CHAPTER FIVE: Power Testing Center

1 0 0
                                    

Masaya namang tinitignan ni Jin ang hawak na cards na black at white. Sa black na card ay makikita ang isang black na sword at may nakalagay na description na "Level 1-Negate Sword", samantala, sa white na card naman ay makikita ang isang angel na naka-armor at may description na "Level 1-Battle Angel (Transformation Card)".

Para namang may kung anong nag-utos kay Jin at wala sa sariling ikinuyom ang black at white na cards.

Ziiiiinnnnggg!

Nagliwanag naman ang buong katawan ni Jin at napabalik naman sa wisyo si Archeus sa kanyang pag-iisip at tinakpan ang kanyang mata at mabilis na lumayo sa tabi ng anak.

Maya-maya pa ay humupa na ang liwanag at nakita ni Archeus ang anak na nakalutang sa ere, may hawak na itim na espada na may mga patterns sa katawan nito, at higit sa lahat ay ang mala-anghel na pakpak at armor at halo na nakapalibot kay Jin. Puti din ang kulay ng kanyang mga mata at tumingin siya sa kanyang papa.

"Papa! Ang galing! Nakikita mo po ba?! Ang galing ng magic ko!" Sigaw ni Jin sa sobrang excited bahagyang tumataas na ang kanyang lipad.

Napaawang naman ng bahagya ang bibig ni Jin, sa huli ay kinalma na muna niya ang sarili. "Archill, bumaba ka muna. Titignan ni papa ang magic mo."

"Opo!" Sagot ni Jin at bumaba na.

Pagkalapag naman ni Jin sa lupa ay naglaho ang pakpak niya sa likod ngunit hindi ang armor. Nilapitan naman ni Archeus ang anak at hinawakan ang armor sa katawan. Gulat naman si Archeus sa lamig ng armor.

'Grabe-lamig! Paano nasusuot ni Archill 'to?' Isip niya.

Tinignan naman niya ang espada na itim at tumingin kay Jin. "Archill, pwedeng pahawak ng sword ng baby ko?"

Tumango naman si Jin at ibinigay ang espada sa kanyang ama. Hinawakan naman ni Archeus ang espada at pinakiramdaman ang espada. Gulat na gulat si Archeus matapos niyang mapakiramdaman ang espada.

'Negate attributed sword?! Hindi ba parang....'

Tulala si Archeus na napatingin sa anak at maya-maya ay bumuntong hininga siya. "Binigyan ako ni Margarette ng napakagaling na anak." Mahinang sabi ni Archeus sa sarili.

Tinignan naman niya ang anak. "Archill, anak kaya mo bang tanggalin o e-deactivate ang powers mo?"

"Opo!" Sagot ni Jin at binuksan ang mga palad niya.

Naging light particles naman ang armor at sword ni Jin at pumunta ito sa kanyang mga palad at naging cards ulit.

'No spiritual power?! Hindi ba parang overkill ang ability na 'to?!' Pagwawala sa isip ni Archeus at inggit na tumingin kay Jin.

Nakita naman ni Jin ang pag-pout sa kanya ng kanyang ama kaya naman ay napatawa siya at napakamot ng ulo. "Hehehehe"

Ngumiti naman si Archeus, "Tara na! Pasok muna tayo sa Gaze, tsaka natin i-tetest ang magic o ability mo."

-----------------------

Gaze University, Outer Sector...

Pagdating nila sa gate ay mahaba na ang pila papasok sa Gaze University.

Para makapasok ng Gaze ay kailangan ay isa ka ditong student o ang magulang ang student at dala mo ang special I.D ng Gaze Unversity.

Matapos ang halos mga 20 minuto ay nakapasok na sina Jin at Archeus. Pagpasok ni Jin sa Gaze ay manghang-mangha na ang bata sa ganda ng lugar. Para itong isang city sa dreamland, nababalutan kasi ng espesyal na aura ang lugar dahil sa naipon na magic at ability energy residue na naiipon sa lugar. Halos puti naman lahat ng building na makikita dito at black naman at white ang color ng uniform ng mga students. Marami pang magagandang bagay ang makikita sa loob ng Gaze ngunit nagmamadali si Archeus na makapunta ng Power Testing Center sa main building ng Gaze University.

Matapos ang halos 10 minuto na paglalakad ay narating na nila ang main building. Napakalaki ng main building ng Gaze at iba ito sa kulay ng mga buildings. Kulay red ang buong building ng Gaze at may puti din. Red naman din ang kulay ng suot ng mga officials at teachers ng Gaze University, at para makapasok ka din sa main building ay may special pass ka o di kaya ay official ka ng Gaze o teacher.

Naglabas naman ng black na crystal card si Archeus at pinakita sa nagbabantay.

"Good day Mr. Negate! Welcome to Gaze University." Bati ng bantay kay Archeus.

Napatango naman si Archeus, samantala, tingin ng tingin naman si Jin sa bantay.

Nakasuot kasi ito ng silver na full-body armor at ang mga mata ng bantay ay puros itim lang at walang puti sa kanyang mga mata.

Pagpasok pa lamang ni Archeus sa lobby ng main building ay napahinto ang lahat sa kanilang ginagawa at tila nakakita ng multo ang mga ito.

Napitigin din si Archeus sa kanila at napahinga ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad....

Nagkaroon naman ng malakas na bulong-bulungan sa lobby...

"Di ba si Mr. Negate 'yon?"

"Bumalik si Archeus?!"

"Sino ba si Archeus?"

"Bilis! Pumunta ka sa office at sabihin mo sa officers!"

"God of War bumalik na!"

"Hahaha things will be fun when the boss is here!"

Ilan lamang 'yan sa mga bulungan ng mga tao sa lobby at mamaya-maya lang ay nagsimula ng magtakbuhan ang iba.

~~~~

Walang kaalam-alam si Archeus sa pangyayari dahil dire-diretso lang siya sa Power Testing Center ng Main Building.

Pagdating sa pinto ng Power Testing ay agad na hinagis niya ang crystal card sa bantay at nagmamadaling pumasok sa loob ng room.

"Here is it!" Mahinang sabi ni Archeus at tumingin kay Jin.

Tumingin naman si Jin sa loob ng silid. Sa loob ng Power Testing Center ay may ilang mga higaan na may takip na kulay puti at marami pang ibang test para masukat ang talent ng isang tao.

"Archill mamaya dun ka hihiga sa parang incubator natin sa bahay ah? May pupuntahan lang si papa."

"Saan ka pupunta papa?"

"Sa kaibigan..." Sabi ni Archeus sa anak ng nakangiti at hinaplos ang buhok ni Jin at lumapit na sila sa Testing area.

Agad naman silang inasikaso at ng makahiga na si Jin sa Tester at masarado na ito ay agad namang umalis si Archeus...

I AM RAGEWhere stories live. Discover now