simula ng masira ang lahat. Maraming nadiskubre ang iba't-ibang scientist kabilang na ang pagkakadiskubre ng portal sa gitna ng equator pagkatapos bumagsak ang Gyro meteor doon.

Fastforward~~~

After ng napakaraming taon simula ng madiskubre ang portal ay siya namang pag-usbong ng magics at abilities.

Marami ang namangha sa nadiskubre ng mga scientist na naglakbay sa loob ng portal dahil dito. Ngunit hindi lang ang pagka-discover ng magics at abilities ang nagdala ng gulat at pagkamangha sa tao sa buong Gyro union kundi ang mismong mundo na ginagalawan nila...

Sa ginawang paglalakbay ng ibang survivors sa iba't-ibang panig ng mundo para mahanap ang iba pang survivors ay nagbunyag sa kanilang nakita sa kanilang paglalakbay na nag-iba na ang sukat at laki ng mundo. Mas lalo pang lumaki ang mundo sa hindi masukat na estimasyon. Nagsagawa naman ng eksplorasyon ang mga scientists upang patunayan ang sinabi ng mga manlalakbay at nagpalipad sila sa kalawakan ng isang advance satellite na kayang kumuha ng litrato ng napakalayo, at nagulat sila sa kanilang natuklasan. Ang Magnifier X o ang satellite na ipinalipad nila sa kalawakan ay nakakuha ng image ng buong earth, at laking gulat nila na hindi nito masukat ang laki ng planeta....

Nagsagawa pa ng napakaraming eksplorasyon ang buong Gyro Union ngunit hindi parin nila matiyak ang laki ng mundo. Hanggang sa naglabasan na ang iba't-ibang nilalang sa iba't-ibang panig ng mundo, saka pa lamang natigil ang iba't-ibang eksplorasyon dahil sa delikadong lagay ng mga manlalakbay sa iba't-ibang panig ng mundo.

Samantala, sa pagkadiskubre ng portal ay marami ang namangha dito at sumubok na magtungo sa loob ng portal upang makita ang mundo sa likod nito....

At dito na nagsimula ang spiritual era...

"In the age of ten you can enter the portal and discover the innate talents of your bodies. Please line up to claim your passcards, thank you." Sabi ng AI machine sa mga taong patungo sa Wonderland Terminal.

Wonderland Terminal ay isa lamang sa mga advance train na nag-uugnay sa lagusan ng portal. May apat na advance train ang nag-uugnay papunta sa portal; Paradise Terminal, Sky-Haven Terminal, Bai Long Terminal. Ang Wonderland Terminal ay nakabase sa Tyrant City, isa sa 200 cities na hawak ng Gyro Union.

Libo-libong tao ang sumasakay araw-araw dito kasama na ang kanilang mga anak na nasa 10 taong gulang na kaya naman ay siksikan ang buong lugar ng terminal.

------------------------

Patingin-tingin naman si Jin sa mga taong kasama nilang nag-aabang sa estasyon.

Maputi, matangos, may mapupungay at makikinang na kulay gray na mga mata, may manipis na labi, at higit sa lahat ay perpekto ang hugis ng mukha ng batang si Jin. May katangkaran si Jin kaysa sa kanyang mga ka-edad at nakasuot siya ng itim na combat suit na hapit sa kanyang pangangatawan. Nakahawak siya sa kamay ng kanyang papa na nakasuot ng coat na itim.

"Papa, maganda ba sa lugar na 'yon?" Tanong ni Jin gamit ang kanyang napakabatang boses habang nakatingin sa kamukha niya ngunit mature na si Archeus.

Ngumiti naman si Archeus sa kanyang anak at tumango. "Hmm, maganda, napakaganda ng lugar doon, pero napakadelikado din."

"Bakit po papa? Are there monsters?"

"Hahaha, meron naman but you will not go there, you will go to Gaze University in there to learn first. Doon ka muna ng 6 years kasama ko para matutunan mo ang mga bagay na dapat mong matutunan sa loob ng portal." Paliwanag ni Archeus.

TING! "TRAIN APPROACHING THE STATION IN ONE MINUTE!"

Malakas na sabi ng isang monotonous na boses ng machine announcement ang umalingawngaw sa buong station.

Napatingin naman si Archeus sa paligid at binuhat ng mabilis ang anak at lumapit pa lalo sa dadaanan ng tren.

Mabilis naman na nagsiksikan sa lugar at lahat ng magulang ay bitbit ang kanilang mga anak.

Whoosh whoosh!

Mabilis naman na bumulusok ang tren sa estasyon at napakabilis din ng paghinto nito.

Clang! Clang! Clang!

Tunog ng bakal na katawan ng tren dahil sa napakalakas na tension. Nang stable na ang tren sa estasyon ay agad na bumukas ang pintuan nito at sabay buhos din ng tao papasok. Wala ng mga tao na lumalabas dahil one-way trip lang ang tren papuntang Portal at ibang tren ang sasakyan kung gusto mong bumalik sa Gyro Union.

"Papa! Ok ka lang?" Tanong ni Jin sa kanyang ama matapos ang serye ng banggaan sa iba pang mga magulang matapos nilang maupo.

Tumawa naman si Archeus. "Ikaw talagang bata ka oo! Ok lang si papa, ganito din ang nangyari nung maliit pa ako." Ngiti ni Archeus sa anak niya sabay gulo sa buhok nitong may kahabaan.

Samantala, halos nakasakay na ang lahat ng tao sa tren, at ng makasakay na ang pinakahuling pasahero ay nagsarado na ang pintuan ng tren.

Ting! "Goodmorning everyone! I am the captain of Wonderland Train and we're going for Portal and will arrive 3 weeks later. For safety purposes, please keep sitting in your seats because we'll start our train and it may cause you a little bit dizzy due to boost in speed. You may walk and do what you want a little while when we stop the speed boosting. For those customers who's going to eat, please go to the food and beverage area of the train and for those who are going to sightseeing to the places we will pass through go to the viewing area..."

"Archill sleep first, I'm going to wake you up later when we go to eat, how 'bout that?" Tanong ni Archeus kay Jin.

Tumango naman si Jin at ngumiti sa kanyang papa Archeus. May binigay naman na gamot si Archeus laban sa hilo at tubig na agad namang kinuha at ininom ni Jin.

Mamaya-maya pa ay biglang nag-vibrate na ang buong katawan ng tren na hudyat na ng pag-andar nito at ang pag-start ng speed boost ng tren.

Darating ang Wonderland Train sa Portal sa loob ng tatlong linggo. Sa tatlong linggo na ito ay naghihintay sa kanila ang bagong buhay.

I AM RAGEWhere stories live. Discover now