CHAPTER TWO: Archer Martin Negate

3 0 0
                                    


Negate Main Mansion, Lucid City.

Sa isang parte ng Lucid City ay may isang napakalaking kulay gray na mansion. Ang mansyon na ito ay ang mansion ng Negate Family. Ang Negate family ay isa sa mga pinakamalakas na pamilya sa buong Gyro Union na itinayo ng isa sa mga unang scientist na pumunta ng portal, si Archer Martin Negate.

Makaraan lamang ang ilang daang taon ay lumaki ang pamilya na kanyang itinayo at napabilang sa mga taong may napakalaking impluwensya sa Gyro Union.

Sa kasalukuyan ay buhay parin si Archer Martin Negate sa edad na 500 years old. Simula ng matuklasan ang Portal ay siya ring paghaba ng buhay ng tao. At habang palakas ng palakas ang tao ay lalo pang hahaba ng hahaba ang buhay.

Hindi lamang kilala ang Negate family bilang isa sa mga Founding Families ng Gyro Union kundi kilala din sila bilang isa sa mga may malalakas na magics at abilities.

Ang innate talents o capabilities ng katawan ay nahahati sa dalawang daan, ang daan ng magic at ang daan ng abilities. Ang daan ng magics ay isang misteryo at ang magics ay gumagamit ng spiritual powers. Malakas ang magics pero mas matagal at mahirap ang daan na ito. Ang daan ng abilities naman ay nakadepende sa katawan ng tao at ang available na genes na pwedeng ma-unlock. Ang daang ito ay may kinalaman sa katawan at gumagamit lamang ng energy ng katawan. Ang kadalasang nasa abilities ang kapangyarihan ay madalas na nagti-training ng katawan at nagpa-practice ng iba't-ibang skills o techniques para mapalakas ang kanilang katawan at ma-unlock ang iba pang genes. Sa path ng abilities ay maswerte ang may innate special bodies na nagpapadali ng kanilang paglakas.

Kilala ang Negate family na nagtataglay ng magic at ability ang bawat isang miyembro, dahil dito ay kinikilala sila bilang isa sa mga guardians ng Gyro Union laban sa ibang mga nilalang.

-----------

Naka-upo naman sa gitna ng napakalaking kwarto ang isang matandang nakasuot ng black at blue na robe. Matangkad at may kulay blue na buhok ang matanda, makikita din sa kanyang mukha ang pagsubok ng panahon at buhay, at higit sa lahat ay kapansin-pansin ang kanyang nagliliwanag na mga kulay gray na mga mata at mababakas pa sa kanya ang lakas ng isang mandirigma dahil sa malaki at walang pinagbagong katawan niya sa haba ng panahon.

Marahan naman niyang tinatapik ang sandalan ng kanyang upuan habang pinapakinggan ang pagre-report ng isang lalaki na naka blue suit.

"Master Archer, ayon sa bagong ulat na ating natanggap, ang pamilya ni Archeus Vin Martin Negate ay natagpuan sa Tyrant City, ngunit ng makalapit ang ating mga tauhan ay agad na umatake ang pamilya ni Mr. Archeus kaya naman ay napilitang  gumanti-"

PA!

Malakas na umalingawngaw sa lugar ang sampal ni Archer sa tauhan at lumipad ang kanyang tauhan sa pinto ng kwarto.

BOOM! BLERGH!

Suka ni Gerette ng bumangga siya sa pintong bakal. Mabilis naman siyang tumayo at tiniis ang sakit habang nakayukong lumapit parin kay Archer.

"Alam mo ba ang magic at ability ko? I have negation magic and ultimate precision ability.... At anong meron si Archeus? He has no ability, but he has dual magics! Kilala mo ba kung sino ginagalit mo?! If he knows we will bound to have difficulties! We killed his wife and now..." Sigaw ni Archer sa kanya.

Para namang nawala si Gerette sa kanyang sarili sa ilang ala-ala at pagkatapos ay mas lalo pang namutla.

Huminga naman ng malalim si Archer at umayos ng upo. "Archeus is the best among my sons and daughters. He's so talented that I kept on feeling the pain of abandoning and banishing him. Did you know why I'd banish him? Because he married a wrong woman, a very wrong one that if the council knows we will be persecuted."

Nanlaki naman ang mata ni Gerette ng may maalala. "Ma-Master, you mean-"

BOOGSH! BOOOOOMMM!

CRACK! CLANG!

Sa sobrang bilis ng pagkilos ni Archer ay hindi na nagawang makita at umilag ni Gerette ng suntukin siya sa dibdib. Mabilis na lumipad si Gerette sa pinto at nasira ang pinto at malakas na bumagsak ito. Hindi naman malaman kung patay na ba si Gerette o hindi.

Lumapit naman ang isang lalaking naka-black suit. "Master Archer!"

"Tyrone, nais kong puntahan mo ang mga tauhan natin sa Portal at hanapin niyo si Archeus.... Kung kinakailangan, patayin siya. Hindi niya dapat malaman kundi magkakaroon ng bagyo na hindi natin mapipigilan." Utos ni Archer at tumayo na siya at nagtungo sa isang pinto.

Nag-bow naman si Tyrone at pagkatapos at bigla na lamang siyang nawala...

-------------------------

Axolum City, Portal Entrance.

Matapos ang tatlong linggo na biyahe ay dumating na ang tren sa Axolum City kung saan matatagpuan ang daanan ng Portal.

Maingay naman sa loob ng tren dahil sa pag-uusap ng mga tao at pagkamangha ng kabataan sa tanawin na nakikita nila sa labas at ang announcement ng kapitan ng tren. Palingon-lingon naman si Jin sa kanyang paligid habang bitbit siya ni Archeus palabas.

Sa Axolum City makikita ang mga nagtataasan at naglalakihang mga skyscrapers sa buong Gyro Union at dito din makikita ang pinaka-concentrated na security sa buong Gyro. Paglabas pa lamang ng tren ay makikita ang daan-daang sundalo na nakabantay sa estasyon kaya walang gumagawa ng gulo dito.

Pangiti-ngiti lang si Archeus habang patingin-tingin sa tabi. Paglabas nila ng estasyon ay agad na sumakay si Archeus ng taxi at nagtungo sa lagusan ng Portal.

"Babalik ako Margarette, babalik ako at uubusin ko sila. Babalik ako pag kaya na ni Archill ang sarili niya." Isip-isip ni Archeus habang nakatingin sa mga gusaling nagtataasan.

I AM RAGETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang