CHAPTER NINE: Nine Planes

0 0 0
                                    


Napapalibutan ng multicolored na usok ang katawan ng higanteng ibon.
Mukha lamang ang ng ibon ang makikita at kulay puti ang mukha nito samantalang mala-rainbow naman ang mga mata nito. Napatingin siya sa gawi ni Tyrone.

Bigla namang nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan at huminto sa pag-atake kay Axle at tumingin sa kanyang likuran. Nahintatakutan naman siya sa nakita.

"H-Hindi!....." Halos bulong niyang sambit at nanginginig ang kanyang tuhod.

Kumindat naman ang malaking ibon kay Tyrone at maya-maya lang...

"AAAAAAHHHHHHHHH! AAAACCCKKK!"

Malakas na hiyaw ni Tyrone at bumagsak siya sa lupa.

Kanina pa natigil ang labanan sa paligid at ngayon ay tinitignan nila ang pagulong-gulong na Tyrone habang maya-maya lang ay nangisay na ito at tumigil na sa paggalaw.

Swoosh! Kkkrrrrr!

Bigla namang nag-apoy ang buong katawan ni Tyrone at maya-maya lang ay naging abo na ito.

Nagkatinginan naman ang grupo ng Blood Phantasms at nang kabilang grupo.

Napaatras naman ang mga naka-brown na trench coat na kalalakihan at may lumabas naman na isa sa kanilang hanay at nagtanggal ng sumbrero. Nakita naman ng lahat ang isang matanda na may mahaba at maputing buhok at nag-bow ito sa grupo ng Blood Phantasms at kay Archeus.

"Magandang gabi ginoong Archeus at paumanhin na din sa gulong dinulot namin ngunit napag-utusan lang kami ng War Ambassador." Sabi ng matanda kay Archeus.

Napangiti naman si Archeus. "Hindi ka naman siguro lalabas para magmakaawa diba?"

"Tama ka. Alam kong mamamatay kami kaya hindi na namin pahihirapan pa ang mga sarili namin." Sabi ng matanda at lumingon sa kanyang mga kasamahan.

Agad namang nagpakamatay ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapasabog ng kanilang laman loob at isa-isa silang nagbagsakan sa bubong.

Tumingin naman ulit ang matanda kay Archeus. "Mr. Archeus, nais lang iparating ni War Ambassador William Might na nais ka niyang maka-usap sa Nine Planes Domain. Huwag ka din raw na mag-alala dahil wala siyang intensyon na labanan ka roon."

"Ano namang kailangan niya sa akin?"

"Hindi ko po alam Mr.Archeus, siya nalang ang tanungin mo." Sabi ng matanda at tumalikod na kay Archeus.

Bigla namang nahinto ang matanda sa paglalakad ng makaabot na siya sa gitna ng mga patay niyang kasamahan. "Pinapasabi din pala ni Ambassador ito...... Margarette.... Resurrection..." Huling sabi ng matanda at nagpakamatay na ito.

Boogsh!

Nakatingin lang si Archeus sa bangkay ng matanda. Naniningkit ang mga mata niya habang malalim na nag-iisip.

"Salamander sunugin mo na!" Sabi ni Niccolo sa isang kasamahan na may kulay crimson pa na apoy sa mga kamay.

Tumango lang si Salamander at itinaas ang kamay sa ere. Nakabuo naman siya ng fireball at ng mabuo na ito ay sinuntok niya ito ay sumabog naman ito. Lahat naman ng madapuan ng pagsabog ay nagiging abo pwera nalang sa kanyang mga kasamahan at ang bubong, bukod sa dalawang bagay na ito ay naging abo na ang iba.

QUI! QUI!

Lumipad naman ang Mystic Phoenix at lumitaw ulit ang umiikot na butas sa kawalan at pumasok na ito.

Nilapitan naman ni Niccolo ang tulalang si Archeus at inakbayan.

"Bro, samahan kita?" Tanong ni Niccolo at inalog ng onti si Archeus.

Nagising naman sa pag-iisip si Archeus at tumingin kay Niccolo at umiling. "Hindi na, kaya ko naman eh. Walang makakapigil sa'kin."

Naglakad naman si Archeus sa kawalan habang may multicolored na salamin ang lumalabas sa paanan niya at nagsisilbing apakan niya para hindi mahulog.

"Atsaka sabihin mo nalang kay Archill na mahal na mahal ko siya at magpapakabait siya habang wala pa ako. Ikaw na bahala sa kanya at kung ano pang sasabihin mo sa kanya." Sabi ni Archeus kay Niccolo habang patuloy parin naglalakad at hindi lumilingon.

"Promise babantayan ko siya!"

Napahinto naman si Archeus ng bahagya sa paglalakad at lumingon ulit sa grupo at kay Niccolo at ngumisi, nagpatuloy na siya sa paglalakad at maya-maya pa ay sumabog ang buong katawan niya na parang fireworks at nawala na.

"A legend will always be a legend. Sa age niya na 25 legend na siya, pero kung ang ibang legend ay patay na o di kaya ay nagtatamasa ng saya at tagumpay. Siya naman ay nagdudusa at lungkot na lungkot..... Kung pwede ko lang siyang samahan katulad ng dati...." Sabi ni Niccolo habang nakatingin sa direksyon kung saan nawala si Archeus.

I AM RAGEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora